Louise MAGTATANGHALI na nang makababa kami mula sa Baguio ni Matet. Pero imbes na dumiretso ng uwi, I decided to go somewhere para ikalma kahit sandali ang utak ko. Gusto ko munang huminga kahit sandali bago humarap na naman sa panibagong sakit ng ulo. Sa tono pa lang kasi ni Mommy kanina at sa narinig kong pagkakagulo sa kabilang linya nang tumawag siya, alam ko na agad na may sasalubong sa akin na problema sa bahay. Hindi na bago, pero, gosh! Let me breath first at baka naman mamatay ako nang maaga ng dahil sa konsumisyon. Masiyado pa akong bata at fresh para ma-tegi kaya hindi ako papayag na maagang mag-goodbye sa mundo. Ayokong uod at mga langgam lang ang makinabang sa katawang-lupa ko, ano. Joke ko lang naman iyong hiniling kong isang bagsakan na problema kay Lord. Hindi ko pala iy

