ANIM na minuto lang ang nilakad namin mula Christy Lodge and Cafe patungo sa unang destinasyon namin dito sa Sagada ngayong araw. Hindi na kami gumamit ng sasakyan dahil walking distance lang naman. Very instagrammable ang buong paligid. Napakapayapa at tahimik. Tipong dito mo mahahanap ang peace of mind na gusto mo dahil sa katahimikan. Maraming puno sa paligid at mataas ang lugar kaya naman talagang malamig ang dampi ng hangin sa balat. Swak na swak ang lugar na ’to para sa mga taong mahilig magsabi ng hahanapin muna nila ang kanilang mga sarili. Mga tipo ng tao na nakikipaghiwalay sa mga jowa nila tapos wala nang ibang maidahilan kaya idadaan na lang sa salitang: Hahanapin ko muna ang sarili ko. Sa katahimikan ba naman ng lugar na ’to, talagang may time kang magmuni-muni. Puwede ka

