Chapter 18

2192 Words
Kalahating oras bago magsimula ang event ay lumabas na silang dalawa ng kwarto. Sila na ang huling dumating sa grupo. “Leo, looking good tayo ah”Biro ni Chloe kay Leonard na nakaupo sa isang lounge sa meeting place nila Ngumiti lang  ito sa kanya “My first time representing this company for something, better give it my best shot” Sagot nito sa kanya. “Ma’am Chloe, ang dami dami po pala talaga tao dito noh?” Tanong ng representative ng HR department na si Hannah Chloe nodded as a form an answer “All over Southeast Asia kasi tong summit na to. So marami rami talaga”   “Ma’am Chloe! Darating din daw dito ang namamahala sa Wilton Mall” Singit pa ng isa nilang kasama. Si Clark. Wilton mall ang bagong bukas na mall na pinakamalakas nilang kalaban ngayon. “At balita ko bukod sa magaling ito mamahala, gwapo din daw at higit sa lahat single daw” Kinikilig pa na dagdag ng isa.Si Mariel, na agad naman sinaway ni Hannah. Natawa naman si Chloe at nailing nalang. “Chloe, interesado ka ata?” Biro ni Leonard sa kanya. “Uy Sir Leonard wag kang ganyan! May Sir Spencer na yan si Ma’am Chloe. Diba ma’am?” Agad na singit ni Hannah “Kahit na noh, malay natin diba? Kung totoo man yun wala naman tayo pagasa sa kanya masyado siyang bigtime kay Ma’am Chloe lang siya” Explain ni Mariel still in her dreamy state. “Sinong may pag-asa kay Chloe?” Biglang singit ng isang boses mula sa likod “Ay Sir ikaw na pala yan!” Nahiya naman bigla si Mariel “If ako sayo bro, bakuran mo na lang si Chloe” Natatawang sabi ni Leonard, tumayo at tinapik si Spencer sa balikat “Tara na start na ng registration” Tinaasan lang ng kilay ni Spencer si Chloe as if asking her what was that all about. “Hayaan mo na yun mga yun tara na?” Tanong ni Chloe na nagpipigil din ng tawa. Possessive kung possessive. “Teka lang, ano nga yun?” Hila naman pabalik ni Spencer sa kanya “Wala nga po, kalaokohan lang ni Mariel yun.” Sagot ni Chloe “I still want to know” Parang batang himutok ni Spencer “Kilala mo ang management ng Wilton mall?” Chloe asked him Umiling si Spencer “Masyado sila secretive. We were trying to get some information pero masyadong low profile ang mga tao nila to the point it is not yet known who are the people behind them. Why ask?” Tanong ni Spencer “Siya ang sinasabi nila na may pag-asa daw sa akin” Biro ni Chloe sa kanya. Alam niya hangga’t di niya sasabihin ang totoo di siya titigilan nito. “Pero hep bago ka pa magreact, alam naman natin imposible yun diba? Malay ba natin kahit na sabihin nilang gwapo at single ito, matanda na ito.” Agad niyang habol ng makita ang nagiging reaction ni Spencer. “So pag hindi siya matanda may pag-asa nga talaga?” Tanong ni Spencer Natawa naman si Chloe “Alam mo ikaw…, napakaseloso mo talaga” Kurot ni Chloe sa ilong ni Spencer. “Joke lang yun, tara na” Hila ni Chloe sa kanya pero hindi pa rin ito kumikilos. “Lagot talaga yun mga yun sa akin mamaya” Bulong ni Chloe sa sarili “Tara na please?” Lambing ni Chloe “Sige na nga” Kunwari pang napilitan ito pero di naman mapigilan ang ngiti.  Mabilis na lumipas ang maghapon. Marami ang nagbigay ng kanyang kanyang presentation. Nauna ang Singapore, then sumunod ang Malaysia at Thailand. Bukas pa ang nakaasign sa Philippines pero this year di na sila Chloe ang assigned para sa presentation nagawa na nila last year yun kaya wala naman kailangan pagkabusyhan ang grupo nila. Natapos ang itinerary nila that afternoon with an announcement na magkakaroon ng cocktail dinner party. “Sa wakas natapos rin, information overload” Reklamo ni Clark na nakahawak pa sa ulo nito “Sus, information overload. Stress ka lang kasi di mo pa rin nakuha yun 2048 tile sa loob ng 5 oras” Asar ni Hannah sa kanya “Shut up” Sagot ni Clark sa kanya at nagtawanan lang