Nagising si Chloe at agad na tinignan ang relo niya. Tanghali na ng nagising sila di na sila nakaattend ng morning session. Tsaka lang nagsisink-in sa kanya ang nangyari kaninag umaga. Bakit ganun ang tagal na pero apektado pa rin siya. Naputol siya sa pagiisip ng makita niya si Spencer na papasok galing veranda hawak hawak ang cellphone niya sa kamay.
“Sorry nakatulog pala talaga ako” Agad niya naman sabi dito at dahan dahan na rin bumangon.
“Ok lang, kakakausap ko lang din kay Leonard at Clark. Nagawan naman daw nila ng alibi kung bakit wala ang mag-asawa sa venue” Spencer trying to make her smile.
Nangiti naman si Chloe dun. “Nakapagpresent na rin ang representative natin this year. Ang Wilton Mall, pero sabi ni Clark mas maganda pa rin daw presentation natin last year” He tried to keep the conversation going.
“Spencer...” Tawag ni Chloe sa kanya pero biglang may nagdoorbell.
“That’s most likely our lunch, wait lang ah” Paalam muna nito sa kanya para buksan at kunin ang pinaroom service niya na pagkain.
“Kain na tayo?” Alok ni Spencer at abot sa kanya ng kutsara’t tinidor. Hindi na naman tumanggi si Chloe dahil nagugutom na siya, well blame it to her distracted breakfast.
Natapos na sila kumain at naitabi na rin nila ang mga pinagkainan. Chloe was about to open up again pero agad na naman siya inunahan. “2pm ang resume ng afternoon activities, aattend na ba tayo?” Tanong ni Spencer sa kanya.
She nodded. “Kaya mo na ba?” There is a little hint of sarcasm in his tone, hinting something else. At nakuha naman agad ni Chloe yun. “Chloe, I’m all ears right now”
“Sorry…Spencer…” Agad naman na pasimula ni Chloe
Napabuntong hininga naman si Spencer “It’s fine”
“No its not…You don’t sound fine and I don’t blame you for feeling that…” Explain naman ni Chloe
“Nagulat ka lang yun lang yun.. And I don’t blame you, naiintindihan kita” Sagot ni Spencer
“So alam mo na talaga?” Tanong ni Chloe, mukhang alam na niya ang patutunguhan ng paguusap
“Na si Miguel Antonio Dela Cruz ang General Manager ng Wilton Mall?” Hindi na naman nagdalawang isip si Spencer na sabihin ito at napatango nalang siya.
“Sabi ko naman kanina familiar siya eh pero since di ko na rin naman siya natignan ng matagal di ko agad nafigure out. That was my lapse in my side. Sorry kung pinipilit pa kita kanina” Si Spencer naman ang nagsorry
“No you shouldn’t be sorry, I should be the one..” Mahinang sabi ni Chloe
“Because?” Kahit naman na apektado siya she wants to hear her side.
“Kasi hindi na dapat ako maapektuhan pag nakita ko siya. Na hindi dapat ganun ang naging reaction ko. Lalo na sa harap mo” Guilty na sabi ni Chloe “Hindi ako naniniwala na its fine” Pahabol pa niya
“Sige aaminin ko, I was affected. Hmm a little affected or maybe a bit more than a little. And yes maybe I’m not perfectly fine but I’ll be fine” Sinusubukan niya eto icomfort pero alam niyang di eto sapat.
“Stop doing that..” Mahinang bulong ni Chloe
“Stop doing what?” Nagtatakang tanong ni Spencer
“Stop saying things that as if it’s your fault where in fact ako naman talaga ang mali dito.” Paliwag ni CHloe
“Chloe, ayaw ko pagawayan natin to. So please just give yourself some time to think over things. I don’t think you are talking any sense right now. Wag ka na muna umattend this afternoon, ako na lang muna siguro.” Paalam ni Spencer sa kanya at tumayo para magayos at magbihis.
Palabas na si Spencer nang nakita niyang bumangon si Chloe. “Sorry na…Wag mo ako iwan dito…Sama ako” Pigil ni Chloe sa kanya. Nangiti naman si Spencer. “Babe, hindi ako galit sayo. I just want you to think things over. Hindi rin kita iiwan dito aalis lang ako saglit para mas makapagisip ka….mag-isa” Sabi naman ni Spencer sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya na para bang batang kinukumbinse.
“I’ll see you tonight?” Tila di pa siguradong tanong ni Chloe
“Of course, maliban na lang if you’ll kick me out of the room” Biro ni Spencer. Sumimangot naman si Chloe. “Sige na Chloe malalate na ako, see you later ok?” Wala na naman magawa si Chloe kundi tumango.
Maybe he is right kailangan niya ng oras para magisip. Bago siya lumabas ng kwarto ay yumakap eto sa kanya at bumulong; “Whatever happens remember that I’m always here to hear you out” Hinalikan niya ang noo ni Chloe bago siya tuluyan lumabas.
