DAHAN-DAHAN na lumayo ang mukha ni Jacob sa akin matapos ang makapugtong-hiningang halik na aming pinagsaluhan. Hawak pa rin niya ako sa aking pisngi gamit ang kaniyang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay nakayakap sa aking bewang. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng aking puso. Tila tinatambol ito at baka ilang sandali na lamang ay parang sasabog na. Habang magkalapat ang mga labi namin kanina ay hindi ko na inisip pa kung ano ang magiging kalalabasan nito pagkatapos. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Masaya ako habang yakap niya ako at siya ang kasama ko ngayon dito. Iyon bang feeling na secured na secured ka sa kaniya? Iyong parang walang mangyayari sa iyong masama dahil poprotektahan ka niya kahit ano man ang mangyari. Gano’n na gano’n ang nararamdaman ko ngayon. Puc

