HALOS mapahiyaw ako sa bawat pagtigil ng tugtog. Wala man lang kasing pasabi si Jacob. Basta buhat lang siya nang buhat sa akin na para bang isa lang akong magaan na papel. Mamaya paniguradong sobrang sakit ng katawan ko kapag nakauwi. Ang kaninang halos bente na magkapareho na narito sa gitna ng hall ay naging anim na lang. Hanggang sa naging lima, naging apat, tatlo at ngayon nga’y dalawang pares na lang ang natirang matibay na naglalaro dito sa gitna. Kami ni Jacob at ang magkaparehang Matet at Alfie na lang ang nananatiling naiwan. Sobrang competitive ng dalawang lalaking ito, Diyos ko! Walang gustong magpatalo. Bilyones nga yata talaga ang premyo ng mananalo kaya gano’n na lang ang paghahangad nilang manalo. Napuno ng masasayang hiyawan, at tawanan ang buong hall dahil sa larong

