CHAPTER 70

1426 Words

SANA matapos na ang araw na ’to. Naaalibadbaran ako sa hitsura ni Monique na walang tigil sa pagkapit kay Jacob. Kulang na lang yata ay sumabit siya para maging keychain.       Ilang beses akong napairap habang nakatingin sa gawi nila. Kung siguro malakas lang ang usog ko, kanina pa nausog ang lintang ’yan. Puro siya reklamo. Kesyo kinagat ng lamok, pagod na, masakit na ang paa. Aba’y sino naman kasi ang hindi sasakit ang paa kung naka-high heels ka? Lakas ng tama sa utak, eh.        Mula sa pagkakatingin sa kanila ay minsan pa akong napairap bago binalingan ang aking dalang bag para kunin ang tumbler na may lamang tubig. Kanina pa kasi kami naglalakad kaya nakaramdam na ako ng panunuyo ng lalamunan. Uhaw na uhaw na ako.        Ngunit kahit yata halughugin ko at ilabas lahat ang laman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD