"Pinapatawag ka sa taas."
Hindi maiwasang hindi napapitlag ni Sophia sa narinig. Mula sa binabasang files ay nag-angat ng mukha at nakitang nakatayo sa harapan si Aileen.
Pinagtatakhan ang paglabas nito ng opisina pero mas nakapagtataka ang sinabi nito. Bakit siya ipinapatawag sa taas? Does it has to do with Mrs. Jereza? Mula ng dumating ang ginang mula sa Maldives ay hindi na siya mapakali. Natatakot siyang baka makilala siya nito at magkaroon sila ng komprontasyon. Natitiyak niyang hindi binago ng nakalipas na mahigit tatlong taon ang pagiging matapobre ng ginang.
"Ano pang hinihintay mo?" Mataray na ulit ni Aileen.
"May hinihintay pa kaming delivery-"
"Uunahin mo pa yan bago ka pumunta sa HR? Alam mo ba ang sinasabi mo?"
Isang mahinang siko ang naramdaman sa tagiliran.
"Sige na, kami na ang bahala dito." Bulong ng kitchen supervisor na si Manay Fe kung tawagin ng lahat.
"Kami na ang bahala dito Ms. Sophia." Dagdag ng storekeeper.
"Babalik ho ako agad." Paalam niya at ni hindi tumingin kay Aileen na nilisan ang lugar.
Naiintindihan niya kung bakit karamihan sa mga staff ng resort ay hindi siya gusto. Ilan sa mga ito ay na-bypass niya ang promotion. Although hindi lang naman siya ang nag-iisang assistant manager on training sa kasalukuyan, nasa kanya ang mata ng lahat dahil hindi naman siya talaga staff doon. Kumbaga ay recommended lang siya. Wala pang napatunayan at literal na walang alam.
At isa na doon si Aileen. Malaking kabawasan dito ang hindi nakatapos ng kolehiyo. Pipitsugin na resort pa lang ang Paradise Resort ay staff na ito doon. Nakapag-training sa lahat ng department, literal na ginapang ang promotion kaya naabot ang taas.
And Sophia admired her so much for that. She made sure that she gave the woman the highest utmost respect. Until recently. Natitiyak niyang dito nagmumula ang hatred ng lahat. Sino pa ba ang magpapakalat ng kawalan niya ng previous experience?
Tipikal sa working environment ng mga Pilipino ay ang pag-chismisan ang buhay ng iba. Isang araw ay nadulas sa kanya ang isang staff sa pagkakarinig nito sa general manager at isang staff ng nagku-kwentuhan tungkol sa kanya.
Gusto niyang komprontahin ang ginang pero paano? May katotohanan naman ang sinasabi nito. Besides, ang mga ganun kaliit na petty issue ay hindi niya pinapatulan. Ang sabi niya sa sarili ay siya na lang ang iintindi lalo pa at may pinanggagalingan ang inis ng ginang.
Pagdating sa HR ay nadatnan ang tatlo pang on-training. Dalawa sa mga ito ay binigyan siya ng palakaibigan na ngiti. Rotation sila ng department para tiyaking alam nila ang lahat ng function ng bawat areas kaya hindi sila madalas magkita. Nagkataon lang na magkalapit ang kwartong tinutuluyan sa staff room kaya naging malapit siya kina Denver at Anne.
"It's good to see all of you again." Nakangiting bati ni Mr. Favila, ang HR Manager. "Are you surprised that I summoned you here?"
Tumango ang bawat isa.
"Well, hindi kayo dapat mag-alala dahil wala namang partikular na rason kung bakit kayo nandito. Gusto ko lang personal na kumustahin ang training ninyo."
Nakahinga ang bawat isa. Isa-isang nagpahayag ng kanya-kanyang damdamin at experiences. Nang si Sophia na ang magsasalita ay biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Mrs Jereza. Natahimik ang lahat.
"Mrs. Jereza," agad tumayo si Mr. Favila mula sa kinauupuan at sinalubong ang bagong dating.
"Sila ba ang mga assistant manager on training?" Walang kangiti-ngiting saad ng ginang sabay baling sa apat.
Nang tumapat ang mata kay Sophia ay nahigit ng dalaga ang paghinga. Will she recognize her?
But it was more than three years ago! Bukod sa wala siya sa ayos nang una siyang makaharap ng ginang ay pilit niyang binago ang sarili para sakaling dumating ang araw na ito ay ni hindi siya makilala ng kahit sino sa mga Jereza.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay rito at magalang na pagbati. Regardless of what happened between the two of them, she's still her employer. Palihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi dahil pilit na tumatak sa isip ang nakakasindak nitong titig ng huli itong masilayan. Sophia, calm down!
Saka lang humarap pabalik sa HR manager si Mrs. Jereza at ngumiti. Sandaling nag-usap ang dalawa bago sabay na humakbang palapit sa apat.
"This is Mrs. Jereza, I'm sure kilala niyo na siya. Ilang araw na siyang narito at nagbabakasyon kasama si Mr. Jereza."
Ni hindi man lang ngumiti ang ginang at panay ang sipat sa mga nasa harapan. "How's their training Mr. Favila?"
"They are all doing well Mrs. Jereza. Majority sa kanila ay may experiences."
"At ang ibang walang experience?"
Lihim siyang napalunok. Alam niyang siya ang tinutukoy ng ginang. Nahiling na sana ay huwag itong sakyan ni Mr. Favila.
"Wala akong masamang masasabi sa kahit na sino sa kanila. Isa sa mga araw na ito ay magkakaroon ulit ng rotation. Pero bago yun ay dadaan sila ng isa pang assessment. Kukunin rin ang komento ng mga nagsu-supervise sa kanila."
"Just make sure Mr. Favila. Hahawakan nila ang mga bagong branches natin. We can't afford to hire an incompetent staff." Pagkasabi ay tumalikod at lumabas ng pinto.
Saka lang inilabas ang pinipigilan na paghinga ng lahat.
"Medyo strict lang talaga si Mrs. Jereza pero mabait din naman. Partikular siya sa kakayahan ng mga staff."
"Medyo nakaka-pressure nga siya Mr. Favila. Kahapon nga ay nag-dinner sila ni Mr Jereza sa restaurant. Kahit si Chef Arnold ay halos hindi rin huminga ng ipatawag siya." Komento ni Anne. "Yung dalawang oras na stay nila ay parang maghapon na pagod ang katumbas dahil sa sobrang pressure sa buong restaurant."
"Pero ang ganda niya sa malapitan, parang walang pores." Dagdag ni Denver.
Isang tikhim ang nagpahinto sa mga ito. "Isa sa mga ayaw ni Mrs. Jereza ay ang pag-usapan siya ng hindi kaharap. Let's get back to business. Tulad ng binanggit ko sa kanya ay magkakaroon kayo ng assessment. Majority sa inyo ay may experiences na bilang mga supervisors, pero gusto ko pa rin sabihin na hindi ginagarantiya nun ang pagiging regular ninyo. Gusto kong doblehin niyo pa ang pag-aaral ng mga house rules. Mga procedures na sinusunod ng resort mula ng maipatayo ito..."
Pagkatapos ng mahabang litanya ay pinaalis na ni Mr. Favila ang tatlo at pinaiwan si Sophia.
Bumalik ang kabang kanina pa nararamdaman.
"Kumusta ang pag-adapt mo sa trabaho Ms. dela Vega?"
"Hindi ako magsisinungaling Mr. Favila, medyo hirap pa rin po ako sa maraming bagay. Pero handa akong triplihin ang pag-aaral matutunan ko lang ang pasikot-sikot ng trabaho ko." At para wala na akong marinig pang negatibong bagay dahil sa pagiging inexperience ko.
"Natutuwa akong marinig yan. We all know, sa inyong apat ay ikaw ang huli pagdating sa track records. Your resume is far from being impressive. Walang appeal at patay. Kung hindi ka nirekomenda ni Carrine ay baka sa basurahan diretso and papel mo."
It was absurd! But he is telling the truth.
"Pero hindi maitatanggi ang potential mo." Dagdag nito. "Puro maganda ang feedback sayo ng lahat sa isang buwang training mo. At nakikita kong gustong-gusto mong matuto."
"I do. At handa akong patunayan na hindi lang dahil sa recommendation kaya nandito ako ngayon."
"Alam ko. At kung ako ang masusunod ay hindi ko iki-kwestyon ang kakayahan mo." Nabahiran ng lungkot ang mukha nito.
"A-Anong ibig ninyong sabihin?" Lalong sumikdo ang dibdib sa pagkabahala.
"Nakarating kay Mrs. Jereza ang tungkol sayo. At gusto niyang dumaan ka sa isang special assessment."
"What!" Sabihin pa'y pinanlakihan siya ng mata. "W-Why?"
"Kinuha niya ang papel mo at hindi siya masaya sa nabasa niya."
Gustong tumutol ng kalooban. Totoong rekomendado siya ng kaibigan, pero dumaan siya sa tamang proseso. Maging ang kaharap ay impress sa naging mga sagot niya during interview. "T-Tell me the truth sir, may kinalaman ba si Sir Michael dito?"
"Ms. dela Vega, be careful with your assumption."
Napipilan siya. Hindi niya sinasadyang manulas ang pangalan sa sariling labi. Isa sa mga bagay na nag-uumpisa niyang kainisan sa resort ay ang lumalalang chismis tungkol sa kanila ni Michael.
"Mrs. Jereza has all the rights to question anyone's background. Tandaan mong siya ang may-ari ng resort na ito."
Napalunok siya. "I-I know, I-I'm sorry Sir. I just thought..."
"Hindi ganun kababaw ang mga may-ari ng lugar na ito. We are talking about multi-million dollars of property. Hindi basta-basta ang pinagdaanan ng bawat empleyado na natatanggap rito."
So it's about my recommendation after all, gusto sanang isatinig pero mas piniling huwag nalang. "Hindi ba at nasagot ko naman ang lahat ng mga katanungan nung interview? Bakit ako lang?"
"Dahil ikaw lang ang walang karanasan. You don't even have a single work experience."
But I'm doing good, gusto ulit niyang igiit. Ni isang complain ay wala siyang narining mula sa mga nakasama. She made sure of that. Personal niyang tinatanong ang feedback ng mga nag-train sa kanya para alam kung ano ang kailangan i-improve.
"Sana ay hindi mo masamain ang tungkol dito Ms dela Vega. I'm sure kakayanin mo ang assessment na sinasabi ko. I-day off mo ang natitirang araw ngayon at hanggang bukas para ihanda ang sarili mo. At sa susunod na araw ay magsisimula ang training para sayo."
"T-Tungkol saan ang magiging assessment ko Sir?"
Doon bahagyang umaliwalas ang mukha ni Mr. Favila. "Natitiyak kong situational lang ang magiging mga katanungan. Na-interview na kita at sa tingin ko ay hindi ako nagkulang. Patunayan mong karapat-dapat ka sa posisyon."
Hindi man prangkahang sabihin ng kaharap ay parang alam na niyang may laman ang payo nito. At totoong hindi siya masaya. Habang palabas ng opisina ay hindi napansin ang mga daliring pinagpipingkian. Isang mannerism kapag kinakabahan at nag-iisip ng malalim. Muntik pa siyang mapasigaw ng biglang lumitaw sa harapan si Michael.
"Penny for your thoughts?"
Napatitig siya sa matamis na ngiting nakapaskil sa labi nito. Kung sa ibang sitwasyon ay ikokonsidera ang kilig na nararamdaman. Sino ang hindi magkakagusto dito gayung magandang lalaki ito. Far different from his brother but charming. At kung siya ang tatanungin ay mas bet niya ang kagwapuhan nito. It reminds her of Brian McFadden from Westlife, whom she had a huge crush on during her teenage years.
Isang tikhim ang nagpapitlag sa kanya sa sandaling pagkakahulog sa malalim na pag-iisip.
"Sa HR kaba nanggaling?" Lumampas sa dalaga ang tingin.
Isang tango ang pinakawalan niya. "Nandito ka pa rin?" Lalong lumuwang ang ngiti ng binata. Kahapon ay may malaking event sa grand ballroom kung saan may kakilala ito. Hindi niya akalaing narito pa ito.
"Can't I stay overnight?"
"N-No." She was sidetracked. "I mean, hindi ka nag-oovernight dito kahit kaano ka-late dahil busy sa head office."
Ngumiti si Michael. "May mga dahilan ako para gustuhinh manatili dito."
Hindi niya binigyang-pansin ang palipad-hangin nito. Masyadong busy ang isip sa ibang bagay.
"Nabalitaan ko ang tungkol sa gustong mangyari ni Mama. Dahil ba doon kaya ka ipinatawag ni Mr. Favila?"
Gusto niyang magsumbong. She is not being treated well. Pero makakatulong ba yun sa kasalukuyang sitwasyon? O baka mas lalo siyang pag-initan kapag pinagtanggol siya nito. "Ipinatawag kaming apat para tanungin sa progress ng training. Kaya sinabihan na rin ako ng tungkol sa re-assessment ko."
"I will talk to her-"
Umiling siya. "She has all the right to question my employment. Naiintindihan ko. Hindi mo kailangan ma-involve."
"I can guarantee the quality of your work. Kahit ang resulta ng assessment mo ay nakamamangha."
"It's gonna be okay." Pilit siyang ngumiti. Nahiling na sana ay hindi yun tabingi. "I'll do my best to prove that I deserve the position."
"Of course you will. I recommend you first after all. I'm sure malalampasan mo yun. Sinasabi ko ito hindi dahil sa mga sinabi ni Carrine, pero nakita ko kung paano ka mag-trabaho at kung paano ka makitungo sa ibang empleyado."
"Thank you. Medyo nabawasan ang tensyon na nararamdaman ko." Ang ngiting unti-unti sanang guguhit sa labi ay dagling nabura nang mapagsino ang palapit.
"Michael." Tawag ni Fritz. Lumingon ang tinawag.
