Elleri Claire POV:
' Matapos ang pag uusap naming dalawa, napagtanto ko na di naman pala siya masama at may kabutihan din pala siya at magandang asal.
Sa pag iisip ko may biglang kumatok sa sa pintuan ng kwarto ko.
" Come in" Sabi ko, laking gulat ko nalang na andito silang lahat sa room ko at may mga dalang unan at kumot. Ano ibig sabihin nito? dito sila matutulog sa room ko? ang laki naman ng room ko, pero bakit dito silang lahat matutulog?
" What are you guys doing here in my room? at may dala pa kayong ganyan dito? don't you have a room and all of you bump in my precious room" Sabi ko sa kanila na may pagtataka." You, Jhane, I thought you have a date?" Tanong ko sa kanila at nginitian naman nila akong lahat.
" Sis, can we sleep here tonight? just tonight sis please?" Pagmamakaawa sa akin ni Jhane. Ano ba ang nangyari sa mga 'to? bigla nalang silang nagsisiksikan dito sa kwarto ko?
" We want to spend our night with you sis" Dagdag pa ni kuya Jefferson. Buong buhay ko. Ngayon ko lang sila nakita na sobrang saya as in masaya at makipagbonding sa akin.
" I love you sister" sabi naman ni kuya Cedrick. Si kuya Cedrick, hindi siya lagi kasama sa amin kaya minsa ko lang siya mabanggit. Nakadestino siya sa malayo dahil isa siyang doktor. Ngayon lang to umuwi dahil ikakasal ako.
" Seriously?" Inis na sagot ko sa kanila, what the heck, gusto ko na magpahinga noh. Ngayon pa talaga sila andito sa room ko kung saan gusto ko ng matulog.
" Baby, can we sleep here too?" Mommy said. Omg, pati ba naman itong mga magulang ko?
" Maglatag na kami dito baby ok?" Si daddy yun. Nakisali pa talaga sila sa mga kapatid ko. Pero, na miss ko ang ganito, ang sabay sabay kami natutulog sa isang room.
" Wait, why all of you acting like I don't want to stay here anymore?" Takang tanong ko sa kanila. Ang weird lang kasi dahil andito silang lahat sa room ko. Ang mga magulang ko na hindi naman sila talaga natutulog sa room ko, ngayon andito silang lahat. Maiiyak na ko sa mga ito.
" Well, because we will not do this anymore, when you get marriage to Carl Marco Montemayor. Lagi ka ng walang oras at busy kana sa kanya soon." Sagot ni daddy, kaya pala sila ganito dahil gusto lang pala nila akong kasama sa room at gusto nila dito matulog, nakakatuwa naman, mahal talaga ako ng mga ito. Kahit pasaway ako sa kanila.
" Mahal na mahal ka namin Elleri Claire, masaya kami na sa wakas ikakasal kana ng walang pagtutol man lang." Sabi ni daddy sabi sa akin. Malambing ako kay daddy at mommy. Ewan ko ba? bakit sobrang close ko ang mga magulang ko.
' Naiiyak ako at napasaya nila ako dahil kahit malaki na kami tinuturing pa rin kami nila mommy at daddy na baby nila at yun ang nagustuhan ko sa kanila. Sana pagnagkaanak ako maging katulad ko sila. Mahalin ang mga anak at pahalagahan ang magulang, babaunin ko ang mga ito lalo na at may asawa na ako sa susunod na araw.
" Mahal na mahal ko din kayo, at pwede kayong matulog sa room ko anytime you want, para I won't feel alone." Sabi ko sa kanila. Tahimil din kasi ang room ko, malaki pa, kaya mas masaya kapag marami akong kasama.
Sa pagkakataong ito makapag asawa man ako kahit arrange marriage lang, masaya pa din ako at ngingiti para sa kanila.
" Hindi ko iiwan ang pamilya na ito at patuloy kung irerespeto ang pamilya na meron ako" Bulong at sabi ko sa sarili ko at natulog na din kami.
' Pagkagising ko kinaumagahan ay masaya ko silang pinagmasdan at pinaghahalikan bawat isa at napapangiti ako dahil sa mga pwesto nilang matulog pati si mom and dad na di ko lubos maisip ganyan pala silang dalawa matulog ngayon masaya akong may pamilya na ganito. Si mom kasi nakahawak sa puwetan ni daddy, at si daddy naman nakahalik sa paa ni mommy. Nakakatawa dahil para lang silang bata kung matulog ang lilikot masyado. Nagising ang lahat sa hagikgik ko. " Bakit ka tumatawa Elleri?" Tanong ni kuya Cedrick sa akin. Ang gwapo talaga ng kapatid ko kahit bagong gising. Napakaswerte ng babae sa kanya kung siya ang magiging boyfriend o asawa niya dahil mabait si kuya Cedrick.
" Si mom at dad kasi, tingnan niyo kung ano ang hitsura nilang dalawa, and look, they looks like a kids kung matulog." Nakakatawa talaga silang tingnan. In their own room kaya, they're sleeping like that? mga tanong na hindi ko rin masagot. Nang magising si daddy, nakita niya kaming nakatingin sa kanila ni mommy. " Mahal ko, bakit mo naman hinawakan ang pwet ko? tingnan mo tuloy nakikita ng mga bata. Si Elleri oh tawa ng tawa. Si Jhane mahal, baka mautot na yan sa kakapigil ng tawa niya. Jefferson, bakit mo mo naman pinabayaan ang kapatid mo na makita ang tulog namin? Ikaw naman Cedrick, alam mo naman na ikaw lang ang nakakaalam na ganito kami ng mommy mo nakikitawa ka rin. Nahiya tuloy ang mommy niyo oh?" Binuhat niya si mommy at nilagay sa kama. " Ano ka ba naman? ang OA mo masyado, nagustuhan ko nga yang pwet mo. Ang tigas at ang sarap sa kamay, kaya ako nakatulog ng mahimbing." Bumangon si daddy at napakamot sa ulo. " Dad, nahimbing din kasi ang tulong namin. Nagising lalng kami sa hagikgik ni Elleri. Wag kana magtampo daddy, naintindihan naman yun ni Elleri at ni Jhane." Marami talagang palusot si kuya Jefferson.Kaya sometimes, dad and mom won't believe him, dahil puro kalokohan lang ang alam niya.
" Anak, kumusta ang tulog mo kagabi?" Tinanong ako ni mommy habang nakaupo siya sa may throw pillow na malaki.
" Okay na okay mommy, daddy. Naenjoy ko ang staycation ninyo dito sa room ko kahit isang gabi lang. Napangiti naman sila at humalik sa akin bago nagdecide na lumabas na ng kwarto.