KANINA pa ako hindi mapakali dahil sa nerbiyos kaya hindi ko maiwasang pumaroo't parito ng lakad habang kinukurot ang aking sariling mga daliri. Hindi naman ako pasmado pero namamawis ang mga palad ko. Panay rin ang pagpapakawala ko ng mahahabang buntonghininga tapos iwawagwag ang aking mga kamay na para bang ngawit na ngawit bago maglalakad-lakad ulit. Damn! I'm so nervous and excited at the same time. "Uy, ano ba? First timer ka, 'te? Para kang hindi mapaanak na pusa riyan, a. Pwede bang tumigil ka sa kalalakad at ako'y nahihilo na sa 'yo?" sita ng personal assistant kong si Marvie. Hindi na yata siya nakatiis kaya bigla na lamang niya akong pinuna sa kalalakad ko. "E, sa kinakabahan nga talaga ako!" Napamasahe ako sa sariling batok bago pabagsak na naupo sa harap ng malaking salami

