Carl Marco POV:
Nakahanda na ang lahat for the near wedding, pati ako na excite, kaya pumunta ako sa parents ko na nakaupo sa may sala at hinalikan silang dalawa.
"Dad, mom, thank you so much, for doing this." Umuwi kasi ako dito sa bahay at dito na ako natulog para magawa ang kailangan gawin. Ayaw ko namang pabayaan lang sila mag asikaso ng lahat.
" Para saan yun anak, ang sweet mo yata ngayon na ikakasal kana?" Tanong ni dad at mom sa akin. Bihira lang kasi akong humahalik sa kanila at naglalambing dahil wala ako dito sa bahay lagi.
" For your sacrifices for me." Sagot ko sa kanila. Sila kasi ang gumagawa ng paraan para sa aming dalawa ni Elleri.
" Is it because napapayag ang babaeng gusto mo na makipagdate at magpakasal sayo kahit di man lang niya alam na engaged na siya for a along time?" That was mommy. Kaya tumango ako.
" Yes mom, dahil sa hindi sumusuko si dad na pakiusapan ang besftfriend niya na ipakasal ako sa anak nila." Masayang sagot ko kay mom. Nandito kasi kami ngayon sa sala na nakatanaw sa flower garden ni mommy na maganda ang mga bulaklak.
" Basta para sayo anak, gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang kayo, ganyan ko kayo kamahal, kita mo naman si kuya Gelo mo masaya na siya sa piling ng family niya." Kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko eh. Ito kasi si mom, ako talaga ang paborito nito kahit may princess Emily siya na manang mana naman kay dad.
' Pagkatapos ko silang kausapin umakyat ako sa taas, sa may kwarto ko at nahiga para makapag isip ng tumawag si Michael.
"Dude, kumusta ang groom to be huh?Pambungad nito sa akin. Tumawag na naman to para bwesitin ako.
" Okay lang dude masaya na malungkot." Sagot ko sa kanya. I'm sure magtatanong na naman to.
" Dude kaya mo yan, ikaw pa ba? pangarap mo yan noon pa, ngayon natupad na." Pampalakas loob nito sa akin. Okay din naman siya kausap kapag seryusohan na, pero lamang sa kanya ang loloko loko.
" Dude, gawin mo lang ang nararapat para matutunan kang mahalin ni Elleri para masaya na ang bestfriend ko." Sabi niya sa akin. Tama naman siya, para mahalin ako ni Elleri ng tapat. Gawin ko lang ang nararapat.
'Nalaman na kasi ni Elleri na sa akin siya ipakasal at pinagkasundo kami ng matagal na panahon, bata pa lang kami at sinabi ko din sa kanya na ako ang gumawa ng paraan para maka date ko siya at ng magkikita na kami sa restaurant nagwalk out siya at umuwi. Hindi man lang ako binigyan ng panahon para makausap siya at makahingi ng tawad.
' Pagkatapos namin mag usap binuksan ko ang f*******: ko at bumungad sa akin ang babaeng laman ng isip ko kasama ang isang lalaki na sweet na sweet sa picture at sobrang happy nila kaya sumakit ang dibdib ko at binato ko ang phone sa kama. Sino kaya ang lalaking ito, at kung makahawak sa katawan ni Elleri parang pagmamay ari niya ito.
" What the heck is wrong with me? bakit masakit sa dibdib ko ang nakikita ko?alam ko na hindi niya ako mahal, pero I love her so much, pero bakit ganito?dapat di ako masasaktan kasi di naman niya ako mahal, bakit ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya kung may iba naman pala siya. Bakit kailangan ko pa siyang mahalin eh ngayong may iba siyang mahal at masaya siya sa lalaking yun." Malungkot na saad ko sa sarili ko. Habang pinapalo ko ang dibdib ko. Di ko man lang namalayan na nakapasok si mom sa kwarto ko.
" Anak, what happened? bakit ka umiiyak at hawak mo ang dibdib mo. May masakit ba sayo sabihin mo sa akin." Nagpapanic na si mom, para namang may sakit ako sa puso, well meron nga talaga nasaktan ang puso ko. Nasaktan ito dahil nagmahal ako ng babaeng di naman ako mamahalin kahit kailan.
" Mom, masakit pala ang masaktan ng ganito? ang magmahal ng di ka man lang kayang mahalin ng mahal mo." Sumbong ko kay mom, niyakap niya ako at pinaupo sabay hawak sa kamay ko. " Anak, kaya ka nasasakatan dahil minahal mo na siya. Katuwang sa pagmamahal ang masaktan para matuto. Yan kasi ang guide ng tao kung ano ang mararamdaman mo para mapatunayan ito kung gaano mo kahamal ang isang tao. Minsan kasi tayo, ang hinahanap natin ay lumigaya tayo kaagad. Pero alam mo ba anak? na kapag nasasaktan ka ay lalong tumitibay at lumalaban ang puso mo kahit nasasaktan na ito? ang magmahal ay hindi kasalanan. Si Elleri Claire ay hindi siya kasalanan para mahalin mo. Tinakda kayo ng tadhana para sa isa't isa. Patunayan mo na karapat dapat ka sa kanya. Wag mong hayaan na masaktan ang puso mo na wala kang ginagawa. Ipaglaban mo anak ang pagmamahal mo. Dyan mo masusukat kung totoo ang pagmamahal mo kay Elleri. Tandaan mo anak, hindi ka pinanganak ng katulad ko kung mahina ang puso mo sa ganito." Tama si mommy, kailangan kung ipaglaban ang pagmamahal ko kay Elleri. Dapat patunayan ko sa kanya na karapat dapat ako sa kanya. Gagawa ako ng paraan para mapalapit siya sa akin at mapatawad niya ako.
" Mom, thank you for the advice, the best mother ka talaga." Kinurot niya ang pisngi ko at tumayo siya. " Basta ba, kapag kasal na kayo, bigyan mo ako ng apo para may bata naman akong maalagaan at sana dito na kayo sa mansiyon ni Elleri Claire titira kapag kasal na kayong dalawa." Mahilig kasi talaga si mommy sa bata. Paano hindi na nasundan si Adam dahil hindi na kaya ni mommy ang magbuntis pa. Baka daw yun pa ang ikamatay niya. Kaya, kahit gusto nila ni daddy ng isa pa, hindi na nila ginawa at baka hindi na kayanin ng katawan ni mommy ang manganak. " Mom, nandyan pa naman si Emily at Adam. Bakit hindi niyo sila kausapin na mag asawa na para mabigyan nila kayo ng apo." Sumimangot si mommy sa sinabi ko. Patay galit na ito. " Ikaw, Carl, imbes na sayo ako manghingi ng apo dahil ikakasal kana, sa mga kapatid mo ako itatapon? Eh di dapat hindi na kita tinulungan pa na mag isip kung hindi mo ako mabigyan ng apo." Nag peace sign ako kay mommy at umalis na, kakatakot si mommy. Umalis na ako para hindi ako masinturon.