HINDI rin pala maganda ang pinag-aagawan. Akala ko nakahahaba ng buhok at tuluyan ko nang matatapakan ang dulo nito. Pero pucha! Ilang hila na lang ng dalawang kalahi ni Adan sa kamay ko, paniguradong kakalas na ang mga buto ko sa braso at kamay. Wala pa silang ingat sa paghila, eh. Parang lubid lang kung maghatakan ang mga ’to. Enjoy na enjoy pa akong pag-agawan nila kanina. Feeling ko kasi ang ganda-ganda ko. Sa sobrang pagmamaganda ko, ito ang nakuha ko: karma! “Ako ang naunang nag-alok sa kaniya para maging partner ko, bro.” Napatingin ako kay Alfie matapos niyang sabihin iyon at hilahin ako sa side niya. Nakangiti siya at labas ang dalawang malalim na dimples sa gilid ng kaniyang mga labi. Pero ang tingin niya kay Jacob, singtalim ng bagong hasang kutsilyo. Ang talim, pre! Ngunit a

