MAGAAN ang pakiramdam kong gumising. Nakangiti pa nga ako pagbukas na pagbukas ko pa lang ng aking mga mata. Gano’n yata talaga ang epekto kapag alam mong wala kang kaalitan at kasamaan ng loob. Nagiging magaan ang pakiramdam paggising na paggising mo pa lang sa umaga. “Good morning, baryo Isabel,” masigla kong wika. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa labi ko. Nagmumukha na naman akong adik nito. Baka mamaya matokhang na lang ako bigla. Tumagilid ako at tumingin sa aking katabi ngunit wala na pala siya. Nauna na siyang bumangon. Gano’n talaga iyong lalaking ’yon. Laging early bird. Kung minsan nga ay mas nauuna pa siyang magising kesa kina lolo at lola. Pagkagising no’ng dalawang matanda ay may pagkain nang nakahain sa lamesa. Nahiya naman ako bilang isang babae. Ni magsaing ng kanin ay hi

