Episode 2 Ang Nakalipas (Part 1)

2590 Words
15 years ago... Dalawang taong gulang pa lang ako noon nang mag-migrate ang pamilya ko dito sa Pinas. Kami ng aking pamilya ay may lahing German. Nagmula ang aming angkan sa mga Royal Blood sa Germany. Hindi totoo ang nailathala sa kasaysayan ng buong mundo at ng Germany na walang naging hari at reyna noong unang panahon sa Germany. Sa katunayan ang apelyedo naming Rosche ay hango sa salitang Roche na ibig sabihin ay mabatong burol sa pranses kung saan unang nanirahan ang Hari sa Germany. Nagustuhan ng aking mga magulang na tumira dito sa Pinas nang bumili sila ng lupain sa Zambales. Isang napakalawak na ektaryang lupain ang sagana sa mga puno at taniman. Kasabay ng aking paglaki nang lumago ang kabuhayan ng aming pamilya hanggang sa maging hacienda ang aming lupain. Siyam na taong gulang ako nang makasalamuha ko ang mga Montefalco. Naglalaro ako sa garden kasama ang kaibigan kong si Ana, anak ng Yaya ko at kasambahay namin dito sa mansion. Masaya kaming naghahabulan ni Ana. Bitbit naming dalawa ang panghuli ng paruparo na may mahabang hawakan at net sa dulo. Kami ni Ana ay parehas nasa edad na siyam na taong gulang. Sa dami ng mga ibat ibang klase ng bulaklak sa garden ay hindi nawawalan ng mga paruparo dito sa garden. Ganito kami ni Ana araw-araw wala kaming tigil sa kakahuli ng mga paru-paro. Isang araw napatigil na lamang ako sa paghabol sa paru-paro ng may mamataan akong dalawang lalaki na nagmamasid sa mansyon. Sa tingin ko ay magkapatid ang dalawang naturang mga lalaki at nasa edad na labing pitong gulang pataas. Paglibot ng aking paningin nakita ko si Ate Elaine na kausap. Inabutan ng bulaklak ang Ate ko ng isang lalaking kamukha ng dalawang mga lalaki. "Chaise, Ana, halina muna kayo magmeryenda muna kayo." Sigaw ng yaya ko na naroon sa gazebo. Dali-dali kaming lumapit ni Ana sa gazebo para makakain ng meryenda. Paglapit namin nagtaka ako kung bakit napakami ng mga sandwiches at baso na may timplang orange juice ang nasa tray. "Nanay Selma bakit ang dami ninyong hinandang  meryenda." Nagtatakang tanong ni Ana. "Para din kasi ang mga yan sa mga bisita natin, Nakikita niyo ba ang apat na magkakapatid na yun sila ang mga Montefalco." Turan ni Yaya Selma. "Eh ano po ginagawa nila dito?" tanong  ko habang nilalantakan ang paborito kong tuna sandwich. "Magkasosyo kasi ang mga magulang mo at ang mga Montefalco kaya sila naririto. Dinig ko mag stay sila dito ng ilang araw sa mansyon." Kuwento ni Yaya Ana. "Ahhhh." Mahabang reaksiyon ko sa sinabi ni Yaya Selma. "Saglit lang ha tatawagin ko na si Ate Elaine mo at ang mga bisita." Habang kumakain kami ni Ana. Masusi kong pinagmamasdan ang paparating na si Ate kasama ang tatlong lalaki. "Boyfriend ata ni Ate Elaine yun isa sa kanila."sabi ni Ana. "Ano yun boyfriend?" Kunot noo kong sabi. "Ano, kaibigang lalaki." Simpleng sagot ni Ana "Ahhh, kapag babaeng kaibigan  Girlfriend Tmtama?" Pabalik na tanong ko kay Ana. "Oo." Sagot ni Ana. "Eh ano naman yun bestfriend?" Isang pang hirit kong tanong. "Edi matalik na kaibigan." Sagot muli ni Ana. Walang dahilan pero nagtatawanan kami sa usapan namin. "Ang guguwapo nila!" Sambit ni Ana. Wala naman akong paki sa sinabi ni Ana dahil wala ako interest sa ibang tao. Ang gusto ko lang gawin nun ay usyusuhin ang mga bagay na nakakapukaw sakin ng interest. Kaya nagkahilig ako sa pagbabasa ng libro sa library ni Papa. Naunang naupo sa upuan si Ate Elaine at ang lalaking dikit ng dikit sa kanya. Sinimangutan ko ito nang mapadako ang tingin niya sakin. Ganun din ang lalaking sa tingin ko'y sa pangalawa sa magkakapatid sinimangutan ko rin siya pero ginantihan niya ko ng ngiti. Yun pinakamaliit sa kanila na sa tingin koy katulad ko rin ng bunso ay abala sa pakikinig niya sa walkman. Pakumpas kumpas pa ito ng ulo habang kumakain. "Bakit hindi pa lumalapit yun isa ninyong kapatid?" Wala sa isip kong natanong ko nang mapansin kong nakaupo ito sa swing na nakakabit sa puno. "Hayaan mo siya hindi namin siya kapatid." Sagot ng bunso sakin hindi ko akalaing narinig niya sinabi ko. Nang magumpisa na silang kumain, gaya ng kagawian umaalis si Ana kapag magkakasama na kami ng aming pamilya. Gaya ngayon na kasama ko si Ate Elaine at mga bisita ay sumunod siya kay Yaya Selma. Maingay ang dalawang magkapatid na naguusap. Ganoon din si Ate Elaine at ang panganay sa mga Montefalco. Naguguluhan ako sa kanila kaya ang ginawa ko kumuha ako ng sandwich at isang baso ng juice para ibigay dun sa binatilyong nagmumukmok mag isa. Paglapit ko ay namasdan kong parang tulala ito nakatanaw sa malayo. "Kumain ka nito." Mariing utos ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang entrada ko sa kanya. Marahil siguro dahil sa pagiging bunso ko at mayaman ang aming pamilya kaya ganoon ako umasta. "Dali nabibigatan na ko." Nilingon ako ng binatliyo dahil inapura ko na siyang kunin ang mga hawak ko. Natulala ako sa hindi ko malaman na dahilan nang makita ko ang maamong mukha ng binatilyo. Kulay brown ang kanyang buhok  pati ang kulay ng kanyang mga mata. Matangos ang ilong at makapal ang mga kilay maputla ang labi nitong manipis. Payat ang binatilyong na nakalingon sakin. "Bitawan mo na." Aniya. Nang tingnan ko ang mga hawak ko nakahawak na rin pala siya para kunin ang sandwich at baso. "Ibinibigay mo sakin ito di ba kaya bitawan mo na." Sabi niya. Binatawan ko naman din agad ang sandwich at baso ng juice. Maingat niyang inilapag ang baso sa katabing swing pagkatapos ay sinimula niyang kainin ang sandwich. Tinapunan niya ko ng tingin habang abala ako sa pagkakatitig sa binatilyo. Sumilay ang kanyang ngiti matapos nguyain ang sandwich. "Thank you ha masarap itong sandwich." Wala akong reaksyon sa sinabi niya dahil abala ako sa panunuod sa kanya na kumakain. Hinagod ko ng tingin ang binatilyo mula ulo hanggang paa. May isang bagay ang napansin ko. Hindi nga niya kapatid ang tatlong kasa kasama ni Ate Elaine naiiba ang itsura niya sa kanila. maamo ang mukha niya samantalang yun tatlo mukhang di ko nais na makita sila araw araw dito sa mansyon. "Bakit mo ko tinititigan? At saka bakit namumula yun mukha mo ngayon kanina na lumapit ka hindi naman. May gusto ka sakin nuh." "Ano!" Napataas ang boses ko dahil sa mga sinasabi ng binatilyo. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mariing kong sabi. "Di nga kaya mo ko nilapitan dahil gusto mo ko makausap nuh. Ang bata-bata mo pa marunong ka nang magka crush." "Wala ako maintindihan sa sinasabi mo!" Pero sa mga oras na ito bigla na lamang nakadama ako ng kaba at bumibilis ang pintig sa dibdib ko. Hindi ko mawari bakit ganoon ang nadarama ko. Sa murang edad ko bago sakin ang bagay na ito. Hindi ko maunawaan kung nangyayari sakin at nararamdaman ko. Kaya bigla na lamang akong tumakbo para layuan ang binatilyong yun. Naiinis na ako ngayon sa kanya. Kanina mukha siyang malungkot nang lapitan ko pero nagbago nang makausap niya ko. Pumasok ako sa mansyon para akong may tinatakasan na kung anu. Sinubukan kong hanapin si Ana pero ayon sa napagtanungan kong maid sumama pala sa bukid para sunduin ang tatay niya kasama si Yaya Selma. Nalaman ko pang maghahanda ng maraming pagkain ang mga kasambahay dahil dito maghahapunan ang mga bisita. Pagpunta ko naman sa pintuan nang library nabangga ko ang isang matabang matanda na papalabas ng silid. "Naku sorry iha, nasaktan ka ba?" Tanong ng matandang nabanggaan ko. "Hindi naman po." Maikling sagot ko. "Nariyan po sa loob sila Mama at Papa?" Biglang tanong ko nang maalala ko ang pakay ko na hanapin si Mama. "Yes nariyan sila sa loob pero hindi sila maaring istorbohin kasi marami silang pinaguusapan."aniya. Totoo ang sinasabi niya dahil naririnig ko sa loob ng library na naguusap sila Mama, Papa at kung sino pang nasa loob. "Sige po." Akma sana akong aalis nang tawagin ako ng matanda. "Para sayo munting binibini." Wika niya sabay abot ng tsokolate mula sa kanyang bulsa sa dibdib. "Wow salamat po." Saad ko nang tanggapin ko ang bigay niyang tsokolate. "Sige kainin mo na yan at maglaro ka na lang, Paalam." Mabait ang matanda yun ang unang pumasok sa isip ko. Hinatid ko nang tingin ang matandang bumaba ng malaking hagdanan ng aming mansyon. Kumaway pa siya sakin bago lumabas sa  malaking pinto. Kitang kita ko na pinagbuksan siya ng pinto ng mahabang sasakyan na mga tauhan niya. Pumasok ako sa loob ng aking kuwarto para kainina ng tsokolate na ibinigay ng matanda sakin. Hindi siya mawala sa isip ko pati na rin ang binatilyo. Maari sigurong lolo ng tatlong binatilyo ang matanda pero yun nag iisang binatilyo bakit ampon nila siya. Lumipas pa ang mga ilang araw nanatili pa rin samin ang mga Montefalco. Sama sama kaming kumakain sa mahabang hagdan. Guwapo din ang Ama ng tatlong binatilyo tulad ng Papa ko. Patuloy pa rin sila sa pag uusap tungkol sa negosyo na umaandar na pag export ng mga dried mangoes na produkto ng aming hacienda, nalaman ko din na uumpisahan nila ang minahan ng ginto sa Mountain Province. Wala naman nabago habang naririto ang mga Montefalco maliban lang sa napapadalas na pag alis ni Papa at Ama ng mga binatilyo. Napapansin kong madalas akong tingnan ng pangalawa ng bunso at binatilyong ampon ng mga Montefalco. Isang araw sumali sa paglalaro namin ng tagu taguan ang pangalawa at bunso sa magkakapatid na Montefalco. Aniya nagsasawa na daw sila sa kakasakay sa kabayo at wala nang mapaglibingan dito sa hacienda. Ang pangalawa sa magkakapatid ang nagboluntaryong taya na nagngangalang Peter Freian. Si Kieron Leian na bunso ay isinama ako sa likod ng imbakan ng mga palay para dun magtago. Nagulat na lamang ako habang nagtatago kami ni Kieron ay bigla na lang kinuwelyuhan ng binatilyong ampon ang bunso sa magkakapatid na Montefalco. "Anong problema mo ampon!" Tanong ni Kieron sa binatilyo. Imbis na sagutin siya ng binatilyo ay sinuntok siya sa pisngi. Dahil doon ay bumulagta siya sa lupa. "Manyak ka! kabata bata pa lang niya ninanakawan mo na ng halik!" Sigaw ng binatilyong ampon. Nagimbal ako sa narinig kong sinabi ng binatilyong ampon. Maari ngang totoo ang sinasabi niya kasi naramdaman kong inilapit ng Kieron na yun ang mukha niya sa pisngi ko. Hindi ko kasi nakita ang gagawin niya sakin dahil nakatingin ako  sa malaking puno kung saan naroon ang taya na si Peter. Nagsuntukan ang dalawa dahil hindi  pumayag si Kieron na basta na lamang siyang sinuntok ng binatilyong ampon. Mas malakas ang binatilyong ampon dahil naibalandra niya si Kieron sa dingding ng imbakan ng palay. Puro murahan na naririnig ko sa kanila at palitan ng suntok ang nangyayari sa dalawang lalaki. Sumigaw ako ng tulong para awatin ang dalawa. Unang rumesponde sakin ay ang pangalawa sa magkakapatid. Sa halip na awatin ng dalawa ay pinagtulungan pa nila ang binatilyong ampon. Bugbog sarado ang binatilyong ampon hindi ko sila magawang awatin dahil ano nga ba mag magagawa ng isang batang katulad ko. Mabuti na lamang ay may mga trabahador na nakakita samin kaya tuluyan napaghiwalay at naawat ang dalawa. Nang mga oras na iyon ay nagbalik na ang matandang nasalubong ko sa library. Nakaharap kaming lahat sa kanila. Isa isa niyang pinagalitan ang magkakapatid maliban sa binatilyong ampon. "Kieron humingi ka ng tawad kay Chaise at Wade!" Parang nagngangalit na kulog ang boses ng matanda. Hindi ko akalain na nakakatakot pala ang matanda kung magalit. Taliwas noong una ko siyang makita na sa sobrang bait ay aakalain mong puwede mag-ala santa claus sa mall. "Lolo!" Pasigaw na tutol ni Kieron. "At talagang sasagarin mo ko sa galit! Gusto mong malaman pa ito ng Papa mo, hindi mo ba alam na kapag ginusto kong ipadala ka sa Amerika wala siyang magagawa." Babala ng matanda lolo pala nila. "Ito na po, sorry Chaise hindi ko naman sinasadya gawin yun. Ang cute mo kasi sobra kaya naisipan kong ikiss wala naman malisya yun. Natuwa lang ako sayo." "Abay nagdadahilan ka pa kahit kanino hindi mo maaaring gawin yun." Akmang susuntukin sana niya si Kieron pero nakapag pigil. Nakitang niyang takot na takot ang kanyang apo at nakaharang ang mga braso nito sa suntok niya. "Kay Wade magsorry ka din!" Galit na utos ng matanda. "Sorry Wade sorry kung ginantihan kita." Si Kieron na bagamat nanghihingi ng tawad ay matalim pa rin ang tingin sa binatilyong ampon. "Tandaan ninyo lahat ng ito hindi maaaring masira ang magandang ugnayang ng mga pamilya natin. Maganda na ang tinatakbo ng mga negosyo minamanage ng mga magulang ninyo. Uli uli ay wala nang magaganap na pangyayaring ganito maliwanag ba!" "Opo." Sagot naming lahat. "At kayong magkakapatid ituring ninyo kapatid si Wade ako ang nag ampon sa kanya kaya apo ko na din siya." Sumimangot si Peter at Kieron sa sinabi ng lolo nila. Marahil ay hindi nila nais na mapabilang sa kanila binatilyong ampon. Pinakahuli ay binantaan ng matanda na may kung ano pang gulong gagawin ang magkakapatid ay tiyak na maparurusahan sila. "Umalis na kayo maliban kanila Elaine Chaise at Wade." Ipinagtaka ko naman kung bakit pinaiwan kaming tatlo para kausapin. Bubulong bulong naman si Kieron na kasama ang dalawang kapatid na pumasok sa kuwarto. "Maari bang makiusap ako sa inyong magkapatid na huwag niyo nang iparating sa mga magulang ninyo ang nangyari. Ako na ang humihingi ng dispensa sa nangyari at pinapangako kong hindi na muling mangyayari ito." Sabi ng matanda. "Huwag po kayong mag alala sa susunod po babantayan ko na po maigi ang kapatid ko."  Napatango ang matanda sa sinabi ni Ate Elaine. "Ahhh yun nga Wade, bantayan mo sila habang naririto tayo." "Po!" Mataas na tono ng boses ni Wade. Sa mukha niya halatang ikinagulat niya ang utos ng matanda. "Malinaw ang sinabi ko Wade bantayan mo silang dalawa. May pagkasalabahe talaga ang magkakapatid na yun kaya umaasa ako na babantayan mo sila at ipagtatanggol. Mga babae sila kaya hindi nila mapoprotektahan ang sarili nila." "Sige po Lolo susundin ko pinaguutos niyo sakin." "Lolo may sasabihin po ako sa inyo." Singit ko seryosong usapan nila. "Ano yun munting binibini?" Magiliw na tanong sakin ng matanda. "May tsokolate pa po kayo penge naman po." Sabay hagikgik ko dahilan para mapatawa ang matanda at mapangiti si Wade. "Chaise ano ka ba akala ko naman kung anong importante sasabihin mo." Sita sakin ni Ate Elaine. "Oo mayroon ako dito." Tulad ng dati dumukot ito sa bulsa niya sa dibdib at ibinigay sakin ang tsokolate.  Pagkaabot ko ng tsokolate ay naupo ako sa tabi ng matanda sabay sabi nang... "Okay lang naman po ako Lolo wala naman po nangyari sakin kaya huwag na kayo mag alala pa." Wika ko. "Sadyang nakakatuwa talaga itong bunsong kapatid mo elaine." Turan ng matanda. "Medyo makulit nga lang po." Dugtong ni Ate Elaine. "Sino maysabi wala kaya." Saad ko habang kinakain ang tsokolate na bigay ng matanda sakin. "Gusto mo?" Alok ko kay Wade. Hindi ko mabigkas bigkas ang pangalan niya dahil nabubulol ako. Umiling lang sakin ang binatilyong ampon. "Sige na Wade magpahinga ka na papadala ko na lang sa kuwarto mo yun hapunan mo." "Pagaling ka kagad ha." Makulit kong sabi. "Sige po." Sagot ng binatilyong ampon. Bago siya pumasok sa silid ay nagiwan siya ng matamis na ngiti samin. Ang ngiting iyon ay tila may magic na hatid sakin. Parang may kumikislap na mumunting liwanag sa kanyang mukha at pagkatapos nun ay napansin ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Weed" bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD