BUONG oras namin sa biyahe ay walang nagsalita sa amin maliban kay Matet na panay ang nakaiiritang pagkanta kasabay ng musika na nakasalang sa stereo. Alam mo iyong boses na pilit na inaabot ’yong high notes pero wala naman sa tono? Gano’n ang boses niya. Ang sakit sa tenga na kulang na lang yata ay dumugo ang loob nito. Si Jacob naman ay panay lang ang pindot sa kaniyang cellphone habang ako ay itinuon na lang ang tingin sa mga nadadaanan namin sa kalsada. Sigurado naman ako kung sino ang kapalitan niya ng mensahe, eh. Si Monique lang ’yan. Makapagsabi ng I’m always here for you ang tukmol na ’to parang totoo, hindi naman mapanindigan sa tuwing nariyan ’yong Monique niya. “Malayo pa ba tayo, girl?” tanong ko kay Matet dahil gustong-gusto ko nang humilata sa higaan. Ilang oras din kami

