Chapter 20

2134 Words
“In behalf of all the organizers, delegates and participants . We would like to thank everyone who made this event successful…..” Nagsasalita ang representative ng organizers sa stage. Nakatayo lang sila sa bandang likod with a glass of champagne on their hands. “8th time” Bulong ni Leonard kay Chloe “Na ano?” Tanong naman pabalik ni Chloe sa kanila. “I caught Mr. Miguel Dela Cruz looking in our group just for this night” Sagot naman ni Leonard “Kita mo pati si Sir Leonard napansin yun eh!” Pabulong na hirit ni Hannah kay Mariel “Baka naman napatingin lang, wala naman dahilan para tignan niya tayo diba” Sagot naman ni Mariel Chloe moved closer to Spencer na para bang ayaw niya makialam sa pinaguusapan ng mga kasamahan. Spencer just smiled at her at inakbayan siya.  And after few more minutes that organizer finished her so called short speech, they ended it with a toast and everyone started to disperse from the stage. “Washroom lang ako” Paalam ni Chloe kay Spencer “Sama ako” Pabirong hirit ni Spencer sa kanya “MagCR ka din?” Tanong ni Chloe “Nope, samahan lang kita” Biro ni Spencer Naguguluhan naman tingin ni Chloev sa kanya.  “Joke lang, Ms. Captain Obvious” At napalo lang siya ni Chloe sa braso. Paglabas ni Chloe ng cubicle ay may bagong pasok naman sa CR. The girl just gave her a smug smile. “So totoo pala ang tsismis na ikinasal ka na sa ‘bestfriend’ mo” Pagsisimula ni Cathy “Hindi naman yun tsismis” Maikling sagot ni Chloe sa kanya “Ganun mo ba hindi matanggap na hindi ka mahal ni Miguel, that you have to marry of all the people your bestfriend?” Cathy was not being friendly “Or maybe you just can’t stand being left on the altar, just so desperate” Nangiti naman si Chloe “It’s better to be with someone who loves you as who you are, not of what you have” Kontra niya pabalik “At nakakalimutan mo ata we didn’t even have to reach the altar to know your plans” Matapang niya pang dagdag “Kawawa naman si Spencer naging panakip butas” Hindi pa rin sumusuko si Cathy Bumuntong hininga si Chloe “Hindi kayo close don’t call him Spencer. I’m going now. See you around” Paalam ni Chloe sa kanya. Ayaw niya na makipagusap pa sa kanya. Pagkabalik ni Chloe sa loob ay agad niyang nakita si Spencer na napapaligiran ng babae. Kanya kanyang effort para pansinin sila. Natawa nalang si Chloe at nailing. “Bakit lahat nalang ng mga dream boys ko taken na” Hannah in her dreamy state “Kasi nga dream boys mo lang sila, in short hanggang pangarap ka lang” Pang-aasar ni Mariel Naputol ang asaran nila nang may lumapit na di nila inaasahan… “Ms. Chloe, can I have few minutes of your time?” Pormal naman na tanong ni Miguel Natigilan saglit si Chloe pero pumayag na rin siya. Hindi na siya apektado yan ang sinasabi niya sa sarili niya. They went to the mini-garden few meters away from the event hall. “How are you Chloe?” Tanong ni Miguel sa kanya “I’m fine, perfectly fine” Confident na sagot ni Chloe “Sa nangyari dati..”Miguel tried opening up. Di na sila kailanman nagkakoneksyon mula sa paghihiwalay nila. “Miguel, hayaan na natin yun. Tapos na yun.” Sagot ni Chloe sa kanya “But you never gave me the chance to explain” Kontra ni Miguel “Because I don’t want to hear it” Matipid niyang sagot. “But I think you should still hear me out.” Pakiusap ni Miguel “Fine, but not today ok? Some other time” Sagot ni Chloe. Tama na ang mga nangyari sa araw nay un. “Ok, jut give me a call if you’re ready” Sagot ni Miguel.Pabalik na sana sila nang may pahabol pang tanong si Miguel. “Are you really married?” Tanong ni Miguel. “I am, hindi mo alam?” Tanong niya pabalik “I just didn’t expect that you and Spencer..you know kasi diba dati..