DAHIL sa lamig ng panahon dito sa Sagada, isiniksik ko pa ang aking katawan sa tila buhay na kumot na nakapulupot sa aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam. Napapawi nito ang lamig sa aking buong katawan. Hindi naman kami naka-aircon dahil tanging bentilador lang ang in-o-offer ng bahay-pahingahan na ’to. Pero legit na legit ang lamig ng panahon lalo na kaninang madaling araw. Sagad na sagad hanggang sa aking buto ang lamig. But with the use of this blanket, I felt ease in it’s warmth. Ang sarap tuloy matulog na kahit dinig ko ang tilaok ng manok sa labas ay hindi ko pa rin magawang bumangon. Matanong nga sa mga taga rito bago kami umuwi bukas kung saan makakabili ng kumot na ganito. Nakangiti kong mas isiniksik pa ang aking katawan sa kumot pero bigla akong natigilan at unti-unting nawa

