Nagsimula ang re-assessment at naisip ni Sophia na unfair ang naging pagtrato sa kanya. Kung kabado nang unang mga araw sa resort ay tila siya laging nakasalang sa hot seat sa pagpapa-ulit ng ginawang training. Madalas pang nakamasid si Mrs. Jereza na naghihintay ng kahit maliit na pagkakamali.
Isang araw ay naging bisita si Carrine na ikinagulat ang nalaman.
"I'm going to talk to her-"
"No!" Agad na suway. She found it unfair and she wanted to give up, pero anumang klaseng tulong na pwedeng masamain ng ginang ay hindi tatanggapin. "It will only make things worse."
"Mabait si Tita Alice, Sophie. Exaggerated lang siguro ang mga kwentong nakakarating sa kanya."
Pasimple siyang na-iwas siya ng mata. Yun ang isang bagay na mahirap patunayan dahil naranasan na niya ang minsang katarayan ng ginang. "Siguro nga, but you don't have to do anything. Naipapasa ko naman ang lahat." Pinilit niyang ngumiti. Kaya nga ba hindi niya gustong sabihin rito ang nangyari kapag nangungumusta ito sa messages. Naramdaman niya ang pagpisil ni Carrine ng kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"You don't have to be so nice all the time if you are having a hard time, Sophie. Nasa totoong mundo ka na ngayon. Hindi na uubra ang pagiging mabait mo."
"I am not-"
"You are still so soft and that's wonderful. Kahit si Michael ay yan ang unang napansin sayo. But you can't be like that forever. Maraming masasamang tao sa mundong ito ang makakaharap mo. And they will only take advantage of your kindness if you continue to be so."
"I am trying..."
"You always have your ways of dealing things. Minsan ay nakakainis but it always turns out well. Kung ako ang tinatrato ng ganyan ay malamang nagwewelga na ako."
Sabay na nagkatawanan ang magkaibigan.
Nang biglang may pumasok sa isip ni Sophia. "I appreciate all your help, Carrine. But can I ask one more favor from you. Since nandito kana rin ay sasamantalahin ko na. Baka ikaw lang ang makatulong sa akin."
"Of course. What is it?"
Matagal niyang tinitigan ang kaharap. Carrine have been her friend for whoever knows. Sa kabila ng hindi pag-contact dito sa nakalipas na apat na taon ay hindi siya itinuturing na iba. Bagkus ay tinulungan pa siyang magsimula.
"What is it Sophie? Kinakabahan ako sa reaksyong nakabadha sa mukha mo."
"I'm not giving up if that's what you think I'm going to tell you." Pagbibigay assurance rito.
"Oh please don't. I know you can do it. Tell me what's bothering you."
Sandali niyang inikot ang mata sa paligid. Nasa verandah sila ng Diners kung saan overlooking ito sa dagat. Medyo malayo ang table nila sa nakakarami pero complicated ang sasabihin niya.
"Sophie!"
"Can you help me tell Michael to stop being nice to me?"
"Sophie-"
"I really appreciate his help and it breaks my heart to ask you this. Napakabait niyang tao." Compare to his mother or even to Fritz. "But this rumor going on about him and I, hindi yun nakakatulong sa akin. Ayokong mag-assume pero mas maigi kung hindi siya masyadong magiging mabait sa akin. People misunderstood his intention."
"Misunderstood? I don't think people misunderstood Sophie."
"W-What do you mean?"
"He really likes you. Michael likes you a lot. Though hindi na ako magtataka na hindi mo yun napansin."
She blushed. Pinatutuhanan nun ang sapantaha na pilit niyang itinatanggi. "No-"
"He told me about it. At first I thought he was just fond of you. Minsang tinukso ko siya ay hindi niya yun itinaggi. At talagang nagtataka akong hindi pa niya sinasabi ang feelings niya sayo."
She was unable to response for a moment. Bigla siyang nalungkot at nag-alala.
