Dalawang buwan pagkatapos ng kasal nila ay halos nasanay na naman sila. Sabay sila pumapasok at umuwi, sila ang magkasama araw-araw. Nagluluto para sa isa’t isa, tila normal lang nga na “married couple”.Si Chloe ang Marketing and Sales Director ng Mirage Mall at si Spencer naman ang COO.
“THROUGH SICKNESS AND HEALTH…”
“Chloe, aalis kami nila Ricky tonight. Gusto mo sumama?” Tanong ni Spencer sa kanya
“Hindi na, medyo masama pakiramdam ko eh” Sagot naman ni Chloe sa kanya
“Huh? what happened? Ok ka naman kanina diba?” Tanong ni Spencer sa kanya
“Nilalamig ako eh, parang tratrangkasuhin ako. Pasabi nalang kela Ricky na next time na ako sasama” Paliwanag naman ni Chloe
“Sure will let them know, may ginagawa ka pa?” Tanong ni Spencer sa kanya
“Wala naman nagrorounds lang ako dito, nasa 3rd floor na ako. After nito uuwi na siguro muna ako ok lang?” Paalam naman ni Chloe sa kanya
“No problem, ihatid na din kita tapos na rin ako dito sa meeting puntahan kita” Sagot naman ni Spencer
“Hindi na, ok na ako” Pagtanggi ni Chloe.
“Stay put” Ma-awtoridad na sabi ni Spencer bago binaba ang tawag
Ilan minuto pa ay dumating na rin si Spencer sa kinalalagyan ni Chloe. “You don’t look good are you sure kaya mo pa?” Nagaalalang tanong ni Spencer dahil napansin niya ang pamumutla nito. “Ano ba talaga nangyari?”
“Ahh…nun isang araw kasi diba noon coding ako. Biglang bumuhos yun ulan wala ako payong. Tinakbo ko lang papunta sa taxi stand, baka kasi natuyo na lang ako sa aircon ng taxi.” Pag-amin naman ni Chloe
“Bakit kasi di mo ako tinawagan nun? Tsaka noon isang araw pa yun ah, pinabayaan mo noh?” Sermon ni Spencer sa kanya
“May meeting ka kaya noon, may late call ka noon eh. Ah di ko naman inexpect akala ko simpleng sipon lang kaso napunta sa lalamunan at ito na…” Tuloy naman na sagot ni Chloe
“Tara na nga, minsan kasi ang tigas din ng ulo mo” Dismayadong sagot ni Spencer sa kanya
Pagkauwi nila ay dumerech na si Chloe sa kwarto niya at nahiga. Si Spencer ay lumabas muna saglit para bumili ng gamot at mailuluto para sa kanya.
“Bro, pass na muna ako tonight. Masama pakiramdam ni Chloe eh samahan ko na muna” Tawag ni Spencer kay Ricky
“Oh ano nangyari kay Chloe?” Concerened din naman na tanong ni Ricky
“Magkakatrangkaso ata eh... Nothing serious ayaw ko lang iwan siya magisa” Sagot naman ni Spencer
“Nako Spencer, iba na talaga yan ah. Akala ko pa naman may inaanak na ako” Biro ni Ricky sa kanya
“Tigilan mo ako Ricky sa mga banat mo ah. At ano naman normal lang naman na alagaan ko si Chloe” Katwiran ni Spencer
“Wala naman, nagbago ka na nga pare. Nagbago ka na” Makahulugang banat ni Ricky
“Ewan ko sayo,sige na bye” Baba naman ni Spencer sa telepono.
Nagluto siya ng mainit na sabaw para ipakain kay Chloe at makainom na ng gamot. Kumatok siya ng ilan beses bago tuluyan pumasok sa loob ng kwarto.
“Oh Spencer, bakit andito ka? Akala ko may lakad ka?” Tila nagulat na tanong naman ni Chloe na dahan dahan na bumangon
“Hindi naman pwede iwan lang kita dito ng ganyan ka. Ito nagluto ako, kumain ka na para makainom ng gamot at makapagpahinga.” Abot ni Spencer sa kanya
“Nagabala ka pa, kaya ko naman gawin yan. Sige na humabol ka na muna kela Ricky magtatampo yun mga yun” Taboy ni Chloe sa kanya
“They won’t at wag ka na makipagtalo ok?” May diin sa boses ni Spencer.
Inabot ni Chloe ang pagkain at agad din naman naubos, pagkainom niya ng gamot ay humiga na ulit siya.
“Hindi ka na talaga hahabol?” Pahabol pa rin na tanong ni Chloe
“Hindi na nga, matulog ka na nga” Nakangiting sagot ni Spencer sa kanya
Hindi muna umalis si Spencer sa tabi ni Chloe dahil hindi ito mapanatag. Si Chloe pa naman yun tipo ng taong bihira magkasakit pero pag nagkakasakit ay medyo malala.
Nakaidlip si Spencer sa tabi ni Chloe ng maramdaman niya ang panginginig ni Chloe. Hinawakan niya ang nood nito at dun niya nalaman na inaapoy na pala ito ng lagnat. Dali dali siya kumuha ng maligamgam na tubig para ipampunas sa kanya.
“Spencer..ikaw ba yan..? Ang lamiiggg” Putol putol na sabi ni Chloe nang magising siya
“Chloe, are you sure ayaw mo magpadala sa ospital?” Nagaalalang tanong ni Spencer sa kanya
Umiling lang naman si Chloe at niyakap ang kumot sa sarili niya. Si Spencer naman ay walang magawa sa desisyon ni Chloe, itinabi niya ang hawak niyang pamunas at sinamahan si Chloe sa kama. Inihiga niya si Chloe sa braso niya at niyakap para mas mainitan ito.
“Spence...ano ginagawa mo?” Nagulat na tanong ni Chloe
“Giving you additional heat, sige na pahinga ka na” Mahinang sagot ni Spencer sa kanya
“Baka mahawa ka sa akin” Reklamo ni Chloe
“Matulog ka na lang” Natatawa naman sagot ni Spencer
Kinabukasan ay naunang gumising si Spencer, ng hawak niya ang noo ni Chloe ay medyo normal na ito. Dahan dahan siyang bumangon at niligpit ang mga ginamit niyang pamunas at timbang ginamit. Pagbalik niya ay gising na si Chloe.
“Feeling better?” Tanong ni Spencer sa kanya
She just nodded. “Wag ka na muna pumasok ngayon magpahinga ka na muna” Utos naman ni Chloe
“Ha? Ok na kaya ko na. Dami ko pa meetings ngayon..” Pagtanggi naman ni Chloe
“Wag ka na makulit. I’ll talk to your secretary to reschedule all your meetings ” Sagot naman ni Spencer at napabahing ito ng dalawang magkasunod na beses
“Naku,sabi ko sayo mahahawa ka sa akin eh!” Reklamo ni Chloe
“Wala to noh” Sagot ni Spencer habang hinahawakan ang ilong niya. “Ililigo ko lang to, sige na iwan na kita dito papasok pa ako”
Bago lumabas si Spencer ng kwarto ay tinawag niya ito “Thank you nga pala” hirit ni Chloe
“Silly girl” Sagot ni Spencer sa kanya and waved on her. “Andito lang naman ako basta kailangan mo ako” Mahinang sabi ni Spencer pagkalabas ng kwarto.
“THROUGH TIMES OF FAILURE AND TRIUMPH…”
Pagkauwi ni Chloe ay agad niyang hinanap si Spencer. Nabalitaan niya kasi mula sa daddy niya ang nangyari kanina sa board meeting. Alam niya kung gaano pinaghirapan at kagusto ni Spencer makuha iyon.
Nang di niya makita si Spencer sa sala ay umakyat ito dahil iisang lugar na lang naman ang pwede niya puntahan, ang kwarto niya. Kumatok siya ng ilan beses pero walang sumagot pero sigurado siyang nasa loob si Spencer dahil may tumutogtog na malakas na music sa loob. Dahan dahan naman pumasok si Chloe sa loob.
Nakita niya si Spencer nakaupo sa sahig sa dulo ng kama niya. Hawak hawak niya pa nga ang bote ng alak na iniinom niya. Ang laptop niya nakabukas lang at nakapatong sa kama niya. Ang mga gamit at ang mga papeles nakakalat sa buong kwarto. Napabuntung hininga naman si Chloe at lumapit sa kanya.
“Spencer..” Mahinang tawag ni Chloe sa kanya
“Chloe! Andito ka na pala! Welcome home wifey!” Basag na bati ni Spencer sa kanya halatang nakarami na ito ng inom.
“Spencer lasing ka na tama na yan” Saway naman ni Chloe at inagaw ang bote na hawak ni Spencer
“Wag mo nga ako agawan, kung gusto mo uminom marami pa dyan oh” Turo niya sa isang plastic ng alak sa tabi niya sabay inom ulit sa hawak niya
“Hindi naman ako nakikipagagawan sayo, Spencer tama na..” Saway pa rin ni Chloe sa kanya
“Bakit ako titigil? Chloe, alam mo ano sabi nila sa akin? I’m just a useless brat. Na kaya daw ako nasa position ko ngayon ay dahil sa daddy ko at wala naman ako kayang gawin. Na kahit isang simpleng project di ko mapaapprove dahil kulang daw ang execution ko!” Salaysay ni Spencer sa nangyari
“Hindi naman ito ang first time na they didn’t acknowledge my work, once would be fine, second would be acceptable, third would be okay but for the nth time is just too cruel. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa mga board members na yun” Tuloy na reklamo ni Spencer at sabayan pa ng pagdadabog
Hindi na alam ni Chloe ang gagawin dahil naawa siya sa binata. Alam niya na dahil nga ay biglaan nalang nilagay sa posisyon si Spencer hindi ito nagustuhan ng ilang mga board members kaya panay ang kontra sa kanya. But for her, Spencer is deserving for his position right now dahil hindi naman puro hangin ang binubuga nito kundi may kakayanan talaga ito, she knows how good and dedicated he is on his job.
“Spencer hayaan mo na sila mapapagod din sila nakakakontra sayo. Maybe this time is not yet your chance pero darating at darating din yun time na yun. At isa pa, ikaw na mismo nagsabi na hindi ito ang first time na ginawa nila sayo to, kaya alam mong hindi dito natatapos to. Ikaw pa isa pang revised presentation mo siguradong approved na ulit to” Encourage naman ni Chloe sa kanya
“Ayaw ko na! It’s just to hard to please everyone! Ang hirap pakisamahan ng mga taong ayaw ka naman talaga kasama. This s**t is just a piece of crap!” Bato ni Spencer sa folder na naglalaman ng presentation niya
Naiintindihan naman ng dalaga ang pinagdadaanan ni Spencer. Dahil hindi lang naman ito isang simpleng project for approval, hindi ito yun mini-event lang. But this is the project plan for the expansion of their second mall in the country. Hindi ito iyon tipo pang back-to-school sale, valentine’s special, Christmas rush but an expansion. He worked for this for several months and just to be humiliated and trashed in the meeting was indeed cruel for him.
“Hindi man lang nila ako pinakinggan Chloe, they told me I was just too proud of myself!” Tuloy na pag rereklamo ni Spencer.
“Shhhh..Spencer tama na…” Tanging nasagot ni Chloe mas lumapit pa ito sa binata at dahan dahan na niyakap siya. There he cried in her arms like a little kid who lose a basketball game. Pagkalipas ng halos isang oras ay napakalma na rin naman si Spencer nakatulog na rin ito.
Si Chloe ay nagsimula ayusin ang mga nagkalat na bote at kalat sa kwarto niya. Hanggang sa mapunta siya sa pagliligpit ng mga papel na nagkalat sa sahig. Pinulot niya ito, inarrange at dinala sa kwarto niya.
“Let’s see what we can do with this” Kausap niya sa sarili bago lumabas ng kwarto.
Two weeks after that incident…Si Chloe ay nasa office niya habang may inaayos na paper works sa table niya, ng biglang nagulat siya that Spencer came rushing into her office.
“Chloeeeee!!” Tuwang tuwang bati ni Spencer sa kanya
“Oh, napasugod ka ata? Ano meron?” Pasimpleng tanong ni Chloe sa kanya
“One of the board members called me up. And they are asking me for a follow-up presentation.” Inform ni Spencer sa kanya
“Talaga? Congrats!!” Tuwang tuwang sagot ni Chloe sa kanya
“Yeah! Congrats sa atin” Bawi ni Spencer sa akin
“Huh? bakit sa atin?” Patay malisyang tanong ni Chloe
“Don’t deny, I know what you did. Thank you talaga best!!” Yakap ni Spencer sa kanya
Nangiti lang naman si Chloe, atleast what she did had payoff. Kahit na hindi pa talaga ito approved, alam naman nila na this would be a long process, to be given the chance to continue what they had started is already a big thing.
“Ano ka ba, nakalimutan mo ata that we are a team!” Nakangiti parin sabi ni Chloe sa kanya after niya kumawala sa yakap niya. “At dahil dyan ililibre mo ako ng dinner” Hirit bigla ni Chloe
“Yun lang ba? No problem!” Sagot agad ni Spencer sa kanya. “I’ll see you later!” Paalam nito sa kanya bago umalis.
Nakangiti naman bumalik si Chloe sa pwesto niya. “Forever like a kid, magaling ka naman talaga masyado ka lang din talaga child-like minsan, at higit sa lahat walang tiwala sa sarili. Konting push lang kering keri mo na naman yan. Galingan mo best!” Bulong nito sa hangin, ang mensahe niya para sa kanya.