NAGPABALING-BALING ako ng higa dahil hindi na naman ako makatulog. Namamahay na naman ako at hinahanap ng aking katawan ang sarili kong higaan. Samantalang si Matet ang sarap na ng tulog niya sa kabilang higaan. Bumaling ako sa aking kanan at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Ngunit nakailang minuto na ako sa side na ito ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Muli akong nag-iba ng sleeping position. Dumapa ako at baka sakaling sa ganitong ayos ay makukuha ko na ring matulog. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pero gano’n pa rin! Hindi pa rin ako makatulog. Ano pa bang posisyon ang gagawin ko? Kailangan ko bang tumiwarik para lang makatulog? “Nakakabuwisit!” mariin kong bulong bago tumihaya. Tumititig ako sa elevated na kulay puting kisame. Yes, elevate