Finally! In the flesh. Narito ang mag-asawang Jereza kaya expected na ang pagpaparoon ng panganay. Pero hindi pa siya handang makaharap ito. Tila gusto niyang mag-walk out. Pero magiging bastos siya kung gagawin yun ng hindi nagpapaalam. Bukod pa sa tila napako ang mga paa sa sahig sa pagkakatitig dito.
Apat na taon. Apat na taon mula ng huli itong makita. At parang hindi lumipas ang panahon dahil naroon pa rin ang parehong epekto nito sa kanya sa tuwing makakaharap ito. Lalo siyang natensyon kaya agad siyang nagbaba ng mukha. "I-I better leave..."
"No!" Agad na agap ni Michael at hinintay makalapit ang kapatid. "Meet my brother Fritz. I'm sure nabanggit na ni Carrine sayo na may nakatatandang kapatid ako."
I've known him long enough to share his... agad inalis ang nasa isip. She was decided. Kung gusto niyang makuha ang trabahong pinaghihirapan ay kailangan niyang burahin ang kung anuman nangyari apat na taon na ang nakararaan. She has to put everything behind and focus only on getting the job. Hindi niya niya kilala!
ang bagong dating, at wala siya ni anumang emosyon para rito.
"She's Sophia?" Tanong ni Fritz.
Pero sa kabila ng determinasyon na sinisiksik sa isipan ay natigilan pa rin siya at napalunok nang marinig ang pangalan. Paano nito nalaman yun? Nag-umpisang dumagundong ang kabog ng dibdib.
"Meet Sophia dela Vega. She's one of the assistant managers in training. Sophie, this is my brother Fritz. He is currently staying at Paradise Resort while on vacation."
"Hindi pa decided yan Michael. Pero pwedeng magbago ang isip ko anytime tutal sabi mo nga ay nasa bakasyon ako." Sagot ni Fritz na nag-umpisang pasadahan ng tingin ang kaharap.
Napilitan siyang magbaba ng mukha.
"Kung manggugulo lang ang gagawin mo dito ay hindi mo kailangang manatili. Ako ang bahala kay Mama."
Si Fritz ay hindi napigilang ma-amused sa mood swing ng kapatid. "Samantalang kaninang madaling araw, kulang na lang ay hilain mo ako papunta rito."
"Yun ay dahil hindi ko pa alam kung ano ang nasa isip ng Mama. But I have an idea now. Hindi ko gustong i-pamper mo ang gagawin niya."
Tinapik ang balikat ng kapatid. "Don't worry bro, I'm on your side." Saka binalingan ang dalagang nanatiling nakayuko. Sandaling nagsalubong ang kilay at pinakatitigan ito. "Sophia, right?"
Hindi siya sumagot at nanatiling nasa baba ang mata.
"Sophia? Nagkita na ba tayo dati? You looked familiar."
Kulang nalang ay tumakbo siya palayo sa kabang biglang pagkalabog ng dibdib. Tila hindi lumipas ang mga taong at nanatiling ganun ang epekto ng mga titig ni Fritz sa kanya. Na para siyang mantikilya na nasa ibabaw ng yelo pero unti-unting natutunaw.
"That's impossible! Sophia is out of your league. Ako na ang magsasabi na hindi pa nagsasangga ang landas ninyo kahit minsan."
Wala sa oras na tumawa si Fritz sa reaksyon ng kapatid. Kinumpirma nun ang labis na pangamba ng ina. Wala sa oras na ibinalik ang tingin sa babae. Natitiyak na hindi pa kailanman nakaharap ang Sophia na ito. Pero bakit sa tuwing aksidenteng makakasalubong ang mata nila ay tila naroon ang isang emosyon na hindi mabigyan ng pangalan. Parang pinaghalong sakit at panghihinanyang ang nakapaloob doon.
"I heard they gave you a day off Sophia." Si Michael na nanatiling nayayamot. "Take a rest and prepare for re-assessment. You can call me if you need something."
Masunuring tumango ang dalaga at dali-dali iniwan ang magkapatid.
Si Fritz ang hindi nakatiis. "Are you serious about her?"
Umasim ang mukha ni Michael. "Stay out of my business Fritz! Kung ano man ang niluluto ni Mama sa isip niya ay huwag na huwag mong kukunsintihin."
"Tsk! Palalampasin ko ang galit mo. Pero huwag mong kalimutan na mas matanda pa rin ako sayo John Michael Jereza." Sinabayan ng tapik sa balikat ang sinabi. "You're overthingking. Hinay-hinay lang. Walang nagbibigay ng pressure sayo." Pagkasabi ay tinalikuran ang kapatid at nagtuloy sa labas.
Masyadong mainit ang ulo ng mga dinatnan at hindi nanaising mahawa sa mga ito. He hated such kind of stress.