NAALIMPUNGATAN ako nang makaramdam na parang puputok na ang pantog ko. Ihing-ihi na ako at kailangan nang mailabas nito. Panira tuloy ng masarap na tulog. Ang ganda pa naman ng panaginip ko— Teka, bakit parang may matigas? Bakit may nakabukol akong nakakapa? Nangunot ang noo ko nang mapagtantong nasa biyahe kami nina Matet at Jacob. Mas lalo tuloy akong napapisil sa mga umbok na nakakapa ko. Ang tigas-tigas, dzai! Ang sarap himasin. Pero sino nga itong kayakap ko? Kailan pa nagkaroon ng abs si Matet? Kailan pa siya tinubuan ng mahaba at matigas na—Ay kingina! Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagmulat ng aking mga mata saka lumayo sa pagkakayakap sa taong kayakap ko rito sa loob nang pumasok sa isip ko na iisang tao lang ang mayroong matigas at mahabang—punyemas! Tila umurong ’yong ihi ko

