KAHIT durog na durog na ang puso ko habang nakikita ang mga eksena sa harap ng stage kung nasaan sina Monique at Jacob, pikit-mata pa rin akong tumayo at nakisali sa pagsalubong ng palakpak kay Monique. Gano’n talaga, eh. Kailangan kong lunukin ang sakit para hindi nila makita na affected ka. At isa pa, kasalanan ko rin naman talaga kung bakit si Monique ang kasama at kahawak niya ng kamay ngayon at hindi ako. Kaya ano’ng karapatan kong mag-inarte ngayon? Ayaw kong magmukhang bitter sa paningin ng lahat kahit may narinig na akong bulungan kanina mula sa mga Marites at Mariposa na nasa paligid. Pinag-uusapan lang naman nila iyong naganap sa paper dance game kanina kung saan magkayakap kami ni Jacob hanggang sa matapos na ang laro. Nasabi kasi ng host na itong si Jacob ay fiance ni Moniq

