NANATILI kaming magkayakap ni Jacob habang dinadama pa rin ang init ng aming mga katawan. Balewala na ang mga taong nasa paligid at tila kaming dalawa na lang ang naririto ngayon. Pakiramdam ko, kapag ganitong yakap niya ako, amin lang ang mundo. Feeling ko, secured na secured ako at walang ibang tao na puwedeng makapanakit sa akin. He’s my knight in shining armor and hero after all. “Alam kong may pinagdadaanan ka, Louise. You can talk to me about it kung ready ka nang pag-usapan kung ano ang gumugulo sa utak mo. I’m all ears,” usal ni Jacob habang pinapatakan ng magagaan na halik ang aking ulo at buhok. Such a very gentleman gesture. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakapikit ang aking mga mata habang ninanamnam ang mga sandali. Dahil baka sa sandaling iminulat ko ang aking mga ma

