Louise HINDI ako masyadong makapag-concentrate sa trabaho dahil buong oras ko rito sa café ay nahuhuli kong nakatitig sa akin si Kenjie. God, he’s annoying the hell out of me! He’s been here in the café since this morning up until now na malapit na akong mag-out. At buong oras na narito siya ay wala siyang ibang ginawa kung ’di um-order ng kape, frappe, milktea at ng kung ano-ano pa na parang hindi rin naman niya iniinom at kinakain. Diyos ko, ano ba ang trip niya sa buhay? Ito ang pinakamatagal niyang pag-stay rito simula nang gawin niyang itong tambayan. Parang wala siyang pinagkakaabalahan dahil sa dalas niya rito. “Bakla, nandito parin si sakang. Mukhang hinihintay yata ang pag-uwi mo, a,” pabulong na sabi ni Marvie na kagagaling lang mula sa loob ng stock room para mag-inventor

