“Well I guess, getting married to my best friend was totally the right choice” Sagot naman ni Spencer, which left Chloe in a confused state.
“Ayos din tong mokong pumick-up line ah” Isip ni Chloe
“Then that’s good then, akala ko para pa rin kayo aso’t pusa tulad ng dati eh” Komento ni Mommy Michelle
“Oo nga eh, kung ganun lang kayo ng ganun paano naman mabubuo ang apo ko diba” Biglang hirit ni Daddy Mike.
Halos maibuga naman ni Chloe ang juice na iniinom pagkarinig dun. Paano ba naman magkakaapo eh wala pa naman talaga nangyayari. Tinignan niya lang si Spencer kung paano naman siya makakalusot. Sabi nga ni Ricky hari at reyna naman sila ng segway.
“Pa, that can wait we don’t want to rush things.” Kalmado naman sagot ni Spencer
“No, we can’t wait. Kayo lang ang nag-iisang mga anak from both sides. Siyempre excited na kami magka-apo.” Pagkontra naman ni Daddy Mike
“Pero dad wala pa talaga sa plano namen yun” Sagot ni Spencer while playing with his spoon. What he said was the truth. Wala naman talaga sa plano nila yun, or masasabing wala “PA” sa plano nila.
“Hay nako daddy wag mo na nga muna ipressure ang dalawa, hayaan mo na sila sa desisyon nila marami pang oras para dyan.” Saway ni Mommy Michelle sa asawa
“Ok ok but remember we are waiting” Pahabol pa ni Daddy Mike bago bumalik sa pagkain. Spencer just mouthed to her mother “Thank you” at nginitian lang siya nito.
Pagkatapos kumain ay umakyat na para makapagpahinga ang magulang nila. Naiwan si Chloe at Spencer na nalilligpit sa baba ng mga pinagkainan. Walang nagsasalita, moment of silence, more of an awkward silence.
“Spencer..” Basag ni Chloe sa katahimikan
“Yes?” Tanong ni Spencer sa kanya
“May lakad kasi ako ngayon, di mo naman kasi sinabi uuwi sila mommy ngayon..and I don’t think I can cancel pa..” Alanganin paalam ni Chloe
“Sorry it really slipped out of my mind..magtatagal ka ba?” Tanong ulit ni Spencer
“Si Janelle lang naman kasama ko,matagal na kasi kami di nakakalabas. Then nagpapasama din siya para mamili ng ilan mga gamit” Paliwanag naman ni Chloe
“Kayo lang dalawa?” Tuloy na pagtatanong ni Spencer
“Kasama ata yun pinsan niya na kakauwi lang from Singapore” Di naman nagdalawang isip si Chloe na sagutin mga tanong niya
Spencer just nodded. “Si Leonard?” Pagkukumpirma ni Spencer and Chloe just nodded “Sige ok lang, ako na bahala dito”
“You sure?” tanong ulit ni Chloe
“Gusto ko sana sumama sa inyo kaso nakakahiya naman kayla mama” Pabirong hirit ni Spencer
“Ha?” Nagulat naman na sagot ni Chloe di niya inexpect na gusto nito sumama sa kanya.
“ Kaya nga di na muna ako sasama, pero ihatid na kita at ako na rin susundo sayo” Presenta naman ni Spencer
“I can drive..” Singit ni Chloe
“I insist” Sagot ni Spencer
At ganun na nga ang napagusapan nilang set-up. Si Chloe pagkatapos magligpit ay naligo at nagbihis na. Pagkababa niya ay kakababa lang din nila Mommy Michelle at Daddy Mike. Isang above the knee na floral dress an suot nito, at dala dala ang isang maliit na hand bag.
“Ma, Pa ihatid ko lang si Chloe then babalik din ako para samahan kayo” Paalam ni Spencer sa magulang
“No need iho, sumama ka na kay Chloe. Minsan lang naman kayo magkafree day, bakit di mo na lang siya samahan?” Suhestyon ni Mommy Michelle
“Eh kasi Ma..” Kakatwiran pa sana si Spencer
“Matanda na kami Spencer, you don’t have to baby sit us here in your house. Sige na alis na kayo” Pagtataboy naman ni Daddy Mike sa kanila
Napakamot na lang ng ulo si Spencer at sumunod na rin sa magulang nila. Sa loob ng sasakyan ay tahimik pa rin sila. Si Chloe iniisip yun sagot ni Spencer, affected much lang sa napagusapan kaninang umaga? Medyo. Isang taon na nga sila ni Spencer bilang mag-asawa pero kamusta na nga ba sila? Tsaka sa isang pamilya expected na ang magkaroon ng anak, parang wala ata sa mapa nila yun ah.
“Chloe” Basag ni Spencer sa pagmumuni-muni niya “Masyado tayo seryoso ah? Ano meron?”Pag-uusisa ni Spencer
“Ha?”Tila nataranta naman si Chloe “Wala may iniisip lang”
“Kung yun sinabi nila mama ang iniisip mo hayaan mo na, you can go out with Janelle I can go somewhere na lang din di naman nila malalaman na di tayo magkasama” Nakangiting suhestyon ni Spencer
“Hindi naman yun eh” Depensa ni Chloe
“Eh ano?” tuloy lang na pagtatanong ni Spencer
“Yun mga sinabi nila nun breakfast” Gusto sana isagot ni Chloe yun pero di niya na sinabi “Basta” yun na lang ang sinagot niya sa kanya
“Ang labo mo, o andito na tayo” Tinigil niya ang sasakyan sa harapan ng mall.
Napalingon naman si Chloe. Sa sobrang pagiisip niya di niya napansin na nakarating na pala sila.
“Ay oo nga noh, ang bilis naman natin walang traffic?” Wala sa sariling sagot ni Chloe
Natawa naman si Spencer dito “Earth to Chloe? Magkasama tayo sa sasakyan di mo alam kung traffic o hindi?” Natatawa pa rin sagot ni Spencer sa kanya “Kung ano man yan iniisip mo mukhang seryoso”
“Sorry naman! Teka ipark mo na lang tong sasakyan, wala pa naman si Janelle alam mo nay un forever late” Sagot ni Chloe sa kanya
“Ipark ko to? Sasama ako sa inyo?” Paninigurado ni Spencer
“Ayaw mo ba? Ano ba balak mo?” Tanong ni Chloe
“Ok lang ba sa inyo? Baka makaistorbo lang ako?” Alanganin sagot ni Spencer
“First time mo p’re makasama kami ni Janelle? Drama nito sige na derecho mo na sa parking gumagawa na tayo ng traffic” Turo naman ni Chloe sa harap. And Spencer just drove to the parking lot.
Pagpasok nila sa loob ng mall ay tinawagan nila si Janelle at ang sagot sa kanila paalis pa lang dawn g bahay. Sanay na naman sila. Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Spencer.
“Chloe..” Tawag nito sa kanya
“Yes?” Agad naman siya nilingon
“May lakad ka bukas?” Tila nahihiyang tanong ni Spencer
“Bukas? Magsisimba lang siguro ako then wala naman ako plano iba. Bakit?” Nagtatakang tanong ni Chloe
“Alis tayo, Tagaytay?” Yaya nito
“Tagaytay?” Ulit ni Chloe sa sinasabi niya
“O kaya Subic? Kung saan mo gusto” Sagot ni Spencer
Gusto sana tanungin ni Chloe kung ano ang meron pero di niya na ito tinuloy. “Kahit saan lang, ipapasyal mo sila mama?”
Matagal tagal din bago sumagot si Spencer. “Pwede rin..pero ano game tayo bukas?”
“Sure wala naman problema” Nakangiting pagpayag ni Chloe
“Si Janelle paalis palang ng bahay diba?” Tuloy na pagtatanong ni Spencer sa kanya and Chloe just nodded. “Sayang naman ang oras natin dito kung iikot lang tayo ng iikot, tara”
“Saan tayo pupunta?” Nagulat naman na tanong ni Chloe
“Grocery, di naman pwede umalis tayo bukas ng wala man lang kahanda handa diba” Nakangiting sagot ni Spencer
“Weirdo” natatawang hirit ni Chloe sa kanya pero sumunod naman. Dinala siya ni Spencer sa grocery at namili ng kung ano anong makakain at magagamit para sa lakad nila bukas. Tamang tama pagkatapos nila ay dumating na sila Janelle kasama ang pinsan niya.
“Oh uwian na ba? ng dami niyo naman ata napamili na?” Bati ni Janelle sa kanila.
“Di naman, I’ll be back dalhin ko lang to sa kotse babalik ako” Nakangiting paalam ni Spencer sa kanila at dumerecho na muna sa sasakyan.
Nangiti naman si Chloe dun at nanukso na naman si Chloe. “Ateng, asawa mo na yan di na kailangan kiligin pa”
“Che! minsan lang maging sweet yan si Spencer noh” Hirit ni Chloe
“Minsan? O minsan mo lang napapansin?” Makahulugang tanong ni Janelle “Wait restroom lang ako”
“Ay ewan ganda mo talaga kausap” Sigaw nito sa kanya, “Leonard kamusta?” bati ni Chloe sa pinsan ni Janelle
“I’m fine, you? I heard you got married?” Maintrigang tanong nito sa kanya
“Hmm, yeah..”sagot naman ni Chloe.
“I thought he was just your bestfriend?” Tanong ulit ni Leonard. Natigilan naman si Chloe. Si Leonard isa sa mga naudlot niyang romance, three years ago bago ito umalis papuntang Singapore. They were once dating, going out, pero yun nga Chloe wasn’t ready for a relationship. She turned him down. Siyempre kilala nito si Spencer minsan din pinagselosan ni Leonard si Spencer.
Hindi tuloy alam ni Chloe ang isasagot niya. She just smiled. “People change I guess” Simple niyang sagot “Are you staying for good?”
“Yeah, will try my luck here this time. Tapos na rin contract ko dun eh.” Sagot nito sa kanya
“So welcome back pala” Masayang bati ni Chloe sa kanya
“Baka naman hiring kayo ngayon?” Pabirong hirit ni Leonard
“Seryoso ka?” Tanong ni Chloe
“Kung meron why not diba, nagaaply pa lang naman ako wala pa ako nahahanap.” Sagot din nito sa kanya
“Sige check ko balitaan kita” Nakangiting sagot ni Chloe sa kanya. Maya maya ay nakabalik na si Spencer. Agad naman ito lumapit kay Chloe. Si Janelle nakabalik na rin naman.
“So saan tayo una?” Tanong ni Spencer sa dalawang babae
“Magshoshopping kami ni Chloe, kayong dalawa sasama kayo o magiibang lakad?” Tanong ni Janelle sa dalawa
“Bawal ba kami sumama?” Tanong ni Leonard sa pinsan
“Hindi naman, pero diba hatest ng mga lalaki ang shopping, baka lang may iba kayong gustong gawin” paliwanag ni Janelle
“I’m okay, sanay na ako” Sagot ni Spencer sabay tingin sa katabi
“I’m good to, shopping is cool” Sagot din ng isa. So they went around the mall entering almost every shop that has dresses and shoes on. They almost spent the whole day when the girls finally wants to call it a day.
“Finally?” May pangaalaska sa boses ni Leonard
“Yes finally couz,” sagot naman ni Janelle sa pinsan
“Dinner anyone?” Yaya ni Spencer
“Libre mo?” Hirit ni Janelle sa kanya
“Sure anytime” Sagot ni Spencer and smiled.
While they are waiting for the orders, Janelle excused Chloe and herself para samahan siya sa washroom. Janelle was retouching while Chloe was washing her hands.
“Kamusta naman ang pangbakod ng mister mo sayo?” Tanong ni Janelle sa kaibigan
“What are you talking about?” Gulat na tanong ni Chloe
“Bulag ka ba o talaga manhid?” Tanong ulit ni Janelle sa kanya. “Ni hindi nga makaporma pinsan ko sayo. Lalapit palang sayo andyan na si Spencer, nakabantay.” Tuloy niya pagkwekwento
“Hndi mo napansin? Nun nagfifit tayo? It was very obvious that Leonard was checking on you, and your dear husband has to call his attention para lang mawala attensyon niya sayo. When we have a lot to carry, nun nagoffer si Leonard na tulungan ka, kinuha niya ang gamit sayo without any permission kahit na ang dami niya ng hawak. Nun…” Itutuloy pa sana ni Janelle ang pagsasalaysay Chloe immediately cut her off
“Your point is..?” Confused na tanong ni Chloe sa kanya
“Ayyy ewan ko sayo Chloe, tara na nga at masama pinaghihintay ang pagkain” Janelle rolled her eyes on her at una ng lumabas sa CR.
Di naman na nagtagal ay umuwi na rin sila. They settled all the things that they bought in the kitchen then went to Spencer’s room. Where they would be staying since his parents were staying on her room. Habang nagaayos si Spencer ng tutulugan niya, Chloe was replaying everything that happened that day.
“Spencer James nagseselos ka pa rin ba kay Leonard?” She carelessly blurted out
Spencer stopped what he was doing for some moments, seemed caught off guard by the question. But quickly recovered from that. “Nope, why should I?” Sagot niya then sat down on the sofa bed that he just fixed.
“Wala naman, Janelle was saying a lot of senseless things earlier. Sabi ko na nga ba eh, siya lang yun pumapansin nun it means nothing” Sagot naman ni Chloe feeling relieved, then kinwento niya yun mga pinansin ni Janelle kanina.
“Parang di mo kilala yun kaibigan mong yun, minsan OA lang din magreact. Bakit naman ako magseseslos diba? May karapatan ba ako? Asawa mo lang naman ako” sagot ni Spencer a hint of sarcasm in his voice
“You sounded annoyed?” Alanganin tanong ni Chloe sa kanya when she felt the sudden change in his mood pagkatapos niya ikwento ang mga sinabi ni Janelle.
“No, just tired. Good night Chloe. Turn off the lights when you are ready to sleep” bilin niya sa kanya bago tuluyan humiga at tinalukbong ang kumot hanggang sa ulo nito.
Kinabukasan ay maaga nagising si Chloe kay Spencer so she decided to go down for a cup of coffee. Nagulat siya ng makita that the coffee machine is already running, then she saw her mother-in-law sitting on the dining table.
“Good morning Ma” She greeted sweetly.
“Good morning iha, maaga ka ata?” Tanong ni Mommy Michelle
“Sanay na po eh, kayo po ba?” Sagot niya naman
“Namahay siguro, sudden change of environment” She replied with a smile
“Spencer is taking you to Tagaytay or Subic?” Tanong ni Chloe kay Mommy Michelle
“No we have plans today, alam niya yun isa yun sa mga agenda namen sa paguwi. Did he mentioned bringing us there?” Nagulat na tanong ni Mommy Michelle
“Ohhh maybe it slipped out of his mind again. Sabihin ko na lang sa kanya pagkagising niya” Sagot naman ni Chloe while sipping her coffee.
“It’s fine. You should go, mukhang planado niya na rin lahat eh, especially today is one special day” Tila masayang paliwanag ni Mommy Michelle
Di agad nakasagot si Chloe. Thinking of what day is today. “Oh no Chloe, hindi mo naman siguro nakalimutan diba??” There was a bit of disappointment on Mommy Michelle’s voice.
“Ma….Siyempre hindi…Paano ko naman makakalimutan…”Chloe trying to sound calm but panicking inside
“Of course, it’s your first year anniversary. You wouldn’t forget about that” There Mommy Michelle reminded her. Halatang halata sa boses nito ang tuwa at kilig para sa kanila.
“Of course Ma” Chloe agreed. “Ma, excuse lang ah may nakalimutan ata ako sa taas” She quickly excused herself before her mother-in-law sense the panic on her.
Habang paakyat ay di makapaniwala si Chloe sa sarili. How could she forget? Yes they know that they are not a normal couple, pero she wants to give herself a mental slap for forgetting. Pagbukas niya ng pinto nagulat siya ng makita na Spencer was already out from his shower, wrapped only in his towel below his waist
“Nakakita ka ata ng multo?” Pangaasar ni Spencer sa kanya
“Nagulat lang ako, you were still sleeping nun bumaba ako then nagkape lang ako at nakaligo ka na’t lahat” Nakuha niya naman agad na makasagot kahit na nagulat siya
He just smiled on her “Get ready, we are leaving in a few” Utos naman nito sa kanya
“Sabi nila mama di raw sila makakasama kasi may lakad sila?” tanong nito sa kanya trying to sound casual
“I know..” Sagot niya rin naman agad. “But we will stick to the plan”
“Okay sige, magreready na ako” sagot ni Chloe sa kanya quickly grabbing her things and went directly to shower.
Nangiti naman si Spencer sa inasta ni Chloe. He was amused to see her in a disorganized state. He might be smiling by himself like a fool, but he didn’t care.