…and besides I don’t see a ring. That’s why I just wanted to ask..didnt mean to offend” Depensa din naman ni Miguel sa putol putol niyang tanong na tila ba hindi niya alam ang sasabihin Napailing nalang si Chloe at agad agad na bumalik sa pinangalingan. Pagod na siya kaya gusto niya sana yayain si Spencer na bumalik na sa kwarto. Hindi naman siya nahirapan hanapin si Spencer kahit marami ang tao. “Excuse me” bulong ni Chloe sa mga tao habang palapit kay Spencer. “Balik na tayo sa kwarto pagod na ako” Yaya ni Chloe sa kanya Sinilip ni Spencer ang relo niya. “Chloe, it’s just 10pm” Sagot nito sa kanya. “Sige na please?” Lambing pa nito sa kanya. “I give up sige paalam lang ako” Excuse ni Spencer saglit at nagpaalam sa lahat ng mga kakilala at sa mga bagong kakilala. Nakabalik na sila ng kwarto nila at naghanda na sila para magpahinga. Kung ano ang itinapang niya sa mga nangyari kanina ay tila naubos na ang energy niya ngayon gabi. “Miguel talked to me” Pagsisimulang kwento ni Chloe “I know, nakita ko” Sagot naman ni Spencer habang busy pa eto sa laptop niya. Di na naman nagulat si Chloe dun. “He wants to explain” Tuloy na kwento ni Chloe “And let me guess, ayaw mo siya pakinggan.” Dagdag ni Spencer. Sinara niya ang laptop niya at hinarap siya “Should I listen to him?” Tanong niya sa kanya “If you would ask me, yes you should. There could be a bigger picture that we didn’t see or knew.” Sagot ni Spencer “But if you would ask me honestly, natatakot ako na marinig mo yun” Napatingin naman si Chloe sa kanya. Sinusubukan alamin kung ano ang emosyon na tumatakbo sa kanya. Trust? Confusion? Hurt? Doubt? Pumikit si Spence “You can tell me Chloe, forget everything we have in hand now. I’m just your best friend.” Umiling si Chloe “I cannot forget. And I don’t want to do that. I’ve hurt you enough di ko na dadagdagan pa. Basta eto lang tatandaan mo, I will not fail you” Sumandal ito sa balikat niya. “And honestly natatakot din ako kasi paano pag malaman natin na mali pala ako. Na inassume ko lang pala lahat, na ako lang nagconclude na ginamit niya lang ako para sa posisyon at pera. Pero sa pagisip isip ko it doesn’t matter now. Kahit na ano pa man ang rason na yun it’s all in the past at wala na mababago dun.” Dagdag niya pa “Pero on the other hand kahit na alam ko na wala na mababago bakit natatakot pa rin ako marinig ang katotohanan?” Tuloy niya pa na salaysay tahimik lang na nakikinig si Spencer sa tabi niya. “Spencer, do you still trust me?” Tanong ni Chloe sa kanya. Hindi pa nakakasagot si Spencer ay may hinabol na ulit siya “I know we had just started anew tapos nagkakaganito na ako. Naiinis ako sa sarili ko, kung bakit kasi…” Hinila lang siya ni Spencer na mas malapit pa sa kanya at niyakap siya. “Relax, your starting to panic” Bulong niya sa tenga niya “Sabi niya ginawa daw kita panakip butas..and I am desperate” Dagdag niya pa. “You know better, we know better” Spencer assuring her.  “And to answer your question. I do trust you. Basta gusto ko lang maging honest ka sa akin parati. When I say parati it means whether its for the better…..or for the worse..” Halos pabulong na niyang sabi “I promise to be always honest to you.” Yumakap lang si Chloe “And also if you would want my opinion, talk to him whenever you’re ready. It maybe soon or it will take some time but talk to him it would be better”  Bigay ni Spencer sa stand niya. “Akala ko ok na ako kaninang hapon” Medyo natawa naman si Chloe sa sarili. “Well I guess mas masarap magemote ng gabi”  Tinawanan lang siya ni Spencer “Spencer James..” Lambing na tawag ni Chloe “Yes?” Tanong ni Spencer “Hmmm…” Bumangon naman si Chloe mula sa pagkakahiga. “I want my ring back” Umayos din naman ng upo si Spencer. “Your ring?” Nagtatakang tanong ni Spencer. “Yes my wedding ring” Paguulit ni Chloe “No” Tanggi agad ni Spencer “Why?” Tanong ni Chloe “Get it yourself”  Pangaasar ni Spencer Di naman nagdalawang isip si Chloe at sinubukan abutin ang kwintas sa leeg ni Spencer. Pero “Ang daya mo naman eh!” Reklamo ni Chloe at nakipagharutan lang si Spencer sa kanya.  “I like this position” Komento ni Spencer tatayo na sana pero pinigilan siya ni Spencer. “Bakit mo biglang gustong kunin ang singsing mo?” Curious na tanong ni Spencer “I just want to”Simpleng sagot ni Chloe “Liar” Akusa ni Spencer “Bawal ba?” Tanong ni Chloe “Anong kapalit?” Negotiate ni Spencer sa kanya “Kailangan may kapalit? Eh akin naman talga yan” Nakasimangot na sabi ni Chloe “Kiss lang naman ang kapalit, napakasimple” Hirit ni Spencer “Mas simple kung ibibigay mo nalang diba?” Nakangiting hirit din ni Chloe “Nope!” Di siya pumayag Inihiga nalang ni Chloe lalo ang sarili niya sa dibdib ni Spencer “Ginawa mo na akong kama ah” Biro ni Spencer “You don’t want to let me go” Sagot ni Chloe “Kiss me first” Hirit ni Spencer Di niya eto pinansin at di din gumalaw sa posisyon niya “Chloe” Tawag ni Spencer sa kanya. Wala pa din. “Chloe” Tawag ulit ni Spencer sa kanya. Natatawa na naman si Spencer on her reaction. Still very shy for affection. “I’m okay with this anyway, goodnight Chloe” Biro ni Spencer at niyakap siya na para siyang unan. “Hey!” Eto na ang pagkakataon na nakuha ni Spencer para mahalikan si Chloe. “Why do you need your ring?” Tanong niya ulit kahit alam niya naman ang dahilan “You know the ring means a lot more than what you think it is. Hindi siya isang trophy or anting anting just to get you out of your sticky situations. And it bears more responsibility that I know you are not yet ready for” Kinindatan siya ni Spencer at binitwan na siya “You know me too much” Reklamo ni Chloe dahil basang basa siya ni Spencer “Of course Babe nakalimutan mo ata kung gaano na tayo katagal magkakilala” Tanging nasagot ni Spencer “So does that mean I have to earn back my ring?” Tanong ni Chloe “Not really, its not yet time. Hindi dahil hinahanap ng mga tao sa atin dapat isuot na natin. Remember why we had to remove it at the first place”  Paalala ni Spencer “Taking things one at a time” Chloe stated and Spencer just nodded. “Tulog na tayo?” Yaya ni Chloe “Binitin mo na naman ako” Kunwaring reklamo ni Spencer “If you only gave me back my ring earlier edi sana you could have used that as an excuse” Biro ni Chloe sa kanya “Oo nga noh! Wait eto na!” Akmang tatangalin na ni Spencer ang suot niyang kwintas. And Chloe just laughed out loud. “Too late bro!” “Sayang naman!” Kunwaring panghihinayang niya pa. “Spencer super thank you talaga” Yakap ulit nito sa kanya. “Anything for you babe, and don’t forget you still owe me a date” Paalala ni Spencer sa kanya “Oo naman,anytime anywhere” Masiglang sagot ni Chloe “Sige tulog na tayo we still have a long drive tomorrow” Tukoy niya sa byahe nila pabalik ng Maynila. “Good night babe” Bati ni Chloe sa kanya. Spencer gave him one last kiss on the forehead and whispered to her “I love you babe” “I love you too”  Sagot niya na siya lang sa sarili ang nakarinig. Pero malaki tiwala niya sa sarili niya malapit niya na rin naman eto masabi ng derecho.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD