Pagdating sa staff quarters ay agad nagkulong sa kwarto si Sophia. Habang nakaupo sa kama ay hawak-hawak sa nanginginig pang kamay ang kwintas kung saan nakapaloob ang larawan ng anak.
Kung hindi para sa kinabukasan ni Pipoy ay nungkang ipagpatuloy niya ang ginagawa. Facing Alice Jereza almost lose her interest to have the position. Magiging regular nga siya, hindi naman siya magkakaroon ng katiwasayan. And now, Fritz dela Vega appears in the picture.
Isang marahas na paghinga ang pinakawalan. "Sophia, take it just for the experience. After a year, you can always look for another job. Para kay Pipoy lahat ito!" Pero habang binubulong sa sarili ang kataga ay naroon ang lungkot sa mga mata.
Minsan ay pinagbibigyan ang sarili na mangarap. Dahilan na lang na gusto niyang magkaroon ng ama ang anak, ang mabigyan ng buong pamilya si Pipoy. Pero ang totoo ay gusto din niyang mabuo ang sariling puso. Ang puso niyang nawasak sa isang gabi kung saan naging kumpleto ang kanyang p********e. That somehow, miracle will happen.
"Nagkita na ba tayo dati?" Pagak siyang tumawa ng maalala ang salitang binitawan ng binata kanina. "I shared one magical night with you Fritz. That one mistake that completed me and yet broke my parent's heart." Namuo ang luha sa sulok ng mata na dagling pinalis. She has so many things to do, and there is no room to be sentimental.
Alice Jereza has just declared a war. At yun ang kailangan niyang paghandaan. Kahit hirap at mabigat ang loob ay pilit pinasigla ang sarili. Isa-isang inilabas ang lahat ng notes at plinano kung paano ang gagawing paghahanda para sa re-assessment.
Kung kaya lang sana niyang iwasan si Michael. But it's too late now. He is such a sweetheart, at talagang magaan ang loob rito. Kahit imposibleng mangyari ay natitiyak niyang makakasundo ito ni Pipoy sakaling magkaharap ang dalawa.
Hanggat hindi ito nagtatapat ng pag-ibig ay hindi niya ito kayang iwasan. Paano naman kung masyado lang talaga itong friendly? Mapagbintangan pa siyang assumera. Hindi siya pinalaki ng magulang na mag-isip ng masama sa kapwa. Besides, iwasan man ito ay natitiyak niyang hindi na magbabago ang tingin ng ginang sa kanya.
Kasalukuyan siyang nagre-review ng makarinig ng mahihinang katok mula sa labas. Napagbuksan sina Denver at Anne. Syempre inusisa ng dalawa ang pagpapaiwan ni Mr. Favila sa kanya sa opisina. Hindi niya itinago sa mga ito ang pangyayari.
"Re-assessment? Paano?"
"Hindi ko rin alam Anne. Kaya nga ito at nagka-cramming ako." Inginuso ang sandamakmak na reviewer sa mesa.
"Wow! At prepared ka." Dinampot nito ang isang notebook at binuklat. "Kompletos rekados ang notes mo."
"Ang dami kong dapat habulin. May palagay akong mako-kwestyon ang pagiging walang experience ko kaya naman bawat detalyeng nalalaman ko ay sinusulat ko. Napakinabangan ang hilig kong mag-take down ng notes."
Tumawa ang dalawang bisita.
"Mabuti nalang pala at may experience ako. Kung nagkataon palang wala ay baka ngayon palang bagsak na ako. Hindi ko hilig ang mag-take down ng notes." Biro naman ni Denver.
"Same here." Dagdag ni Anne. "Siya nga pala, gusto mo bang sumama? Pupunta kami sa bayan mamaya."
Agad siyang tumanggi. "I think kailangan kong mag-stay para kalmahin ang sarili ko. I really don't know what to expect on the re-assessment. Kung yun nga lang ba talaga ang pagdadaanan ko."