Kinuha agad ni Chloe ang cellphone niya at agad na tinawag si Janelle Hindi na naman siya nahiya para ikwento ang nangyari nun umaga at eto lang ang nakuha niyang reaction mula sa kaibigan.
“Kung hindi ba naman sira ang tuktok mo at iniyakan mo ang past mo sa harap ng present mo. Talagang magtatampo yun sayo.”
“Thank you ah” Sarcastic na sagot ni Chloe sa kanya. “At hindi ko naman iniyakan si Miguel noh, naiyak lang ako kasi naguilty ako na naapektuhan pa rin ako sa presence niya.”
“Ganun na rin yun noh! Bakit ka nga ba apektado?” Panguusisa ni Janelle sa kanya
“Well I just didn’t expect that after all these years magkikita ulit kami. Alam naman natin pareho na ever since that day we hadn’t talk or had any kind of interaction” Explain naman ni Chloe
“Hindi pa kayo nagkikita nyan ah, paano pag magkita na kayo nyan?” Curios na tanong ni Janelle “Baka naman katulad yan ng mga usong palabas ngayon na nagkita kayo ni ex then narealize mo na siya pa rin pala talaga. At iiwan mo si present. Girl pag yan ang ginawa mo kalimutan mo na kaibigan mo ako”
“Janelle, I don’t think I have that kind of feelings toward Miguel anymore. Hindi ko tatanggapin si Spencer kung if I still do care for Miguel that way. That would be just cheating.” Explain ni Chloe
“Then?” Hintay ni Janelle sa kadugtong.
“I clearly know where I stand right now. Medyo na alog lang siguro ako ng konti. Pero swear to God I’m not having any second thoughts” Depensa naman ni Chloe
“So ano pa ginagawa mo dyan? Chloe, Spencer had been always there for you. Simula pa lang alam ni Spencer ang pinagdaanan mo. He was there when your world collapsed and he was also there when you slowly recovered. Seeing you earlier with that reaction, would you not think it’s too cruel?” Mahinahon naman na paalala ni Janelle sa kanya.
“I know…”Medyo pabulong na sabi ni Chloe “Kaya nga I was so disappointed with myself on how I handle things…”
“And I guess by now you should think how to turn back the table. You don’t want your relationship to roll down back to zero where in fact you had just started very fresh!” Paalala ulit ni Janelle “Chloe, this would be the first and last time I’m telling you this. Spencer had already gave you a lot as in a LOT. He was patient from the very start kahit na napakamanhid mo at lahat. Alam kong kakasimula niyo lang, wala pa nga ata kayo isang linggo officially, please don’t hurt him this way.”
“OA mo naman! Walang ganun na mangyayari noh.” Mabilis na depensa ni Chloe
“Sus nakita mo lang nga si Miguel your world came crumbling down na nga eh. Paano pa kaya kung makausap mo na siya at lahat” May konting pangaakusa sa tono ng kaibigan
“Walang mangyayari” Chloe insisted
“Then prove it” Hamon ni Janelle sa kanya. Nagusap pa sila saglit bago nila ibinaba ang tawag.
“Leonard! Kamusta dyan?” Si Leonard naman ang tinawagan niya para makakuha ng balita/
“Eto kakatapos lang namen. Ikaw feeling better? I heard you had bad stomach” Tanong ni Leonard
“Hmmm…yes..” Agad niya rin naman sagot
“Gaano ba kalala yan at worried na worried si bossing sayo? You should have seen him halos wala siya sa sarili maghapon” Dagdag pa ni Leonard
“I’m all good, nakuha naman ng gamot” Pagsisinungaling niya. “In fact I could join you tonight, bonfire party right?” Tanong ni Chloe
“Yup! At casual lang ang dress code. Nagsawa na ata sila sa formal attire” Natatawang sabi ni Leonard
“Ang weird lang pag nakaformal ka sa dresscode” Sagot naman ni Chloe sa kanya
“Maybe, so anyway I’ll see you tonight?” Tanong ni Leonard sa kanya
“See you” Sagot nito sa kanya.
It was almost 6 pm ng bumalik si Spencer sa kwarto nila. Kakalabas lang ni Chloe sa banyo from her quick shower. Nakabihis na siya in her sleeveless pink floral dress which rest few inches above her knee.
“Hi, nakabalik ka na pala” Medyo may konting awkwardness sa kwarto
“Yup! Buti nalang” Sagot ni Spencer. Agad din naman lumapit si Chloe sa kama para kunin ang damit at inabot kaySpenceri.
“Bihis ka na tapos sabay na tayo bumaba” Sabi niya pagkaabot niya nito sa kanya.
“Sasama ka na?” Tanong niya at tumango lang siya. “Wait magbihis lang ako.”
Nagaayos ng buhok si Chloe ng lumabas si Spencer sa banyo. Tumabi naman ito sa kanya. “Nakainom ka” Agad naman na napansin ni Chloe ito.
“Naamoy mo pa rin? Nagtoothbrush na ako at naligo ng pabango ah!” Depensa naman agad ni Spencer
“Sana nilabhan mo na rin ang pinagbihisan mo” Turo ni Chloe sa hawak niya
“Konti lang naman.” Sagot ni Spencer sa kanya. He smiled but not his usual smile. “Natatakot lang ako” Pag-amin niya naman.
Tinigil naman ni Chloe ang pagsusuklay at hinarap si Spencer. “I’m really really sorry for letting you feel this way. But I promise you have nothing to worry about.” Pagaasure ni Chloe sa kanya hinawakan niya ang kamay nito at laking gaan ng loob niya ng humigpit ang pagkahawak nito
“Hindi na mauulit yun. Nagulat lang talaga ako first time kasi namen nagkita after all these years” Pageexplain ni Chloe
“Hindi pa kayo nagkikita…” Pagcocorrect ni Spencer. “And I know and understand that you didn’t have that closure yet so I think I can’t blame you to feel that way.”
“Basta I promise you there’s nothing to worry about. I’m over him a long time ago. Kaya nga eto na ang hawak ko ngayon diba?” Tinaas ni Chloe ang kamay nila mahigpit na magkahawak
“At binobola mo na ako” Nakangiting hirit ni Spencer sa kanya.
“Hindi noh, basta sorry sa lahat and thank you din sa lahat” Sabi naman ni Chloe sa kanya.
“Tama na ang sorry please? And of course anything for you” Sagot ni Spencer at humalik sa pisngi niya.
“Galit ka pa ata eh” Nakasimangot na sabi ni Chloe
“Ha? Hindi naman ako galit mula kanina ah” Nagulat naman na tanong ni Spencer
“Eh kasi….” Hindi naman maituloy ni Chloe ang sasabihin niya. “kasi?” Tanong ni Spencer. “bakitdunlang” Pabulong naman nitong sagot.
Natawa naman si Spencer at nagpanggap na hindi nagets ito. “Anong dun lang? Saan ba dapat?” Lokong tanong nito sa kanya.
“Tara na nga” Tumayo naman si Chloe hinila naman siya ni Spencer pabalik sa kama at mabilis na humalik sa labi
“Contented?” Lokong tanong ni Spencer sa kanya
“Hmp!” Snob naman ni Chloe sa kanya. Tumayo na rin naman si Spencer para sundan siya.
Bago lumabas ng elevator ay pinigilan ni Spencer si Chloe tinignan lang siya ni Chloe na para bang nagtatanong kung bakit “He’s with her girlfriend s***h fiancée” Inform nito sa kanya.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Chloe. “So what I’m with my boyfriend s***h husband” Nakangiting sagot ni Chloe sa kanya.
They walked hand in hand papunta sa venue by this time marami na ang tao dun. “Chlooooeeeeeeeee!!” Tawag sa kaniya ng mga kasamahan niya.
“Kamusta na tyan mo??” Tanong ni Mariel
“Ha? Ah ok na naman “ Nilingon niya pa si Spencer bago sumagot
“Mabuti naman! Namiss mo ang lahat ng event and action this morning and afternoon!!” Balita sa kanya ni Hannah
“Talagang may action?” Tanong ni Chloe
“Maniwala ka dyan kay Hannah, naglaway lang naman siya sa Miguel Dela Cruz na yun” Bitter na sabi ni Clark
“Inggit ka lang!” Saway ni Hannah sa kanya. “Aaahhhh and speaking of the angel nakatingin siya ditoooo!” Kinikilig na sabi ni Hannah
“Here comes the action” Pabulong na sabi ni Mariel
“Huh? Anong action?” Tanong ni Chloe
Naramdaman naman ni Chloe na humigpit ang pagkahawak ni Spencer sa kamay niya. Dahan dahan niya etong hinaplos at nginitia siya.
Kusa naman lumapit si Miguel sa kanila. “Hi Chloe, long time no see. Didn’t expect to see you here” Agad na sabi ni Miguel pagkalapit niya.
“Same to you too Mr. Dela Cruz” Sumagot din naman si Chloe
“Hooon! Andito ka lang pala…”Narinig nilang tawag ng isang babae kay Miguel. Natigilan sa pagsasalita ang babae ng makita si Chloe. “Hi Ms. Cathy, long time no see too” Bati ni Chloe sa kanya.
“Hello!” Maikling bati nito sa kanya “Let’s go!” bago hilain si Miguel palayo.
Nagkatinginan lang silang lahat hanggang may bumasag sa katahimikan “Okay so care to explain what had just happened?”Biglang singit ni Clark.
“Nothing, kain na tayo” Sagot naman ni Spencer sa kanila.
“Are you okay?” Bulong ni Spencer kay Chloe nang makalayo sa kanila
“More than okay” Chloe assured him. “But I’m starving kain na tayo” Hila ni Chloe sa kanya papunta sa buffet table.