sila. Nilingon ni Chloe si Spencer na may kausap na naman kung hindi siya nagkakamali representative ng Singapore. “Mukhang di dumating ang Wilton mall ah, tatatlo na lang nga tayo tsss.Turn off na ako sa kanya” Tila disappointed na sabi ni Mariel Tinawanan naman siya ni Hannah “Don’t judge, malay mo may inasikaso lang. Sila ata ang representative ng Pinas sa presentation bukas diba?” Tanong ni Hannah sa mga kasama. “Sa pagkakaalam ko ah, pag di sila sumipot nakakahiya ah…”Dagdag pa ni Mariel “Ay naku, kayo tama na nga ang tsismisan niyo dyan” Saway ni Leonard sa kanila. “Sige na nga, tara na nga at maghanda na tayo para sa party party mamaya!” Excited naman na sabi ni Mariel “Mabuti pa nga at yan na ang gawin niyo” Dagdag ni Clark “Sige na mauna na kayo, pero reminder ko lang guys ah. Behave lang tayo mamayang gabi ah” Paalala ni Chloe sa kanila “Yes madam!” Sabay sabay nilang sagot bago umalis. Si Chloe naman napagdesisyunan na lapitan sila Spencer agad naman siya napansin ni Spencer. “Oh and who’s this beautiful lady standing behind you?” Tanong ng kausap ni Spencer “Mr. Yeo, let me introduce her to you. This is Ms. Chloe, daughter of our major stockholder, my partner in handling this business, and if I may add my wife” Sweet na sweet na pakilala ni Spencer kay Chloe. “Well I didn’t know you already had settled down, the last time I talked with your father he even said that his son is I quote “Very single and ready to mingle” “ Tumatawa naman si Mr. Yeo habang sinasabi niya ito “Then that maybe years ago Sir” Sakay lang naman ni Spencer sa kanya “I guess it is, you are very fortunate to have a girl with beauty and brains. Treasure each other okay? And that would make Mirage mall even more successful than it already is” Para bang tatay na bilin nito sa kanya. “Aye sir!” Masayang sagot naman ni Spencer “If you two could excuse me, I think I have to take my leave. Nice meeting you Ms. Chloe, and see you around” Paalam ng matanda at umalis na. “So I guess that is our cue, pwede na rin tayo umalis” Anunsyo ni Spencer and took hold of her hand. The cocktail party ended just right before midnight so they were all knocked out upon entering their room. Kaya ganun na lang ang hirap ni Chloe para gisingin si Spencer kinabukasan. “Spencer, bangon ka na malalate na tayo for breakfast pag di ka pa bumangon” gising ni Chloe kay Spencer “Hindi ka ba inaantok?” Mahina nitong tanong sa kanya. “Kailangan na natin bumangon” Her responsible side kicking in. Kahit na siya mismo ay parang ayaw din kumilos. “Ikaw na lang breakfast ko ok na ako” Hirit nalang ni Spencer “Uy lasing ka pa ba? Sabi ko naman sayo hinay hinay ka lang sa wine kagabi eh. Ayan tuloy ano anoa no pinagsasabi mo” Saway ni Chloe “Alam mo paano nagising si sleeping beauty?” He asked but eyes still closed “Bakit si Sleeping Beauty ka ba?” Tanong ni Chloe “Teka lang hanap lang ako ng prince charming mo sa labas” Natatawang sabi ni Chloe “Ang bad mo hahanapan mo ako ng prince charming?? Seryoso ka ba dun? Papayag ka nun?” Dumilat na si Spencer at dahan dahan na bumangon at sumimangot. “Wag ka na kasi ganyan, lalo ako tinatamad sayo eh.” Sagot ni Chloe “Tama ba ang rinig ko tinatamad ka rin?” Parang nagulat pa si Spencer ng marinig ito kay Chloe. “Iba lang talaga pakiramdam ko today, parang may mali eh” Explain naman ni Chloe “Alam ko paraan para mawala yan” Pabirong hirit ni Spencer sa kanya. Agad din naman nakuha ni Chloe ang gusto niya at mabilis na humalik.“Good morning! Una na ako sa banyo ah wag ka na matulog ah” Agad agad naman kumilos si Chloe bago pa magsalita si Spencer. “Ikaw babe ah! Wala pa nga ako sinasabi eh!” Kunwari reklamo niya pero ang laki nama ng ngiti, kaya bumangon at kinuha ang dyaryo sa tabi niya at nagbasa para iwasan makatulog. Pagkababa nila sa breakfast buffet madami na ang tao dito. They greeted everyone who had passed them by hanggang makarating sila sa table nila. “Ma’am Chloe dumating na sila!” Excited na sabi ni Mariel sa kanila “Sino?”Nagtatakang tanong ni Chloe. “Yun Wilton Mall! At totoo nga ang tsismis!” Excited pa rin si Mariel. Napailing nalang si Clark at si Leonard “Correction Sis, di buong tsimis ay totoo, mukhang hindi siya single.” Singit ni Hannah “May kasama lang babae di na pwede agad single?” Taas kilay na tanong ni Mariel “Iba ang may kasama sa nakapulupot ang babae” Hannah answered rolling her eyes “Asan sila?” Si Spencer naman ang sumingit sa tsimisan ng dalawa. Of course hindi siya interesado sa tsismis, interesado siya kung sino ang General Manager or CEO nito dahil nga tulad ng sabi niya napakalow profile nila. “Just two tables across us, the group with 4 women and 2 men” Turo ni Leonard sa kanila. Sabay naman nilingon ni Chloe at Spencer ang tinuro ni Leonard. Pero nakatalikod ito sa kanila but that was already enough information for them or for her to know who were they. “Well they look familiar to me” Tanging nacomment ni Spencer. “Talaga Sir Spencer? Kilala niyo po siya?” Tanong ni Mariel “I’m not sure…” Tila nagiisip na sagot ni Spencer “Tara Spencer kuha na tayo ng pagkain natin” Yaya ni Chloe kay Spencer, hindi niya na hinintay ang sagot nito at hinila niya na ito. Pagkatapos nila kumuha ng pagkain ay agad din naman sila bumalik sa lamesa to join their team. Habang kumakain ay nasamid si Chloe sa kinakain niya. Agad agad naman inabot ni Spencer ang juice sa tabi niya at pinainom ito sa kanya. “Ok ka lang?”Tanong ni Spencer sa kanya while rubbing her back. Tumango ka si Chloe. “Waaaahh….kinilig ako dun ah. Share sila!”Walang isip isip na side comment ni Hannah. Nagkatinginan lang silang dalawa pero wala ng sinabi. “Dahan dahan lang kasi” Bulong ni Spencer kay Chloe. Bumalik sila sa kwarto nila dahil sabi ni Chloe gusto niya daw magCR muna. Ayaw naman magpaiwan ni Spencer kaya sumama siya. Pagkatapos ni Chloe sa banyo ay si Spencer naman ang gumamit, samantala si Chloe naman ay lumabas sa veranda sa kwarto nila. “Ang lalim ata ng iniisip mo ah, care to share?” Di na naman kailangan pang hulaan kung sino ang nagsalita. Umiling naman si Chloe. “Tara na?”Yaya ni Chloe and turned to face him. “Wait lang, what’s the problem?”Di mapigilan tanong ni Spencer. “Kanina pa kita napansin habang kumakain you seemed so off” Dagdag niya pa. “Wala lang medyo kulang pa ata tulog ko kaya wala lang ako sa mood” Sinubukan naman ni Chloe kung makalusot “Pero ok ka naman nun bumaba tayo ah?” Tanong ulit ni Spencer “Wala talaga to, just a little bit sleepy” Pilit niyang ngiti “Edi matulog na lang tayo dito wag na tayo umattend” Suggest ni Spencer. “Ano ka ba hindi pwede yun!” Tanggi naman agad ni Chloe “So tell me ano nga ang problema mo?” Tuloy pa rin na tanong ni Spencer meaning he was not contented with her answer earlier. “Sige tulog na lang nga tayo” Sagot ni Chloe sa kanya at pumasok sa kwarto. Naguluhan naman si Spencer dito kanina lang para she said na hindi pwede na di sila umattend pero ngayon bigla bigla na lang na ayaw niya na umattend. “Ha? Wait are you serious?” Tanong ni Spencer “Ako oo, pero if ayaw mo ok lang naman na umattend ka I’ll be fine here alone”Sagot ni Chloe sa kanya. “Pwede ba naman iwan kita dito mag-isa, I know that something is bothering you.” Tumabi naman si Spencer kay Chloe “Ok lang ako, wala lang talaga sa mood”  Kumbinse niya kay Spencer at humiga sa kama. Tinabihan siya ni Spencer sa kama at niyakap niya ito “Please tell me what’s bothering you?” At sa tanong na ito di niya napigilan mapaluha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD