Jacob “SAKURA . . . GHI?” nakakunot ang noong basa ko sa pangalan ng nag-friend request. “Weird name,” usal ko. May nag-e-exist pala na ganitong pangalan sa mundo. Wala sana akong balak pagtuunan ng pansin ito pero dahil na-curious ako kung sino siya ay in-open ko ang kaniyang profile. Ngunit imbes na mag-direct sa profile niya ay nag-appear sa screen ang note na: The person or the page you are searching is unavailable. Muli ko pa ring pinindot at baka nagkataon lang. Pero gano’n pa rin. Nakalimang attempt pa ako hanggang sa sumuko na ako dahil paulit-ulit lang ang nag-a-appear sa screen ng laptop. Mukhang napag-trip-an lang yata ako ng taong iyon. Nagkibit ako ng balikat at pinatay na lang ito bago itiniklop. Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang ang bilis ng pagk

