“SIGE, bye. Tuloy niyo lang ’yan. Putukan naaa!” Ikinaway ko pa ang aking kamay bilang pamamaalam saka mabilis na tumalikod para lisanin na sana ang lugar. Ngunit natigilan ako sa paghakbang ng may bigla na lamang humawak sa aking braso. “Damn it, Louise, it’s not what you think, okay?” mahinahon ngunit mariin na wika ni Jacob sa akin. Nanatili lang akong nakatayo sa aking kinalalagyan. Nahihilo ako at nasusuka. Pakiramdam ko ay parang umiikot ang aking mundo. Para akong sumakay sa pagkahaba-habang roller coaster ride dahil pati sikmura ko ay gustong bumalikad. Hindi epektibo ang lamig ng tubig na ibinuhos ko kanina sa aking sarili. Imbes na mawala ang pagkahilo ko ay matinding lamig ang nararamdaman ko sa ngayon dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin. Pucha, parang nasa l