Nalungkot si Anne. "At walang pwedeng mag-question sa decision ni Mrs. Jereza. Ano nga palang sabi ni Sir Michael? Alam ba niya ang tungkol dito?"
"Wala naman siyang pwedeng ikomento." Nagpalitan ng makahulugang-tingin ang dalawa. Ilang beses na siyang kinukulit ng mga ito tungkol sa naturang topic pero tulad ng laging sagot sa iba ay ganun din sa mga ito. "Walang namamagitan sa aming dalawa ano ba kayo. Baka mamaya makarating kay Mrs. Jereza yung mga ganyan."
"Hindi pa ba? Eh mukhang pini-personal ka niya."
"Denver..." biglang lumikot ang mata. She has to be careful with her words. Ilan lang ang dalawa sa mga taong hindi iba ang pagtrato sa kanya sa kabila ng kalagayan. Hindi niya gustong ma-misinterpret siya ng mga ito. "Worried lang si Mrs. Jereza sa issue tungkol sa amin ng anak niya. I'm sure tulad din ng iba ang naging sapantaha niya sa akin- that Michael has something to do with my immediate hiring. But it isn't true. Hindi ko siya personal na kilala bago ako ma-hire."
"Probably yes-"
"I told you it was Carrine who offered me the job. She's a family friend to the Jereza's," she insisted. Though naalalang ilang beses na yung sinabi sa mga ito. "You know what, leave me alone you two." Ipinagtulakan ang dalawa palabas ng kwarto. "You can enjoy without me. Mahaba-habang pagre-review pa ang gagawin ko."
"Teka sandali-"
Hindi niya pinakinggan ang reklamo ni Anne. "Sige na at baka gabihin kayo sa daan." Isang ngiti ang ibinigay sa dalawa bago pagsarhan ang mga ito ng pinto. Pagkatapos ay muling bumalik sa pagbabasa ng mga naisulat. Nang hindi pa makuntento ay binuksan ang lumang laptop na bigay ni Sunshine at nag-browse ng tungkol sa pagma-manage ng isang hotel at kung ano-ano pang bagay na pwedeng makatulong palawakin ang tungkol sa nalalaman.
Ilang sandali pa ay isang katok ang muling gumabala sa kanya. "Ano na naman!" Wala sa oras na tumingala sa orasan. Pasado alas otso na ng gabi. Imposebleng ang dalawang nanggaling ang nasa labas. Curiously, binuksan niya ang pinto at tumambad ang staff sa bar. Sa kamay ay isang round tray na may lamang cold sandwich at juice.
"Delivery Ms dela Vega."
"Hindi ako nag-order Shirley-"
"Ipinabibigay ni Sir Michael."
Hindi siya agad nakasagot. Hindi naman nakasimangot ang kaharap pero pormal ang mukha nito. At natitiyak na pagmumulan na naman yun ng chismis dahil kilalang alagad ito ni Ms Aileen. "Sigurado kaba?"
"Natitiyak ko Ms dela Vega. Paabot nalang dahil kailangan kong bumalik agad sa bar."
Kulang nalang ay ipagduldulan nito ang hawak kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang nasa bar tray. Ni hindi pa siya nakakapagpasalamat ay tinalikuran na siya ng babae. "Thank you." Bulong nalang sa hangin at napapailing na bumalik sa loob ng kwarto.
Agad hinanap ang cellphone at nagpdala ng mensahe kay Michael. Nagpasalamat pero hindi itinago ang paninita. Ilang sandali pa ay nakatanggap ng tawag mula rito.
"Don't get me wrong Michael, I appreciate the effort. Pero ayokong masamain ng iba ang kabutihan mo."
"I am not doing anything wrong, Sophia. I pay the items with my own money. Kaya hindi mo dapat ipag-alala ang kahit ano."
She almost rolled her eyes. Kahit gusto niyang sitahin ito ay wala siyang lakas ng loob. She doesn't have the courage to do so.
"I won't take much of your time. Alam kong busy ka sa pagre-review."
