Elleri Claire POV:
" Mabuti naman at umuwi kana at nagpakita sa akin dito, akala ko kasi di mo na ako pagbibigyan." Maktol na sabi ko kay Josh. One week na pala siyang andito sa pinas at ngayon lang ako dinalaw nakakainis. Nagtatampo na talaga ako sa kanya. Alam naman niya gusto ko siyang bumisita dito tapos tinatabla na lang ako. Pangiti ngiti pa siya na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
" Well, to surprise you. And by the way, can you speak English instead of tagalog? baliko na baliko ang mga tagalog mo. It looks like, your eating the words." Ngiting sabi niya sa akin.Nang asar pa talaga siya, sarap sapakin. Nakakainis. "come here, let's take a picture. I will post it on my f*******:, so that my friends can see your handsome face ok?" At yun nga ang ginawa namin. Pinost ko kaagad sa wall ko ang pic namin. Nakaabay siya sa balikat ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. After ko mapost ang pic namin, umupo na kami sa sofa.
" I heard that your already engaged for a long time with the son of Tito's bestfriend, am I right?" Yeah at hindi ko alam yun, sinabi lang nila sa akin yun nung nagwalk out ako sa restaurant ng makita at malaman ko na ang lalaking kadate ko ay yung taong kinaiinisan ko ng umuwi ako ng bahay dun nila sinabi sa akin ang lahat lahat. Nadismaya talaga ako sa kanila. Hindi ko alam na magagawa nila ito sa akin. Pero infairness, ang dibdib niya malaman at baka may abs pa ang gago. Gwapo, lakas ng karisma.
" Yeah, and I decided to give it a try, di naman na ako bumabata at para na rin pagbigyan ang kahilingan ni daddy. At gusto pa nila na magdate ulit kami para makilala ng husto ang bawat isa. At mamaya may date kami ulit." Sabi ko sa kanya na kinatuwa naman niya ng todo.
" Why are you laughing?" Loko loko talaga ang taong ito. Imbes na magbigay ng advice, ngayon naman tuwang tuwa na mag aasawa na ako. Gusto na ba talaga nilang magkaasawa ako?
" Nothing, naisip ko lang kasi ang pinaggagawa mo sa America, wag lang maidate, mabuti nalang talaga at hindi ako nasapak ni tito at ni Jefferson sa mga pinag gagawa natin." Pang aasar niya sa akin. Nakakahiya kasi ang mga pinag gagawa namin dun. Kaya yung mga kadate ko nag walk out. Iinom ako ng marami at kuwari susuka ako sa kanila. Pero ang iniinom ko ay yung water lang. Pinapalabas ko na alak ang iniinom ko dahil nilagay ko ito sa lagayan ng alak at ginawa kung magulo ang buhok ko at make up ko.
" Can you please stop it?" Panggigil ko sa kanya. Sa America kasi pag nagseset up ng date ang mga magulang ko gumagawa ako ng paraan pati cousin ko nadadamay, kasi siya ang ginagawa kung fake boyfriend doon. At iinom ako kunyari ng alak at yun nga susuka sa harapan nila.
"Why? is it humiliating?" Pang iinis niya sa akin at kinahagalpak ng tawa niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" Sweety, you should learn how to be yourself pagdating sa date na yan para comfortable ka." Advice pa niya sa akin.
Pagkatapos, pinauwi ko na siya sa condo ko at binuksan ang f*******: ko halos lumuwa ang mata ko sa daming comments at likes di ba nila alam na Josh is my cousin? nakita ko ang comment na kahit ikakasal na daw ako lumalandi pa ako sa iba. Nag init ang ulo ko at tinignan ko ang nagcomment.
"What the hell Montemayor" Sabi ko sa isip ko at minessage siya sa messenger ko, di man kami close sa personal pero masasabing may time na rin kami para mag usap sa messenger. Lagot ka talaga sa akin ngayon akin.
"Don't to much OA and don't call me flirt, because I never did that to anyone" Galit na sabi ko sa kanya. Pasinghal na ang ginawa ko, message lang yun pero kung makareact din ako parang kaharap ko lang din siya.
" Really? FYI, I see something on your f*******: na hindi kaaya aya sa paningin ko, and I looked so dump with that part Elleri." Balik na sagot niya sa akin. Wow na wow huh, siya pa ngayon ang may gannag magalit sa akin. Tapos, siyang tong makapag react na akalain mo naman asawa na niya ako na nagpost ng pic ng kabit ko. Nangilabot tuloy ako sa mga naiisip ko ngayon.
"Masakit Elleri na makita ko yun, dahil una palang kitang makita at makabanggaan sa araw na yun, nasa isip na kita araw araw, gabi gabi" Sabi pa niya ulit sa akin. Imagine may tinatagong kabaliwan din itong Montemayor na ito. Ano ba ang masama kung magpost ako ng pic namin ni Josh? he is my cousin, for God sake. " Ano ba ang pinagpuputok ng butche mo dyan at hinuhusgahan mo ako huh?" This time, we're not messaging each other. Tumawag na siya, pero teka umiiyak ba siya? " Umiiyak ka ba, Montemayor? ang OA mo talaga." Pang aasar ko pa sa kanya. Pianahid niya ang kanyang luha at humarap sa kamera. Halatang galing sa pag iyak. " Sinasaktan mo na ako ngayon Elleri. Alam mo nman kung gaano kita kamahal, pero bakit mo pa pinost ang pic ng lalaki mo? sobra mo pang saya. Sana sa akin ka na lang ganyan at hindi sa iba. Lagi mong pinapakita sa akin na hindi ako karapat dapat sayo. Di ba ikakasal tayo tapos, makita kung may nakahawak sayo na isang lalaki at gwapo pa, tapos nakahawak pa sa maganda mong katawan. Eh, ako nga hindi pa nakahwak kahit hintutro mo man lang." Grabe naman siya kung makapag emote eh? hindi man lang siya nagtanong kung kaano ano ko ang lalaking nakita niya sa wall ko. " Montemayor, siya si Josh, siya ang namahala sa lahat ng negosyo ko." Medyo natauhan siya ng kunti at tumigil sa pag emote. Daig pa ang babae kung magtampo. Actually, daig pa niya ang nagmemenopose.