2012, Paradise Resort
"Ahm room under Carrine Ventura, please?" Alanganin tanong ni Sophia sa dinatnan na receptionist.
Paradise Resort. A million-dollar luxurious resort sa Zambales na pagmamay-ari ng pamilya Jereza. Kaklase at kaibigan niya ang pangalang binanggit na ang magulang at ang may-ari ng naturang resort ay magkaibigan.
"Mam, wala pong nakasulat na ganyang pangalan sa reservation."
Hindi siya nagpakita ng pagkainip o pagkainis man lang. Sa ilang beses na pagpaparoon ay ngayon lang nakita ang naturang receptionist. May palagay siyang bago ito.
"Are you sure?" Paniniyak habang kipkip ang dalang bag na nakasukbit sa balikat.
"Baka hindi po nai-reserve ng maayos. Sandali lang." Humarap ito sa computer at may tinignan.
Sasagot pa sana siya ng isang matangkad na lalaki ang tumayo sa kanan kaya napilitan siyang tumabi. Sandaling kinausap ang reception sa buong-buong tinig at nagbilin. Tinapunan siya ng lalaki ng tingin at agad siyang nagyuko ng mapagsino ito.
Alvin Fritz Jereza! Sunod-sunod ang naging pagtahip ng dibdib. Panganay na anak ito ng may-ari at kinakapatid ni Carrine. Pangatlong beses pa lang itong nakita ng personal pero sa tuwina ay lagi niyang tinitignan ang cellphone ng kaibigan kung saan may larawan ang binata sa ilang mahahalagang okasyon dinaluhan ng parehong pamilya.
"Hi," bati nito.
She wanted to respond. Pero parang may nakabara na kung ano sa lalamunan kaya hindi siya nakasagot. She heard him chuckled before taking back his attention to the receptionist. Pasimple siyang sumulyap rito at nang muling itong bumaling sa kanya ay lalo siyang nagyuko. Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito bago tuluyang umalis.
"Ma'am tawagan niyo na lang po ang kaibigan ninyo. Wala po talagang reservation sa ibinigay ninyong pangalan.
Doon lang siya nag-angat ng mukha. "Ganun ba. Sige babalik na lang ako." Kipkip ang bag ay nilisan ang reception at agad dinukot ang cellphone upang tawagan si Carrine.
Habang kausap ang kaibigan ay lihim na tinanaw si Fritz habang kausap ang isang staff ng resort sa labas.
"Just wait for us there, Sophie. Tatawag ako ngayon din sa reception."
Hanggang sa magpaalam ang kausap ay wala rito ang atensyon kundi sa lalaking masayang nakikipag-usap sa trabahante.
'Hey, Sophie. Foul yan! Stop admiring him secretly.'
"I'm graduating. Anong masama kung magkaroon ako ng gusto sa isang lalaki?" Bulong sa sarili.
'Tell that to your dad, then!'
Umingos sa sariling tinig at malungkot na pinanood ang pagsakay ni Fritz sa mamahalin nitong sasakyan. There is no point in admiring someone who can never be hers!
Naupo siya naroong sofa at nangalumbaba. Carrine's instruction is cleared. Maghintay lang daw siya doon. Kulang dalawang oras din ang inabot bago dumating ang mga kaklase.
"I'm so sorry Sophia, there was a little misunderstanding. Fullybooked ang mga kwarto at na-double booking ang kwartong ni-request ko."
"It's okay. Pero paano yun?"
"May nag-cancel naman kaya nagawan ng paraan. You don't have to worry about it. I just feel baad that you waited in the lobby imbes na nakapagpahinga ka sa kwarto."
Isang reassuring smile ang binigay sa kaibigan. "I'm okay. I'm glad hindi tayo masyadong nakagambala sa kanila."
"Nakagambala! Our stay this time is paid. Hindi nga lang sa original price. But I requested them to send all the bill to my Dad's office. Gustong niyang magpasikat sa huling pagkakataon."
Sabay silang nagkatawanan bago nag-assign kung sino ang magkakasama sa kwarto.
Nang gabing iyon ay nag-dinner sila sa restaurant. They enjoyed and bath the next day. Sinulit ang mga araw na puro sila pag-aaral. On the second day ay naging seryoso ang lahat sa paggawa ng last project. Ganun din ang ikatlo. Kaya nang matapos ay inenjoy ng lahat ang pananatili sa resort.
Sa huling araw ng pananatili ng lahat sa resort ay hindi sinasadyang dumating ang iba pang bisita ng mag-asawang Jereza at dumagsa rin ang mga guest kaya napilitan silang lumipat dahil muling nagkamali ang reception sa pagtanggap ng walk-in guest. Inokupa nila ang ilang private rooms na para lang dapat sa mag-anak na Jereza at mahahalagang bisita ng pamilya.
At dahil nahihiya si Carrine sa kanila ay ito ang nag-boluntaryong maglipat ng gamit kasama ang roomboy habang nag-eenjoy ang magkakaklase sa beach.
"It's so busy." Hindi niya napigilang komento habang nasa pool area sila at ganapin doon mismo ang isang pool party.
"Drink this." Sabay abot ni Tanya ng isang baso na may lamang juice.
Agad niyang tinanggap at diretsong tinungga. Muntik pang maibuga ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan. Kasunod ay nalasahan ang pait.
"Come on, loosen up Sophia dela Vega! Have one more."
Umiling siya at lumayo mula rito. Nakainom na ito at halatang nag-eenjoy. Hindi gustong makipagsabayan dahil alam niya na walang magandang maidudulot yun sa sarili. She isn't ready for that lifestyle. Sa pag-ikot ng mata sa paligid ay napatda ng matanaw si Fritz sa isang dako.
"He's still here." Bulong sa sarili at hindi napansin ang ngiting sumilay sa labi. Parang may kung anong nabuhay na excitement sa dibdib. He can never be hers! Pero libre ang mgagpantasya. Sa imagination niya ay ito ang kanyang si Mr. Darcy.
"In my own world, you are mine." Kinikilig niyang bulong sa sarili at hindi ito inalisan ng mata. "I'm so happy to see you once again before we leave. I'll make sure to cherish this moment in my heart." May halong lungkot ang mata habang minamasdan ito mula sa malayo. After the graduation ay lilipad si Carrine sa ibang bansa para sa finishing school. Kaya natitiyak niyang ito na ang huling beses na makikita sa personal ang nag-iisang lalaking nakakuha ng atensyon.
Ilang sandali pa ay hindi napigilan ang sumimangot nang makitang lapitan ito ng isang magandang babae. Gorgeous and slim, bagay na bagay rito ang suot na skimpy swimsuit.
And here she is wearing a short shorts na muntik pang hindi suotin dahil nahihiya siya. She's considered voluptuous. Isang bagay na hindi gusto sa sarili dahil hindi makapag-suot ng leggings tulad ng mga babaeng maliit ang legs o kahit na swimsuit dahil feeling niya ay ang laki-laki ng hita. Ang babaeng tulad niya'y hindi man lang lilingunin ng isang tulad ni Fritz Jereza sa tunay na buhay.
'At kailan ka pa nagkaroon ng inferiority complex Sophia?'
"Minsan kahit sa imagination ay ang hirap mong pangarapin." Pilit niyang inalis ang mata rito dahil sa biglang paninikip ng dibdib. Tumambay siya sandali sa tahimik na lugar at mula doon ay muli rin lang pinanood si Fritz. She cannot take her eyes off him. May palagay siyang nabilang niya ang bote ng alak na nainom nito. Nangingibabaw ito sa lahat ng naroon. Hindi lang dahil matangkad at maganda ang katawan, pero mayroong tila ilaw sa paligid nito ang umaakit sa mga mata niya. At naroon ang kudlip sa puso sa tuwing ngingiti ito sa kausap nitong babae.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa bago nagtungo sa reception at kinuha ang susi.The night is over, or at least for her.
Nasabihan na siya ni Carrine kung paano puntahan ang kwarto. Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Hindi na napansing halos puro panlalaking gamit ang nadatnan dahil namangha siyang muli ng makita ang isang bathtub. Walang pagdadalawang-isip na nag-eksperimento kung paano gamitin iyun saka ibinabad ang sarili.
"Thank you for this Carrine," hanggang tenga ang ngiti na ipinikit ang mata at ninamnam ang maligamgam na tubig sa hubad na katawan. Kung ilang minuto siyang nakababad sa tubig ay hindi matiyak. Saka lang umahon nang maramdaman ang pagbukas ng pinto mula sa labas. Dali-dali siyang nagsuot ng roba at lumabas ng banyo upang ikwento ang naging experience.
"Carrine-" Humigpit ang hawak sa pagkakabuhol ng roba ng makita kung sino ang pumasok. Napasinghap at nanlaki ang mata ng mapagsino ito. 'F-Fritz', sigaw ng utak. Ano ang ginagawa nito doon? Hindi siya agad nakakilos sa kinatatayuan.
"Wow! Hindi ako nag-order ng babae."
"O-Order?" Litong tanong niya at tila lalong na-estatwa nang makitang unti-unting humakbang ito palapit.
"Bisita ka ba sa labas? Naligaw kaba o sinadya mong puntahan ako? This is a private room though. Nice!"
Sinundan niya ang tinitignan ng mata nito at dumapo iyun sa isang dibdib na bahagyang lumitaw dahil sa pagkakatalilis ng suot.
"Hmm, pwede na rin." Pagkasabi ay bumaba ang mukha sa dalaga.
Sophia was shocked as she felt his lips on her! Lalo pa ng mag-umpisang gumalaw ang labi ni Fritz at piliting pasukin ang bibig niya. She tasted a combination of alcohol and mint.
Dapat ay mandiri siya at manulak. Hindi niya pinangarap na sa ganun lang mauwi ang magiging first kiss. It should be romantic and sweet. Hindi yung ganun na parang nilalamon siya ng buhay...
Nagising siya nang wala sa oras at sandaling napatitig sa kawalan. Rumagasa ang mga alaalang inukit sa puso pero pilit kinakalimutan ng isip. That happened four years ago but it feels like yesterday. She remember every touch, every kiss...
Nayakap ang sarili ng wala sa oras. "God, I shouldn't feel this way." Mariin siyang pumikit. Hindi siya pwedeng magkaroon ng anumang damdamin para kay Fritz. Mananatili itong isang parte ng magandang panaginip.
Bumangon siya upang kumuha ng pamunas. Nakatulog siyang hindi man lang binubuksan ang airconditioner o and stand fan. Sa layout ng tinutuluyang kwarto, kapag wala ang dalawa ang maliligo sa pawis ang uukopa.
Dinampot ang Bible at sandaling nagbasa bago muling bumalik sa pagkatulog.