At least he knows. "Thank you. Again, I appreciate the thought. But you don't have to do it next time. Hindi magandang tignan lalo at empleyado ninyo ako. Ayokong isipin ng iba na sinasamantala ko ang kabutihan mo."
"Sophia-"
"I know, Michael. And I don't want you to feel bad about it. I just don't want people to talk about us anymore."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito sa kabilang linya. "All right. You won't forbid me to greet you good night, are you?"
Ngumiti siya. "Good night, Michael."
"Huwag ka masyadong ma-pressure. I'm sure kayang-kaya mo ang re-assessment." Agad ding bumalik ang sigla sa tinig ng nasa kabilang linya.
Muli siyang nagpasalamat bago ibaba ang tawag. Pagkatapos kumain, imbes na bumalik sa pagre-review ay inilabas mula sa drawer ang bitbit na bible.
Kahit anong sabihin sa sarili na okay ang lahat ay naroon padin ang pamimigat ng dibdib. Yung uneasiness na alam niyang may bago na naman siyang kakaharaping problema kinabukasan. Siguro nga ay masyadong matagal ang ipinanatili sa comfort zone kaya naninibago siya ngayo sa ganun kaliit na problema.
"God loves you..." paulit-ulit na bulong sa sarili. "You are saved, you are healthy. Pipoy is safe..." binuksan ang hawak at inumpisahang basahin kung saan siya huminto nung nakaraan.
Her mother made sure she brings one of the hundred bibles they have at home and she was very grateful now. Sa mga panahong nahihirapan sa bagong daang piniling tahakin, ang tinig ng anak at ang pagbabasa ng naturang libro ang naging comfort.
Nang makatapos ng isang verse ay bahagyang guminhawa ang pakiramdam. "I will forever glorify Your Name..." bulong muli sa sarili at saka ngumiti. Hindi man naalis nun ang isipin ay guminhawa naman ang pakiramdam.
Pagkatapos ay napagdesisyunan niyang lumabas upang sumagap ng sariwang hangin.
Pwede naman silang magtambay sa tabing dagat basta siguraduhin lang na hindi nakakagambala sa mga guest. Naglakad-lakad siya hanggang makarating sa walang tao at naupo sa dalampasigan. Matagal na tinitigan ang alon at hinayaang burahin ng panggabing hangin ang lahat ng nasa isip. Naroon ang kagustuhang tawagan ang anak at kausapin, pero natitiyak niyang tulog na ito.
"I miss you so much Pipoy. I want to see you..." nalasahan niya ang pait sa paglunok. Hanggang kailan niya matitiis ang pagsubok na ito. It wouldn't be this hard if it weren't for the Jereza's. Gosh, she just wanted a peaceful start. Hindi niya kailanman hiniling na muling makasangga ang landas ng mga ito.
"Sophia?"
Agad siyang nagmulat ng mata. Pagtingala ay naitulos sa kinauupuan nang mapagsino kung sino ang nakatayo sa tabi. "F-Fritz..."
Nagsalubong ang kilay ng binata.
Agad siyang tumayo. "I-I mean Mr. Jereza. W-What are you doing here?"
"Hindi ba at ako ang dapat magtanong sayo niyan?" Sabay ikot ng mata sa paligid. "Wala pang nare-report na harrassment sa vicinity ng resort at ayokong maging una kang biktima. This is a dark place. At ang kanugnog ng dalampasigang ito ay private property. May hinihintay kaba?"
Hindi siya agad nakasagot. Hindi inaasahan ang paninitang maggagaling rito.
"Don't get me wrong. Wala akong intensyong sitahin ka pero ayoko lang may mangyaring masama sa staff ng resort."
Of course! What else would you be worried of. "H-Hindi ko sinasadya. I'm well aware of the company policies. Hindi ko intensyong bigyang alalahanin ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko." Nagbaba siya ng tingin at tangkang lalampasan ito pero agad siya nitong nahawakan sa braso. On instinct ay pumiksi siya. Agad naman itong nagtaas ng dalawang kamay.
"Wooh! Relax Sophia."
"I-I'm sorry. It's just that-"
"You are so formal." Ipinamulsa ni Fritz ang dalawang kamay sa suot na pantalon at pinasadahan ng tingin ang suot ng dalaga. Lose t-shirt and a jogging pants. Out of place para sa lugar pero hindi maintindihan ng binata kung bakit nagkakaroon ito ng interes rito. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. May hinihintay kaba?"
Si Sophia ay lakas-loob na nagtaas ng mukha. Bahagyang nakaramdam ng inis sa tonong ginamit ng kaharap. "Kung iniisip mo Mr. Jereza na nagkikita kami dito ng kapatid mo ay nagkakamali ka. Pagkakamali kong nagpunta ako rito ng mag-isa. Naghanap lang ako ng tahimik na lugar para kalmahin ang isip ko. Yun lang yun."
"Mr. Jereza? Is that how you call Michael too?"
Muli siyang hindi nakasagot. She was trying her best not to get distracted by his good looks. Kung bakit kasi ang lakas ng dating nito kahit naka-beach short at manipis na puting polo shirt lang. Magulo ang kulot nitong buhok dahil sa hangin.
"Don't get me wrong. Ayokong akusahan mo akong mapangmata tulad ng Mama. I know what she's trying to do at gusto kong mamagitna sa kanila ng kapatid ko. My mother is a bit harsh sometimes, and I will not defend her for that."
"Your point Mr Jereza?"
"Call me Fritz." He insisted. "Hindi ako sanay na tinatawag ng kahit na sinong empleyado ng resort sa ganyang paraan."
"I don't get the point of this conversation. Kung wala ka ng sasabihin ay mauuna na ako. It's getting late." Tatalikod na sana nang muling magsalita si Fritz.
"I don't want to judge you based on the stories I heard about you. I trust my brother's instinct. Gusto kong kilalanin ka Sophia. Handa akong alamin ang lahat ng tungkol sayo para sa kapatid ko."
Pinanigasan siya ng katawan ng wala sa oras. Parang sirang plaka na paulit-ulit pumailanlang sa tenga ang huling sinabi nito. Get to know her? Alamin ang lahat ng tungkol sa kanya? How? Hindi niya gusto ang ideyang pumasok sa isip.
"Walang masama kung kililalanin ko ang babaeng napupusuan ng kapatid ko." Patuloy nito
Pinatigas niya ang mukha at humarap rito. "Get to know me? You must have been mistaken Mr. Jereza. There is nothing to know about me."
Nagsalubong ang kilay ni Fritz.
"Kung anumang kwento ang nakarating sayo ay nagkakamali silang lahat. Walang namamagitan sa amin ni Michael."
"He likes you."
"Wala siyang ganyang sinabi sa akin at ayokong mag-assume. He is my boss and Carrine's friend too. Yun lang ang alam kong namamagitan sa amin ni Michael. So there is no reason for you to get to know me. Sana ay dito nagtatapos ang tungkol sa isyu na ito. Goodnight Mr. Jereza." Isang tango ang ibinigay rito bago dai-daling tinahak ang pabalik sa staff room.
Parang gustong bumaligtad ng puso sa lakas ng dagundong ng dibdib nang makarating sa kwarto.
Get to know her? A simple and short phrase that almost took her breath away. Kakaibang takot ang biglang gumapang sa buong pagkatao niya.
Parang nanghihinang napasandig siya sa pinto. "You made it clear to him. He will not insist on getting to know you. No one will know about Pipoy. He will not find about h-his h-his son." Wala sa oras na nakagat ang mga daliri. Senyales ng matinding nerbyos na dumating sa kanya.
What if magpilit ito? Or worse, si Alice Jereza mismo ang magkalkal ng tungkol sa pagkatao niya. They will find out what happened four years ago. And they will know about Pipoy.
"N-No!" Gustong sumabog ng isip. She has to stop the rumor, or else, mapipilitan siyang itigil ang trabaho para maprotektahan ang pinakatatagong sekreto.