HABANG tinatalunton ko, kasama ang dalawang bata ang medyo mabatong daan patungo sa gitna ng ilog kung nasaan ang kubo, ay tila gusto akong anyayahan ng malamig at pinong tilamsik ng tubig sa aking mga paa para maligo. Nasa likuran lang namin sina Jacob at Eliza na walang imik. Gusto ko silang lingunin pero pinipigilan ako ng isip ko dahil baka mainis lang ako sa hitsura nilang dalawa. Masira pa ang magandang moment na dala ng payapang paligid. Kaya bahala sila sa buhay nila kung maglandian man sila. Paki ko ba? Afterall, hindi ko siya fianceé na katulad ng kini-claim niya kagabi. Akala mo kung sinong makabakod kay Ely, eh, parehas naman naming hindi gusto ang plano ng dalawa naming lolo. Bakit ba hindi na lang ang dalawang iyon ang magpakasal kung ang gusto lang naman pala ay magkaroo

