Chapter 4

2762 Words
“TO ALWAYS RESPECT AND PROTECT YOU…” Nagkaroon ng problema sa isa mga boutique shops sa mall nila dahil sa di umano’y may isang VVIP na nagwawala dahil di siya mapagbigyan sa gusto. Tumawag na ng tulong ang mga nakaasign dun dahil hindi na nila alam ang gagawin nila, kaya si Chloe na ang nagpresenta na pumunta. “Hindi niyo ba ako naiintindihan? Reject tong binenta niyo sa akin, may stain ng pintura at may tuklap ang leather nito. Tapos ngayon sinasabi niyong hindi niyo ito mapapalitan?!” Sigaw ng isang babae sa may cashier area ng isang boutique ng mahahaling bag. May kasama rin itong dalawang lalaki na maaring mga bodyguard niya. “Pero ma’am, hindi po talaga sa amin galing yan bag na iyan. Bukod sa wala kami ganyang kulay dito sa branch namen, hindi rin kami nagrerelease ng may damage” Mahinahon paliwanag ng supervisor ng boutique sa kanya “So sinasabi mong nagsisinungaling ako?  Nawala ko lang talaga yun resibo kaya hindi ko maipakita sa inyo!” Tuloy na pagwawala nito “Maam hindi ko po talaga yan mapapalitan” Nakayukong sagot ng supervisor as sign of sorry. “Gusto niyo ba ipasara ko tong boutique niyo? Hindi niyo ata ako nakikilala eh! This is not the way to treat your VVIP” Patuloy nap ag sigaw pa rin nito sa kanya. “Excuse me maam may problema po ba tayo? Ako nga po pala si Chloe, Sales and Marketing Director.” Singit bigla ni Chloe sabay nagpakilala na rin siya. “Bakit di mo itanong sa mga tao mo kung ano ang problema!” Mataray na sagot naman ng babae sa kanya. Kinausap naman ni Chloe ang supervisor ng boutique para malaman kung ano talaga ang nangyari pagkalipas ng ilan minuto ay binalikan niya na ang customer. “Maam, narinig ko na po ang buong kwento, pwede ko po ba makita ang bag?” Mahinahon tanong ni Chloe “Ayan oh, di mo ba nakikita?” Turo ng babae sa bag na nakapatong sa cashier table Pinilit na maging kalmado ni Chloe at tinungo kung saan nakalagay ang bag. Saglit niya itong inexamine bago nagsalita. “Maam, wag mo kayo saan magagalit sa sasabihin ko. Based on what I had observed from the damage of the bag hindi po ito factory defect. With the quite big amount of paint stain I can conclude that this is from a stain of a wet paint. Hindi po kaya may nadaanan kayo o nalapagan na may nagpipintura? And based sa tear po nito ay mukhang sumabit po  ito sa pako.” Explain ni Chloe “So ang sinasabi mo ngayon, nakatira ako sa construction site?!!” Mas lalo pa etong nagalit sa mga sinabi ni Chloe “Maam, wala naman po ako sinasabi ganun. Pero based on this damage, hindi po namen ito mapapalitan, lalo’t pa wala naman kayo proof of purchase at pumirma din po kayo ng proof of inspection pagkabili niyo”  Sagot ni Chloe “So kung manganak ako dito ng proof of purchase na hinihingi mo mapapalitan na yan?” Tuloy na pang-aaway ng babae Pinipigilan na talaga ni Chloe ang saril na hindi patulan ang babaeng to “Maam, hindi po talaga namen ito mapapalitan sorry.” Sagot ni Chloe “Asan ba ang General Manager niyo dito?! o kahit ang Chairman niyo! O kahit sino galing sa itaas! Gusto ko siya makausap mga wala kayong kwenta kausap!” Di pa rin mapigilan ang pagwawala ng babae “Maam I don’t think you have to make a big fuss over this bag. You can always buy a new one since nasira niyo na po siya” Sagot naman ni Chloe unti unti nang dumudulas ang pasensya niya “Do you know how much this bag costs?! Kayang kaya niya bumuhay ng isang pamilya ng isang buwan! Palibhasa a marketing and sales head like you can’t afford to buy such bag” Matapobreng sagot nito sa kanya Nangiti naman si Chloe. “Maam wala naman kayo karapatan ng mangtapak o manlait ng tao dahil kaya niyo bilhin ang bag na to”sagot ni Chloe, kulang na lang ay saguti niya na kayang kaya niya bilhin ang lahat ng bag sa boutique na yun sa kung sino siya. “Bring me to your boss!” Utos nito sa kanya at itinulak pa si Chloe na nakatayo sa harap niya. Sa lakas ng pagtulak nito ay halos matumba na si Chloe buti na lang ay may nakasalo sa kanya. “Ok ka lang?” Tanong ni Spencer habang nakahawak pa sa braso nito She just nodded. “Spencer! Just when I needed you! This girl is insulting me, kung lahat ng tao mo ay katulad niya siguradong mawawalan kayo ng sales dito” Biglang lapit naman ng babae kay Spencer “Amanda, I was standing few meters away when I heard you screaming and creating a scene.  First things first this girl is not the one insulting you, and second kung lahat ng customers namen ay tulad mo mas mabuti pa na wala nalang kami customer”sagot ni Spencer sa kanya na may ngiting pangaasar pa itong kasama “Spencer naman eh!”malanding hirit ng babae. “Nakita mo ba kung ano klaseng quality ng bag ang sinerve nila sa akin? It’s unacceptable!”Reklamo ng babae sa kanya “Amanda, isang tingin ko pa lang dyan alam ko ng the damage is from improper handling. At kahit saan ka pumunta ay walang warranty or replacement na pwedeng gawin if the damage is from the buyer and not from the factory. “ Tuloy na paliwanag ni Spencer “Bakit ba parehas kayo ng sinasabi ng babaeng to! Spencer COO ka dito you can do something!” Pagmamaktol ng babae “Me being the COO can’t help you with that either, so can you just please leave quietly? Before I call security?” Matapang pa rin na sagot ni Spencer “And by the way before I forget, this girl” Habol ni Spencer sabay akbay kay Chloe “Is my wife, and the daughter of one of the major shareholder” Lalo naman nainis ang babae and just stomped out of the store. Tinawag pa ito ni Spencer bago lumabaas. “Yes? Changed your mind?” Nakangiting tanong ni Amanda “Yun bag mo nakalimutan mo ata” Kinuha ni Spencer ang bag at inabot sa kanya “Sayang din yan” bulong pa nito sa kanya which just send the girl even angrier. Maririnig ang mahinang pagtawa ng mga tao sa nakita pero pilit na inayos ang mga reaksyon ng lumingon sa kanila si Spencer. “Okay guys get back to work, show is over” Announce naman ni Spencer. “Chloe let’s go” Yaya niya kay Chloe hinawakan pa ito ang kamay niya at hinila paalis. “Hindi mo na dapat ginawa yun, kahit papaano customer pa rin yun” Biglang sabi ni Chloe kay Spencer pagdating nila sa office niya “Ang alin?” Tanong ni Spencer “Dapat hinayaan mo na lang ako dun. Hindi mo na dapat siya pinahiya pa..” Sagot ni Chloe “Di ko naman siya pinahiya eh, and besides I can’t stand there and let everyone be humiliated by her. Lalo ka na, I can’t stand there na nilalait ka at saktan ka niya” Explain naman ni Spencer at lumapit pa sa kaniya “I’m okay. Pero that’s not the way to treat a customer right” Sagot ni Chloe “Minsan okay lang na mabaluktot ang prinsipyo kung ang tama na ang pinapairal.” Convince ni Spencer sa kanya “And did you realize what you did earlier?” Tanong ni Chloe sa kanya “Alin dun? When I proclaimed in the public that you are my wife? O ikaw ang anak ng isa sa may-ari dito? Bakit totoo naman yun. And it’s really time that they should know.” Derecho naman sagot ni Spencer. Hindi na nakasagott si Chloe. “Chloe, I am receiving all the reports here. Alam ko na ikaw ang laging humaharap sa kanila pag may mga gantong problema. Ikaw ang laging nasasabon o naaway ng mga customers. Give yourself a credit Chloe, you shouldn’t be treated this way” Paalala ni Spencer sa kanya. Ever since Chloe entered the company she is low-profile piling pili lang ang taong nakakakilala kung sino talaga siya. Kahit nun kasal na sila ay pilit pa rin niya keep everything a secret kasi para sa kanya that wy mas mabilis siya makakapagreach out sa mga kasamahan when is just the plain sales and marketing director. “I’m fine..” Maikling pagkumbinse ni Chloe” “If you are fine, I am not. I can’t stand this treatment for you Chloe. Do you understand? Ayaw ko na maririnig na ginagawa mo pa to sa sarili mo ok?” May awtoridad naman na utos ni Spencer sa kanya She just nodded. “Yes boss” sagot nito sa kanya. “IN TIMES OF PLENTY, NEED AND WANT” Birthday ni Spencer at nagpasyahan nila na magcelebrate sa isang beach resort sa Laguna. Pero silang apat lang na magkakaibigan ang pumunta dahil busy naman ang mga magulang ni Spencer. Kasalukuyan silang nakaupo sa paligid ng bonfire. Ang kasama nila ay si Ricky at Janelle. “So Spencer kamusta naman ang araw mo?” Tanong ni Ricky sa kanya “Ayos lang naman, masaya naman. Kahit tayo-tayo lang” Nakangiting sagot ni Spencer sa kanya “Dapat lang noh! haha. Here’s a shot for you!” Abot ni Ricky ng isang shot ng alak sa kanya “Chloe, kamusta naman di ka naman pinapahirapan nitong kaibigan natin? Mahirap ba maging Mrs. Lim?” Pabirong tanong ni Janelle sa kanya “Naku naman Janelle, bakit hindi ako ang tanungin mo nyan?” Biglang singit ni Spencer sa kanya “Hahaha, understood na yun iyo. Dati ka pa naman pinapahirapan ng bestfriend mo eh, sigurado akong walang nagbago dun” Sagot ni Janelle sa kanilaa at nagtawanan naman sila “Pero di nga walang biro, kamusta ang buhay mag-asawa? Mag iisang taon na rin kayo diba? Kamusta? Can you enlighten us?” Tuloy na pangungulit ni Ricky at Janelle sa kanila “Bakit hindi niyo subukan mag-asawa para masagot niyo? Diba mas ok kung maeexperience niyo mismo?’ sagot ni Chloe sa kanila “Experience would be the best answer!” Sagot nito sabay tawa “Alam niyo kayong dalawa ang daya niyo talaga! Forever niyo na lang kami tinatakasan.” Reklamo ni Janelle “Eh kasi naman wala na rin kayo magawa kundi tanungin kami everytime na nagkikita tayo, di ba kayo nagsasawa?” Reklamo din ni Chloe sa kanila “Kasi nga never niyo naman kami sinagot, kung sana sinagot mo na kami kahit isang beses edi tumigil na kami” Katwiran ni Janelle “Eh bakit ba kasi curious na curious kayo? May balak na ba kayo?” Biro ni Spencer sa kanila “Kayo na talaga ang hari at reyna ng segway! Anyway the night is young, let’s play a game” Yaya ni Ricky “Anong game naman yan?” Tanong ni Chloe “Same old game, truth or dare. Same old rules,ang hindi sumunod sa usapan magshoshot, pero just a reminder hard liquor tong andito ngayon” Paalala ni Ricky “So game ba?” “Game!” sabay sabay nilang sagot Sa mga unang ikot ng bote ay maswerte naman si Chloe at Spencer dahil bihira na tumapat sa kanila ang ikot ng bote, pero siyempre di pa rin sila makakatakas. Unang tumapat ang bote kay Chloe. “Ano Chloe, truth or dare?” Tanong ni Janelle “Truth” Matapang na sagot ni Chloe “Aba matapang si lola, sige hindi muna kita papahirapan. How is your night life with Spencer?” Derechong tanong ni Janelle sa kanya “What the Janelle, ano klaseng tanong ba yan!” Nahihiya naman sagot ni Chloe sa kanya “Ano dali ang sagot? Pag ayaw ito ang naghihintay sayo oh?” Pamili ni Janelle sa kanya. Sa kanilang apat si Chloe ang pinakamahina pag dating sa hard liquor kaya she is quite confident na sasagot si Chloe. Pero nagulat siya ng kinuha ni Chloe ang baso at ininom. Napatingin lang si Spencer sa kanya habang iniinom niya