bc

Project Revenge: Seducing the Three Mafia Lords

book_age18+
97
FOLLOW
1K
READ
revenge
drama
twisted
heavy
genius
ambitious
multi-character
realistic earth
crime
intersex
like
intro-logo
Blurb

Hi Im Chaise Adeline Rosche aka Erin Sarmiento, bago ko nga pala ikuwento ang storya gusto ko muna murahin ang author ko, bakit napaka masalimuot ng ginawa niyang kuwento sakin. Naiingit ako sa story ng Diyosang si Zuleika Brightheart at ang Fuckboy na si Franz Razzo Thompson ng Fuckboy's Desire: My Girlfriend is a Freak Doll. Sana itinambal mo na lang ako kay Razzo crush na crush ko pa naman ang lalaking yun. But anyway kung bakit ko nasabing masalimuot ang story ko basahin niyo na lang.

Bakit nga ba kailangan kong gantihan ang tatlong lalaki sa storya na ito?

Bakit ako nagtatago sa pangalan Erin Sarmiento?

Sa gitna ng kaguluhan bakit inisip nilang oportunista ako at pinagbibintangan akong babae ni Chairman Aurelius?

Tara ating alamin kung ano naganap sa kuwento.

Ps: Pakiganti na lang ako sa author nitong story ko. Paki sapok kapag nakita ninyo. I hope magustuhan ninyo ang storya ng buhay ko.

Authors note: Hi readers im sorry kung medyo slow update. Tinatapos ko na po kasi 'Fuckboy Desire:My Girlfriend is a Freak Doll' at ineedit ko din ang mga errors because inaapply ko po ko siya sa PTR program. Once na natapos ko na ang Fuckboy Desire: My Girlfriend is a Freak Doll guaranteed makakapag update na po palagi sa Forgotten Halo.

chap-preview
Free preview
Episode 1 Ang Pagbabalatkayo
Nagpahatid ako ng taxi sa San Agustin Church. Inihahanda ko sa sarili ko sa paghihiganti ko sa mga taong umapi at pumatay sa pamilya ko. Hinding hindi ko sila mapapatawad kahit kailan. Tumulo ang mga luha ko nang buksan ko ang pitaka ko para tingan ang wallet size picture ng buong pamilya ko. Hawak ko ang litrato ng pamilya namin na kinunan pa ng isang apo ng sikat photographer ng liwayway Magazine. Magbabayad kayong lahat mga Montefalco, iisa isahin ko kayong sisingilin ng mahal at kung hindi kayo makakapagbayad lahat sakin  dadalhin ko kayo lahat sa impiyerno. Doon nababagay ang mga katulad ninyong mga hayop at masasamang tao. Dali-dali kong pinunasan ang lumang picture nang mapatakan ng luha ko. Ingat na ingat ko sa litrato na ito dahil ito na lamang ang natira mula sa nasunog naming mansyon sa Zambales. Dahil sa luha ko mabubura pa ang pakupas ng litrato ng pamilya namin. "Ineng didiretso pa ba tayo sa pupuntahan mo, Napansin kong umiiyak ka na kasi?" tanong ni Mamang driver sakin. "Opo tuloy niyo lang po ang pamamaneho ninyo." utos ko. "Nag-aalala lang kasi ako napakabata mo pa para  mabuntis tapos heto mukhang susugurin mo ang lalaking ama ng dinadala mo, Tama ba ko." sabi ni manong driver. "Huwag po ninyo ako alalahanin ang intindihin niyo kailangan makarating po tayo takdang oras bago mag umpisa ang dadaluhan kong kasal." giit ko habang hinihimas ko ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit naging open ako sa ibang tao tungkol sa nararamdaman ko. Dat-dati ay tahimik lang ako at walang sinasabihan ng problema at dinadalang pasanin sa buhay. Kung iba ay susungitan na nila si Mamang driver pero heto ako at kinakausap ko pa siya. "Naku nag-aalala ako sa iyo Ineng baka mapaanak ka ng wala sa oras." wika ni Mamang driver. "Kaya ko ho ang sarili ko basta paliparin niyo na itong taxi." mariin kong utos. Hindi maaring maikasal ang panganay sa magkakapatid na Montefalco ito ang una kong paghihiganti ko sa kanila. Maraming salamat kay Ginoong A sa pagtulong sakin para makaganti kay Josh Harian Montefalco. Nabahala ako dahil biglang nangati ang nakalagay na maskara sa mukha ko. nabasa din ito ng dinaluyan ng luha ko. Sinunod ako ng Mamang driver at mabilis niyang pinatakbo ang taxi. Pagkahinto ng taxi sa simbahan ay hindi ko hinintay pa ang sukli ko. Mabilis akong nagtatakbo papasok ng simbahan. Hindi naman ako hinarangan ng mga wedding coordinator ng makita nilang buntis ako. May isang lamang akong taong napansin, halata sa mukha niya ang pagtataka. Sino nga ba naman ang hindi mapapaisip ng isang buntis napaka bilis tumakbo. Sumugod ako sa aisle ng simbahan kung saan nakaharap na si Josh Harian Montefalco. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya noong una ko siyang makita 10 years ago. Malugod silang tinanggap ng aming pamilya noong nag stay ang mga Montefalco ng ilang araw sa mansyon.  Inakala ng mga magulang kong mabubuti silang tao yun pala ay aagawin lang nila ang kabuhayan namin at ang hacienda. Nakipag business deal ang magulang ko sa kanila sa pag export ng mga  dried mangoes at iba pa na aming pananim. Isa din sa magkakapatid na Montefalco ang nanghalay sa kapatid ko kaya hanggang ngayon ay nagdurusa ang kapatid kong si Ate Lorraine dahil siya'y nabaliw. Hindi ko lubusan matukoy kung sino sa tatlong magkakapatid na Montefalco ang nanghalay sa kapatid ko. Nakatalikod kasi ang lalaking may bitbit sa walang malay kong kapatid. Lumabas sila ng kuwarto nang lumalaki na ang apoy na kumakain sa malaking mansyon namin. Humahapdi na ang mata ko dahil sa maitim na usok. Napuno na kasi ng usok ang buong kisame ng mansyon namin.  "Anak Chaise iligtas mo ang sarili mo." sigaw ni Papa. Hinanap ko ang boses ni Papa pero sa tindi at itim ng usok ay hindi ko siya makita. "Anak humingi ka ng tulong!" sigaw ni Mama. "Papa! Mama nasaan kayo!" Sigaw ko.  "Anak nandito kami sa ikatlong palapag!" sigaw ni Papa.  Naisip kong kunin ang sapin sa maliit na lamesa namin para ipang takip sa ilong ko. Nalalanghap ko na kasi ang usok at pakiramdam koy ilang minuto pa ay mapupuno na ng usok ang baga ko.  "Papa iligtas niyo ang sarili niyo, tumalon na kayo!" sigaw ko.  Malabo nang magawa pang tumalon ng aking magulang mula sa thirf floor dahil nasusunog na din ang mga ilang kagamita sa sala gaya ng mga sofa, cabinet maski ang malaki at makapal naming carpet ay natutupok na ng apoy. "Anak wala na kaming pag-asa makalabas pa ng buhay dito. Makinig ka sa amin...."  Hindi pa naman tapos magsalita si Papa at tinutulan ko na ang sinabi niya.  "No Papa iligtas niyo po ang sarili niyo." May isa pang sofa ang hindi pa nakakapitan ng apoy. Naisip kong itulak yun para doon lumundag sila Papa at Mama at makaligtas. Sa sobrang bigat ay hindi ko magawang maitulak man  lang ang sofa. "Anak! Huli na ang lahat para sa amin kaya makinig kang mabuti." "Papa!" nag umpisa na kong mapangiwi habang kagat ko ang aking labi. Tumutulo na ang mga luha ko saking mga mata. Sa tana ng buhay ko ay hindi ko inakalang magaganap sakin ang pangyayaring ito. Kahit sino ay mapapahagulgol na maririnig nagbibigay ng huling habilin ang iyong mga magulang. "Miss anong ginagawa niyo sa gitna ng aisle." sita sakin ng isang bodyguard ng mga Montefalco. Ang pagsitang iyon ang dahilan para magbalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Hindi ko kasi namalayan na nagbalik tanaw na naman ako sa nakaraan. "Sino ang babaeng yan at ano ang ginagawa niya dito?" dinig kong sabi ng isang bisita sa kasal. Nagumpisang umugong ang mga bulong bulungan ng magkakatabi sa loob ng simbahan. Walang ka-alam alam ang mga ikakasal at mga ninong ninang at mga abay sa pagsulpot ko. Tatangkain akong hawakan ng isa pang bodyguard kaya dito na ko gumawa ng eksena. "Bitawan niyo nga ako! Itigil ang kasal!" Umalingawngaw sa buong simbahan ang boses ko. Awtomatikong napalingon lahat ang mga nasa harapan upang akoy tingnan. Inayos ng pari ang ang kanyang salamin sa mata para masusi akong pagmasdan. Minsan pa ay inulit ko ang pagsabi ng itigil ang kasal. Lalong umingay ang mga bulong bulungan ng magkakatabi. Kapwa nakasimangot sakin ang bride and groom. Lumapit pa ko ng kunti sa altar sabay himas ng aking malaking tiyan. "Anong ibig sabihin nito Josh!" nanggagalaiti sa galit ang bride. "Who are you intruder!" baling sakin ni Josh. "Wait Belinda, I dont know her. Ngayon ko nga lang nakita ang babaeng yan kaya mali ang iniisip mo." singhal ni Josh. "Kung hindi mo kilala ang babaeng yan, bakit siya naparito para pigilan ang kasal natin. Bakit mo binuntis ang babaeng yan!" giit ng Bride. Nakita ko sa mukha ng bride na diskumpiyado siya sakin kaya dapat kong ibuhos ang acting prowess ko para mapaniwala ang lahat. "Ang sama mo Josh, sinamantala mo ang kahinaan ko. Dahil ba napakabata ko pa at iniisip mong hindi ako makakapaghabol sayo. Masdan niyo ko lahat 16 years old pa lang ako pero sinira na ng hayop na yan ang buhay ko." sigaw ko. Muli akong tinitigan ng bride at pagkatapos nun ay sinampal niya ng malakas si Josh. "Siraulo ka Josh nangako ka sakin na hindi mo ko lolokohin pero heto, Anong ginawa mo nanira ka pa ng buhay ng menor de edad. Mabuti na lamang at hindi natuloy ang kasal natin." sabi ng Bride. "No, Belinda huwag kang umatras sa kasal natin, maniwala ka sakin hindi ko talaga kilala ang babaeng yan." Dinig ng lahat ang paliwanag ni Josh. Habang ako naman ay nakakarinig ng masasamang salita patungkol sakin. Kesyo ang bata bata ko pa ay malandi daw ako, maninira ng pamilya at kung anu-ano pa. Sa isip-isip ko naman ang lakas ng loob ninyo na husgahan ako samantalang hindi niyo alam ang katotohanan. Ang taong nasa harapan niyo ay isang demonyong nag anyong tao. "Please Belinda, You know how much I love you at hindi ko magagawa ang pinaparatang sakin ng babaeng yan." Habang sinasabi iyon ni Josh ay pilit niyang hinahawakan ang kamay ng kanyang pakakasalan. "Bitiwan mo ko Josh nandidiri ako sayo, nagkamali ako nang piliin kita. Minahal kita pero kalimutan na natin ang lahat. Hinding hindi ako magpapakasal sa taong manglolokong gaya mo." saad ng Bride. "Ikaw babae ka! Anong karapatan mo para sirain ang kasal ko! Sinong hudas ang nag utos sayo para gawin ito." galit na sigawni Josh. Naku hindi! naisip na niya na isang pakana lamang ang lahat ng ito. Kailangan may gawin pa ko. Kailangan ko pang magdrama ng husto. "Ang kapal talaga ng mukha mo Josh, ikaw na nga ang nanira ng buhay at matapos mo kong buntisin kung anu-ano pa ang sinasabi mo riyan." sumbat ko kay Josh para lalo siyang pag mukhaing masama sa lahat. "Ikaw maatim mo pa ba na magpakasal sa lalaking yan. Pakakasalan ka lang niya para takasan ng resposibildad sa magiging anak namin." baling ko sa bride. Sa wakas heto na bumaba na ang bride sa altar. Tensiyonado na ang lahat , masama na ang mukha ng bawat kampo ng Bride at Pamilya Montefalco. Nakita ko na din sa wakas ang dalawa pang Montefalco na abay sa kasal ng panganay nila. Mukha silang mga anghel sa sobrang kagwapuhan ngunit mga demonyo naman ang kanilang kalooban. Sila ang mga pinapangarap ng mga babae sa Golden City. Nagkalat ang mga mukha nila sa mga magazine, sila ang tinaguriang Hottest Bachelor Billionaires. Sa likod ng katanyagan nilang tatlo sila ang mga 'Mafia Lords' ng Montefalco Mafia. Sinalubong ng mga magulang ang bride ngunit hindi ito nagpatigil at nagtatakbo palabas ng simbahan. "Guard huwag ninyong palalabasin ang babaeng iyan sagot ni Josh." Naku po kailangan ko na din tumakbo palabas ng simbahan. Nasira ko na ang kasal ng panganay na magkakapatid na Montefalco kaya kailangan ko ng sumibat. Paatras pa lang ako ay humarang na agad ang mga bodyguards ng mga Montefalco. "Sige kapag may nangyari sa baby ko idedemanda ko kayo!" sigaw ko. Napaatras ang mga bodyguard kaya sinamantala ko na ang pagkakataon, tumakbo na ko nang mabilis. "Mga inutil habulin niyo yun babae bakit ninyo hinayaan lang makalabas." sigaw ni Josh. Kumakaripas ako ng takbo sa gilid ng kalsada. Kailangan kong makatakas kung hindi mabubuko ako at kapag mabuko ay mawawala ang saysay ang lahat. Mababalewala ang paghihiganti ko kay Josh at pangalawa mananagot ako kay Ginoong A. Lumingon ako nakita kong hinahabol pa rin ako ng mga bodyguard ng Montefalco. Kailangan kong makatawid sa kabilang kalye upang makapunta sa park kung saan magkikita kami ni Ginoong A. Patuloy pa kong tumatakbo sa wakas malapit ko nang marating ang park. Ang kaso nahintakutan ako nang may mga ilang din mga lalaking nakaabang sa park, katulad din ng suot nila ang mga uniporme ng bodyguards ng mga Montefalco. Sa dulo nakita kong may lalaking kumakaway sakin. Siya yun assistant ni Ginoong A na nakausap ko sa misyong ito. Nakahinga na ko ng maluwag nang makita siya. Hindi ko inaasahan ang mga sumusunod na pangyayari. Nagsipaglabasan pa sa park ang ilang pang mga bodyguard na kasama ng mga nakaabang na lalaki . Hinarangan nila ang bodygaurds na humahabol sakin. Ipinagpatuloy ko na lang pagtakbo wala na kong pakialam kung magsagupa sila basta kailangan magkita kami ni Ginoong A. Nakita kong pumasok sa eight door black limousine car ang assistant ni Ginoong A kaya pumasok na rin ako sa loob ng kotse. "Kamuntikan ka na." tinig ng isang matandang lalaki na ipinagpalagay kong siya si Ginoong A. Haharapin ko sana siya para sagutin kaso pinaalalahanan ako ng assistant na huwag lilingon katulad nang mag usap kami para magdeal sa misyong ito. "Akin na ang pamalit kong damit." sambit ko. Pagkaabot ko ng bag ay kinuha ko sa loob ang damit. "Dito na lang ako magbibihis ah, mahirap na baka masalubong ko pa sila maski mga bisita sigurado kong namukhaan nila ako. Sure na po yun na napigil na natin ang kasalan." saad ko. Una kong tinanggal ang wig ko, sumunod ang strap ng fake na tiyan ko para magmukha akong buntis. Wala na kong pake kung makita ako ni Ginoong A na nakabra at panty na lamang ako. Huli kong hinubad ang suot kong maskara na parang totoong balat talaga ng tao. Inabot sakin ang perang bayad sa serbisyo ko habang nagbibihis ako. Sumunod ay naglagay ako ng lipstick at blush on. "Hindi ko na bibilangin ito sampung libong piso itong hawak ko. At saka nga pala, Hindi niyo sinabi sakin na hindi pala maaring mabasa ang maskara nangati ang mukha ko ng mabasa ang maskara." "Salamat sa serbisyo mo." tanging tugon ng assistant ni Ginoong A. "Tuwing ikatatlong buwan ako nagpapalit ng numero ng phone ko alam niyo na iwas timbog. Itetext ko na lang sa inyo bago kong numero kung may ipapagawa pa kayo sakin." Pagkatapos kong maiayos ang sarili ko ay itinipon ko ang mga pinaghubaran ko. "Iwan ko na lang itong maskara sa tingin ko hindi na puwede gamitin ulit yan." "So okay na po, kita kits na lang sa susunod na transaction natin." Lalabas na sana ako ng kotse ngunit pinigilan ako ng assistant ni Ginoong A. Hindi ko aakalain kakausapin niya ko. Makalipas ang labing limang minuto ng aming pag-uusap ay lumabas na ko ng kotse. Kumawau ako sa kanila dahil alam kong pinagmamasdan pa nila ako. Isinuot ko na ang shades ko para matakpan ang pagkakakilanlan ko. Nauna na akong lumakad at hindi ko na hinintay na umalis ang limousine ni Ginoong A. Naglalakad ako sa kalye na payapa at walang pangambang nararamdaman. Nadaanan ko pa ang mga bodyguards ng mga Montefalco na naghahanap sakin. Mga bobo ako yun hinahanap ninyo sa isip-isip ko. Wala silang kamalay- malay na tinatakasan ko na sila. Nginitian ko pa ang isang bodyguard na medyo pasado na sa panlasa ko. Matipuno, guwapo kaso may balbas. Ayaw ko sa lahat ng may balbas kahit na ubod pa ng guwapo katulad ng mga magkakapatid na mga Montefalco na mga demonyo, ganoon ang naiisip ko sa mga lalaking may balbas. Umpisa pa lang ito ng paghihiganti ko sa mga magkakapatid. Ako nga pala si Chaise Adeline Rosche samahan niyo ko pasukin ang Golden City na hawak ng magkakapatid na Montefalco. Sabay-sabay natin pagmasdan ang pagbagsak ng mga Montefalco.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ex-wife

read
232.7K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
81.6K
bc

The Mafia Lord: James Esteban [COMPLETED] Tagalog

read
177.0K
bc

Hate You But I love You

read
63.6K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook