“ANO? Naaalala mo na ba ang mga ginawa mo kagabi?” nakangising tanong ni Jacob sa akin. Tiningnan ko lang siya ng matalim. Iyong tingin na maaaring pumutol sa dila niya nang sa gano’n ay tigilan niya na ako sa pamemeste niya. Malapit na talaga akong mapikon sa kaniya. Konti na lang. Konting-konti na lang talaga mapigpigtas na ang pisi ng pagtitimpi ko. Baka hindi ko matantiya ’to, bigla na lang siyang tumilapon sa bintana kapag hindi pa niya ako tinantanan. “Nye nye nye. Mukha mo. Paki ko ba sa ’yo? Bakit hindi mo na lang kaya puntahan iyong bebe labs mong si Eliza nang hindi ako ang pinagdidiskitan mong lintik ka?” Napansin kong natigilan siya nang mabanggit ko ang pangalan ng babaeng dikya. Ang nakakalokong ngisi na nakapaskil sa kaniyang mga labi kanina ay tila k