ito at natawa siya sa naging reaction nito pagkalunok. “You could have lied” Bulong nito sa kanya “Che!” Taboy ni Chloe sa kanya “Game ako naman, para makaganti na ako” Kuha naman ni Chloe sa bote at pakiot dito. Tuloy lang sila nagtawanan at nagbiruan. Si Chloe panay ang pili ng truth pero panay ayaw naman sagutin ang tanong kaya halos malasing na ito. Si Spencer naman maswerte na bihirang bihira tamaan ng bote pero kung meron man naisasagot niya naman ang tanong mapatotoo o hindi man ang sagot. “Chloe ikaw na naman!!” Tuwang tuwa sabi ni Janelle “Fine, dare na lang ako. Lalasingin niyo lang ako sa truth eh” Hirit naman ni Chloe Tinawanan lang siya ng kabigan “Fine. Kiss Spencer” Dare naman ni Janelle sa kanya Pinandilatan lang naman ni Chloe si Janelle “Sus naman Chloe wag mo sabihin pati yun pass ka? Yun na ata pinakamadali, hindi ba normal lang naman yan sa mag-asawa?” Biglang depensa ni Janelle Sa totoo lang alam niya naman na pinagtritripan lang siya ng mga kaibigan. Paano ba naman sa tagal nila magkasama ni Spencer ay nagugulat pa rin ito sa mga paminsan minsan intimate gestures ni Spencer. Ang paghawak bigla sa beywang nito, sa paghalik sa kanya sa harap ng mga tao, sa pag akbay o kahit sa pagsimpleng hawak ng kamay. Oo magkaibigan sila pero ewan ba niya parang minsan alam di na niya sigurado kung pangkaibigan ang ginagawa nila o pangasawa. “Ano na Chloe? Ito na ba ulit?” Turo ni Janelle sa shot na nakalagay sa tray Hindi na naman nagdalawang isip si Chloe and give Spencer a quick smack. Spencer was caught off guard dahil hindi niya inexpect na gagawin ni Chloe yun. Natawa naman si Ricky sa reaction ni Spencer. “Bro, para kang natuklaw ng ahas dyan ah” Tawang tawang hirit ni Ricky sa kanya, na sinabayan lang ni Spencer ng ngiti. “Game na tapusin na natin last shot na to oh, isang pass na lang tapos na tayo” Putol ni Chloe sa tawanan Inikot nila ang bote at kay Ricky ito natapat, ginawa niya naman ang dare na ipinagawa ni Chloe sa kanya. Sa sunod naman ay kay Spencer naman tumapat ang bote. “Truth nalang” Sagot ni Spencer. Sa iilan beses na tumapat ang bote sa kanya puro dare lang ang ginawa niya. “Sige truth” Komento ni Ricky “What did you feel about the kiss earlier? Yun na ba ang matagal mo nang hinihintay?” makahulugang tanong ni Ricky sa kanya “Hon naman ang labo naman ng tanong na yun, ano ba hinihintay niya?” Pangiintriga ni Janelle “Di malabo yun kay Spencer, ano bro?” tanong ulit ni Ricky sa kaniya “Eto nalang” kuha ni Spencer sa huling shot ng alak sa tray. “O ubos na, pahinga na tayo” Nangiti lang naman si Ricky. “Alalayan mo yan si Chloe, malakas na tama niyan.” Utos naman ni Ricky sa kanya “Che! Kaya ko naman sarili ko” Depensa naman ni Chloe, nakatayo naman siya pero medyo nahihilo na ito sa dami ng nainom. “Mukha ngang kayang kaya mo pa, sige na sakay na” Biro ni Spencer sa kanya, he immediately bent down to give her a piggy ride “Ayaw ko nga, hmp!” Mahinang tulak sa kanya ni Chloe “Ay ang kulit, dali na” Saway ni Spencer at sumunod naman na si Chloe. “Sige bro, see you tomorrow. Happy Birthday!” Bati ni Ricky sa kanya “My birthday had already passed two hours ago” Sagot ni Spencer sa kanya “Oo nga noh, anyway goodluck na lang dyan” Turo niya kay Chloe “Don’t underestimate me” Sagot ni Spencer.  Habang pasan pasan ni Spencer si Chloe sa likod niya ay biglang nagsalita si Chloe. “Happy Birthday Spencer James..” Kumpleto na sana ang lahat,, eto nalang ang natitira  “I WILL GIVE  YOU MY HAND, MY HEART, MY ONLY TRUE LOVE. TILL DEATH DO US PART”,  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD