Carl Marco POV:
" Sagutin mo na kaya yan, baka importante" Kanina pa kasi nagriring ang phone niya. Tinitingnan lang niya ito at hindi sinasagot, dahil naririndi na ako sinabihan ko na siyang sagutin niya na.
Andito kasi ako sa bar at nagkataon na nakita ko ang bestfriend niya actually nagkakakilala na kami nito, hindi ko alam na ang babaeng gusto ko bestfriend pala niya. Kaya, nagpatulong ako sa kanya para makausap ang bestfriend niya na mapapangasawa ko. Pero hindi niya pa alam na engage na pala kami matagal na.
" So, where are we again Mr. Montemayor?" Pormal nitong tawag sa akin. Parang hindi naman yata maganda na magpatawag ako ng pormal tapos bestfriend niya ang fiancee ko.
" Call me Carl or Marco, drop the Mr. Montemayor" Sagot ko sa kanya, " help me to to tame your bestfriend para maligawan ko siya at para magustuhan na din niya ako kahit arrange marriage lang ang gagawin naming kasal." Hindi kasi alam ni Elleri na engaged na kaming dalawa ang parents lang namin ang nag set ng arrangements ng kasal namin for the company, hindi rin niya alam na ako ang lalaking ka blind date niya.
" Sure, I'm going to help you, but please, don't ever hurt my bestfriend ok?" Natuwa naman ako dahil may tutulong na sa akin para mapaamo siya.
" So, ano ang gagawin ko ngayon? dapat madaliin ko na to at malapit na ang kasal naming dalawa." Pagmamakaawa ko sa bestfriend niya at yun nga liligawan ko muna siya.
' Pagkatapos namin mag usap, tinawagan ko ang kuya ni Elleri, friend ko na kasi ito ng sa America palang sila nanirahan.
" Hey, buddy? what happen at napatawag ka?" Para lang di pinanganak sa pinas, sobrang baliko ang tagalog niya. Nakakatawa pakinggan.
" I need your help, I want to court your sister, but I don't know how, can you help me?" Tanong ko sa kanya, sana tutulungan ako nito. Para mapadali ang panliligaw ko sa kanya.
" Sure bro, no problem, ako bahala sa kapatid ko." Nagtagalog pa talaga pilipit naman, pero atleast he's trying.
Pagkatapos namin mag usap nagshower na ako para fresh ang feeling ko, pero bago pa ako makapasok sa banyo tumawag si dad.
" Dad?" Baka may kailangan ito, at baka may balita na din sa pagpapatulong ko sa kanya. Sana, magandang balita ang sasabihin ni dad sa akin.
" Pumunta ka dito sa mansyon at may pag uusapan tayong importante" Sabi ni dad sa akin. Ano naman kayang importanteng pag uusapan na yun? bakit kailangan ko pang umuwi ng mansiyon?
" Okay dad. I'm on my way there see you dad." Sagot ko kay daddy, kaya ng pagkababa ko ng call niya nagshower ako saglit tapos pagkabihis ko umalis na din ako, siguro sasabihin ni dad na pumayag na ang babaeng gusto ko sa date namin.
' Pagkadating ko sa mansyon dumiretso ako kaagad sa living area. Hindi ko na maantay ang sasabihin ni daddy, nakalimutan ko na nga isara ang kotse. Mabuti nalang at nakita ko itong nakabukas.
" What??? talaga dad? pumayag siya at gusto niya na magkausap kami at magset kami ng date? " Nakakatuwang tanong ko kay daddy. Hindi ako makapaniwala.
" Yes iho, at hindi niya alam na ikaw ang ka date niya, at mas lalong hindI niya alam na ikaw ang fiancee niya sa tagal na panahon." Sagot pa ni dad sa akin. Mahal ko na kasi talaga ang babaeng yun ,sana mapatawad na din niya ako pag hihingi ako ng tawad sa kanya. I hope na she will never get mad at me when she saw my face.
" Kapag pumayag na siya dad. Pwede bang tanungin ninyo ang dad niya kung pwede ko siyang dalhin magbakasyon kami para makilala namin ang isa't isa. Para naman hindi kami maiilang kapag kasal na kami." Gusto ko kasi na kapag kasal na kami walang ilangan sa pagitan naming dalawa. Kahit gusto man ako ng pamilya niya at gusto rin siya ng pamilya ko para sa akin. Kaming dalawa pa rin ang magsama sa iisang bubong.
" Tatanungin ko muna ang kaibigan ko iho, ayaw kong magmadali muna iho, dahil baka mabigla naman ang anak niya na si Elleri." Tama naman si dad. Pero kasi baka maunahan pa ako ng iba. Maganda kasi siya at sexy pa. Kahit pa sabihin pa nating engaged na kami for a very long time. Still, walang kasiguraduhan kong mapasaakin siya dahil hindi pa kami kasal. " Hindi ba natin pwede mapakiusapan dad? baka kasi maagaw pa siya sa akin ng iba. Ayaw ko lang kasi na maunahan, dahil kahit engaged na kami, walang kasiguraduhan kong mapasaakin siya dahil hindi kami kasal. Kahit pa pumayag siya na makipag date sa akin." Hinding hindi ko matatanggap kapag maagaw siya ng iba sa akin.
" Anak, relax, masyado ka naman yatang kabado ngayon? wag kang mag alala, dahil paniguradong mapunta siya sayo. Alam ko na magugustuhan ka niya. Kaya, stop being so paranoid." Hindi kasi talaga ako mapakali. " Isa pa anak, Elleri is different from the other girls. Alam ko yun at nararamdaman ko yun. Kaya relax okay?" Kumalma man ako sa pagigung paranoid, hindi maigwaglit sa aking isipan ang mga mangyayari kapag hindi kami nakakasal. Marami kasi ang umaaligid sa kanya, lalo na at anak siya ng mayamang angkan.
" Ano ba yung naririnig ko na kasal, huh?" Si mommy, narinig pala niya ang usapan namin ni daddy. " Itong anak mo kasi, pumayag na si Elleri na makipagdate sa kanya. Ang gusto naman nitong anak mo na dahil agad si Elleri sa bakasyon, baka kasi mamaya mabigla ang anak ng kaibigan ko. Hindi na yun papayag na makipagdate sa anak natin. Isa pa hindi kasi siya ang klaseng babae na kung saan mo dadalhin ay sasama agad." Si daddy talaga binuking pa ako kay mommy. Dapat kasi di na lang niya sinabi. Nakakahiya.
" Anak, be patients, pasasaan ba eh, makasal din kayo ni Elleri. Wag ka nang mag alala pa. Okay?" Tumango ako kay mommy. At tinapik ako sa balikat at niyakap. " Wag ka magmadali, tama ang dad mo. Lalo at hindi niya alam na ikaw pala ang fiancee niya sa tagal na panahon. Kaya nga sila umuwi dito dahil kailangan na rin kayong makasal for the sake of the company. Pero parang hindi na arrangement ang magaganap, dahil mahal mo na pala si Elleri. Ang gusto din kasi ng magulang niya ay kayong dalawa ang magkakatuluyan." Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Sana lang talaga. At sana, kapag makita niya ako. Okay na ang lahat. At mapatawad niya ako sa hindi ko pagtulong sa kanya nung nabangga ko siya.