"Are you worried about Tita Alice? She's not a bad person. Medyo overprotective lang sa dalawang barako niya pero kapag nakilala ka niya ng lubusan ay tiyak kong magugustuhan ka niya."
I don't think so. Baka kamuhian niya ako kapag nalaman niya kung sino ako at kung anong ginawa ko.
"You looked so worried. I don't understand."
"I am worried Carrine." Pag-amin rito. "Hindi ko itatangging hindi ako masaya sa nalaman ko."
"But why? Don't you find Michael attractive?"
"He is! At feeling ko ay hanggang sakong ang buhok ko sa atensyon na nakukuha ko mula sa kanya. I mean look at me, sino ba naman ako para magustuhan niya."
"Oh come on Sophia dela Vega. Hindi ka pangit para sabihin mo yan."
"At hindi rin ako maganda." Dagdag niya.
"Beauty is in the eye of the beholder. Your simplicity made you even look prettier. At natitiyak kong deserve mo ang second look. Where is the confidence, my friend." Humalukipkip ito pagkatapos mag-sip ng orange juice.
"You really are my friend. You know how to compliment me." Gumuhit ang ngiti sa labi ng wala sa oras.
"You realized that just now?" Carrine rolled her eyes. At sabay na muling nagkatawanan ang magkaibigan. "So tell me, hindi mo type si Michael? Ang gwapo rin ng mokong na yun. Masyado lang siyang seryoso."
"Mas seryoso pa kay Fritz?" Huli na ng ma-realized ang pangalang binanggit.
"Si Kuya Fritz! Oh my, Sophia, you must be mistaken. Maloko at pilyo ang isang yun. He is beyond charming. Mahilig nga lang sa babae."
Sophia made no comment as she felt that sharp pain in her heart. Hindi naman na bago sayo ang balitang yan. "He is not married yet, is he?"
"Hindi at mukhang wala rin siyang balak mag-asawa. Kung mapipilit siya ni Tita Alice ay kawawa lang ang babaeng pakakasalan niya. Well, I'm not saying that he's a bad person. May mga lalaki lang talagang ipinanganak na aware sa assets nila".
"I wish I'm not the person you are badmouthing."
Napatingin sila sa palapit na si Fritz. Sophia instantly became uneasy. Mabuti na lang at hindi napansin ng kaibigan ang pagkabura ng ngiti sa labi.
"Kuya Fritz!" Agad napatayo si Carrine at yumakap sa bagong dating. "We were just talking about you."
"Me?" Agad bumaling ang mata ng binata kay Sophia. "Ako ba o si Michael? Is Ms. dela Vega referring to me as Mr. Jereza or was it Michael?"
Takang nagpalipat-lipat ang tignin ni Carrine sa dalawa. "Am I missing something here?"
"Sinabi ko kasi kay Ms. dela Vega na gusto ko siyang kilalanin para naman madepensahan ko siya kay Mama sa mga plano niyang gawin pero minasama niya ang sinabi ko."
"Oh." Natutop ni Carrine ang bibig.
Si Sophia ay kapansin-pansin ang pag-iwas ng mukha na inakala ng binata na dahil sa naging huling engkwentro ng mga ito.
"Masyado kang sensitive Ms. dela Vega. Nagbibiro lang ako." Walang pahintulot na naupo ito sa bakanteng silya.
"Kuya Firtz!" Suway ni Carrine na naupo na rin. "Let me properly introduce you two. This is Kuya Alvin Fritz Jereza, Michael's older brother as you know. And this is Sophia dela Vega. And stop calling my friend by her last name."
"Your friend?"
"From college," Carrine informed. "We used to visit the resort when we were in the university."
"Akala ko ay ini-interrogate mo rin siya bilang isang empleyado. And I'm about to rescue her."
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga. Na taliwas naman kay Sophia na asiwang-asiwa pa rin. Nag-uumpisa na rin sumakit ang leeg sa pag-iwas ng mukha mula sa direksyon ni Fritz. Hindi niya gustong makasalubong ang mata nito at lalo naman ang matitigan ang gwapo nitong mukha in broad daylight.
"Rescue her... hmm."
"Huwag kang mag-isip ng masama Carrine. I just felt bad about the mistreatment she receives."
"Oh, you knew about it too?"
"Alam naman ng lahat kung ano ang pinagdadaanan ni Ms dela Vega. Kahit ang Papa ay hindi miminsang sinuway ang Mama dahil sa sumbong ni Michael. Kapag dumagdag pa ako ay baka kung ano pang mangyari."
"See, Sophia. Marami ka paring kakampi. Even Kuya Fritz thinks it's unfair that you receives an unfair treatment."
"But you are surviving right, Ms dela Vega?" Curious na tanong ni Fritz na may pag-aalala sa tinig. "Kapag naipasa mo ang munting challenge sayo ni Mama ay hindi ka na magkakaroon pa ng problema sa kanya sa hinaharap. Matatanggap niya rin kayo ni Michael."
Marahas na bumaling ang mukha rito. "Sinabi ko na sayo na walang namamagitan sa amin ng kapatid mo. How many times will I tell you that." Mahina pero may diing saad.
Agad namang nagtaas ng dalawang kamay si Fritz na senyales ng pagsuko.
"Stop teasing her Kuya Fritz. Sophia is a shy type. Kanina lang ay pinag-uusapan namin ang tungkol kay Michael at sa rumor na namamagitan sa kanila. My friend said she doesn't like your brother. Would you believe that?"
"Doesn't like? Who? Michael?" Tila hindi makapaniwalang saad ng binata at pinasadaan ng tingin si Sophia na parang may sinisipat rito.
"Hindi ba at magandang balita yun para sa ating lahat? I am no match with your brother anyway."
"No match? Saang aspeto? Is it because of your social status? Believe me Sophia, kapag napatunayang marangal kang babae ay tinitiyak ko sayong wala kang maririnig sa buong mag-anak na Jereza."
"At ano ang pamantayan ng pamilya ninyo para sabihing marangal ang isang babae? Should a woman be a saint? I think that would be unfair judging your way of living."
Wala sa oras na umasim ang mukha ni Fritz. "Just for your information, wala akong inagrabyadong babae sa tanang buhay ko. I bed women, yes. Pero wala ako ni isang pinangakuan ng kasal. We both enjoyed what we shared."
Tila may nasaling na kung ano sa pride niya ang sinabi nito. "That didn't answer my question."
"Sophie-"
Wala sa oras na pumihit ang upuan ni Fritz paharap kay Sophia. Pero imbes na galit ang maramdaman ay naroon ang amusement. Sa unang pagkakataon ay kinakitaan nito ng emosyon ang dalaga. "A saint? A woman can be a w***e for all I care, pero kung mapapatunayan na may dahilan ang bawat aksyon niya ay kaya kong patawarin ang naging nakaraan niya. And as long as she knows the value of humanity, I think my mother won’t disapprove of her."
Si Sophia ay biglang napipilan sa nakuhang sagot. She didn't expect him to think of that way. She was raised in a family where the most important value is to know how to turn back to God no matter what happen. Na kahit anong pagkakamali ay handa kang tanggapin ng Panginoon bumalik ka lang sa kanya. Was she been lectured by him just now?
"Hindi ko alam kung anong impormasyon ang alam mo tungkol sa akin o sa pamilya ko." May bahid ng disappointment ang tinig na patuloy ni Fritz. "Pero natitiyak kong may dahilan ang Mama sa ginagawa niya. If you are Carrine's friend then there is no reason for me to worry. I believe her judgment. This too shall pass ika nga ng iba."
"That's what I think too, Kuya Fritz. I was about to talk to Tita Alice but Sophia refused."
"Ako na ang personal na humihingi ng paumanhin sa mistreatment na nakukuha mo. But as long as you are holding on, there is no reason for all of us to be involved. My mother probably wanted to test you." Dagdag ni Fritz.
Hindi nagbigay ng komento si Sophia na muling ibinaling ang mukha sa ibang direksyon.
"That's probably Tita Alice' purpose of doing this." Napapatangong sang-ayon ni Carrine. "At ang tungkol naman sa nalaman mo tungkol kay Michael, I don't think I can do something about it. It's hard to change someone else's heart."
"At ano ang tungkol kay Michael?" Singit muli ni Fritz.
"My friend is worried because she found out that Michael likes her."
Nagsalubong ang kilay ni Fritz. "About that, I want to say that I'm impressed. Either napi-pressure ka dahil sa mga kaganapan o may iba kang karelasyon. Ikaw ang kauna-unahang babaeng nakilala kong hindi nagustuhan ang kapatid ko."
"Hello, I'm also here." Itinaas ni Carrine ang kamay pero hindi ito pinansin ng binata.
Bumaling ang mukha ni Sophia rito. "Hindi lahat ng babae ay tumitingin sa panlabas na anyo ng lalaki. Michael is a good person, and he has a pure heart. Pero may mga sirkumstansyang pumipigil sa akin para gustuhin siya." Sabay muling baling ng mukha aa kabilang direksyon.
"Sirkumstanya? And can you please stop doing that. Hindi naman siguro masakit sa mata na makita ang mukha ko. I am starting to feel offended by your action. Kanina ko pa napapansin na hindi mo ako tinitignan ng diretso."
"Ahm, Kuya Fritz. Sophia came from a very conservative family. Kaya medyo aloof at iwas siya lalo na sa lalaki." Depensa ni Carrine sa kaibigan. "Is your father still strict with you and your sisters, Sophie?"
Walang nagawa si Sophia kundi ang tumango. Kahit siya ay hirap sa ginagawa pero mas makakatulong sa kanya kung hindi niya matititigan ng matagal ang mukha nito. She's afraid he might haunt her again in her dreams. Ang muling makita ito ay unti-unting nagpapabalik sa alaala ng isang gabing nakapiling ito. At sa totoo lang ay nasasaktan siya na ni hindi man lang siya nito maalala kahit minsan. At lalong mas nasasaktan siya para Pipoy. He doesn't even know that he exists!
"That isn't enough reason to unlike my brother. You can be true to yourself with me. I am not against you. Sa halip ay willing pa akong tulungan kayo. Hindi lang obvious but I care about my brother a lot. Kahit man lang sa larangang ito ay makatulong ako bilang nakatatandang kapatid niya."
Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Why? Why does she feel this sharp pain in her heart. Bakit may ganung epekto ang sinasabi ni Fritz sa kanya?
Because you still like him! Hindi inaasahang sigaw ng isip. Because the truth is, deep in your heart, there is a small hope that he will recognize you from that one magic moment that you shared with him. Pero wala. Para rito ay isa ka lang sa mga babaeng willing punan ang kama niya...
Dahil sa isiping yun ay hindi mapigilan ni Sophia ang pangiliran ng luha. At bago pa yun mahalata ng mga kaharap ay nag-excuse siya. Nagdahilan na may nakalimutang gawin. Hindi pa nakakasagot ang dalawa ay agad ng tumayo at dali-dali tinahak ang daan pauwi sa inuokupang kwarto.
Sa unang pagkakataon pagkatapos maipanganak si Pipoy ay muling pumatak ang luha sa mga mata para sa lalaking lihim na itinangi ng matagal na panahon. And yet couldn't recognise an inch of her.
"Y-You are so mean Alvin Fritz Jereza! Bakit? Bakit hindi mo man lang ako nakikilala. A-And now you are telling me t-that you want me for your brother! God, we have a child. W-Wala kang karapatang ibigay ako sa i-iba!" Inilabas niya ang hindi inaasahang sama ng loob na naipon mula ng dumating siya sa resort.
At posisyong yun ay hindi namalayang nakatulog ang dalaga.