Episode 3 Ang Nakalipas (part 2)

2331 Words
Umaawit ako kasabay nang pagtipa namin ni ate sa piano. Isang lumang awitin sa Alemanya ang itinuro samin ni Mama. Napatigil kami nang makarinig kami ng palakpak mula sa aming likuran. Hindi man ako lumingon ay alam kong ang mga bisita namin iyon. "Ang galing naman marunong pala kayo sa music." Wika ng Josh, Ang panganay sa magkakapatid. "Kayo pala Good Morning." Wika ni Ate saka kanila. Bahagyang lumaki ang aking mga mata nang halikan sa ulo ni Josh ang aking Ate Elaine. Ang ibig sabihin kaya nun ay boyfriend ni Ate si Josh. Narinig ko kasi sa mga kasambahay na ang boyfriend at girlfriend pala ay taong mahal mo. Taliwas sa pagkakaalam namin ni Ana kung ano nga ba 8big sabihin ng boyfriend. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang purihin din ako nila Peter at Kieron. "Wow naman bilib na talaga ako kay baby Chaise marunong ka din palang tumugtog ng piano." Papuri ni Kieron. Natitigilan ako sa kanila sa ginagawa nilang pagpuri sakin. Si Josh ay nakatayo na nakadikit kay ate habang si Kieron naman ay nakasampa ang ibabang bahagi ng katawan at braso niya sa piano. Pangiti-ngiti pa siyang nakatingin sakin. Si Peter naman ay walang imik dahil ito pala kibo. Nabuburyong na daw siya dito sa Zambales at nais nang bumalik ng Golden City. Misteryoso para sakin ang kanyang dating. Madalas nakatingin lamang samin si Peter pero mas madalas ay nahuhuli ko siyang nakatitig kay ate. Kahit na kasama si Ate ni Josh ay hinahagod pa rin niya ng tingin ang ate ko sabay ngingiti ng patago. "Gifted child kasi ang bunso namin 7 years old palang tinuturuan na siya ni Mama magpiano. Bukod dun marunong na din siyang magchesss at mahilig magbasa ng libro sa library kaya hindi niyo yan mauuto." Pagmamalaki ni Ate sa tatlong binatilyong nasa harap namin. "Eh ikaw naman love bukod sa pagtugtog ng piano ano pa ang alam mong gawin?" Biglang tanong ni Josh kay ate. "Ang mahalin ka." Malakas na sabi ni Kieron na lalo pang ngumiti ito ng husto . Lumitaw tuloy ang dimple nito sa magkabilang pisngi. Dahilan para magtuksuhan sila ate at Josh. Nagtatawanan sila kaya umingay tuloy dito sa bahagi ng malaking sala kung saan nakapuwesto sa ilalim ng malaking hagdan ang piano. "Seryoso nga, ang hobby ko magpinta at magsulat ng mga kanta. Yan ang madalas kong gawin kapag mag-isa ako." Tugon ni Ate sa tanong ni Josh. "Pero ngayon hindi ka na mag-iisa palagi na tayong magkakasamang dalawa." Hirit ni Josh. Bagamat may kunti akong nais pang malaman sa kanila ni ate ay puro  tuksuhan na ang ginagawa nila gaya ng dati ay naiingayan na naman ako sa kanila. Minabuti kong hanapin si Ana para ayain kong maglaro. Nagtungo ako sa servants quarter ngunit wala akong nakita kahit isang kasambahay. Gayundin si Ana ay hindi ko makita sa kusina. Nagtungo ako sa likurang bahagi ng mansyon kung saan madalas na nagkakatipon tipon ang mga kasambahay, mga trabahador saming taniman. Nakita ko silang masayang nagkakasama sama habang may nililitson na baboy. Umatras ako ng hindi ko makita si Ana. "Hayyy nasaan kaya si Ana." Sambit ko sa sarili ko. "Ang haba naman ng buntong hininga mo." Napatingin ako saking likuran at si Kuya Wade ang nakita ko. "Kuya Wade? Anong ginagawa mo dito?"   Nagtatakang tanong ko. "Sinusundan ka, di ba sabi ni lolo bantayan kita mabuti. Nakalimutan mo na ba sinabi niya kahapon." "Ay oo nga nuh, pero hindi naman na kailangan bantayan ako wala naman mang-aaway sakin dito. Ang bait bait ko kaya." Walang muwang na sabi ko. "Wala nga pero kasi... hmm basta kailangan kita bantayin hindi kasi mapagkakatiwalaan yun tatlong unggoy na yun." Wika niya. "Tatlong unggoy? Ha!" Napatakip pa ko sa bibig nang mapagtanto kong ang tinutukoy niyang tatlong unggoy ay ang magkakapatid na Montefalco. "Bakit mo sila tinawag na tatlong unggoy?" Tanong ko. "Masasama silang tao, pinatay nila ang mga magulang ko kaya ako inampon ni Ginoong Aurelius dahil para pagbayaran nila ang mga kasalanan nila sakin." Kitang kita kong nangiginig ang buong katawan ni Kuya Wade. Parehas na nakatikom ang mga kamo niya. "Pinatay nilang parehas ang mga magulang ko kaya paglaki ko paghihigantihan ko sila." Umiiyak na si Kuya Wade na nasa harap  ko. Hindi ko inaasahan ang ginagawi ngayon ni Kuya Wade. Ang maamo at guwapo niyang mukha ay punong puno ng galit. "Kuya Wade hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Anong ibig mong sabihin na inampon ka nila para pagbayaran ang mga kasalanan nila sa iyo." "Basta magiingat  kayo sa kanila masasama silang tao. Hindi malayong gawin din nila sa inyo ang ginawa nila sa pamilya ko." Babala ni Kuya Wade. "Kuya Wade huwag ka nang umiiyak natatakot na din kasi ako sa mga sinasabi mo." Pinunasan ni Kuya Wade ang mga luha niya sa kanyang mga mata at pisngi. At pagkatapos ay sinabihan niya ko na pumunta kami sa may malaking puno upang doon niya ikukuwento ang lahat  tungkol sa mga Montefalco. Dahil doon ay nagpasya si Kuya Wade na sabihin sa mga magulang ko na delikadong tao ang mga Montefalco. Naghintay ako sa pagdating nila Mama at Papa nang hapon na iyon ngunit lumipas pa ang ilang oras hanggang sa maghating gabi ay hindi dumating ang aking mga magulang. Sa aking mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako ng mga ingay ng sigawan at at pagputok ng mga kung ano sa loob ng mansyon. Dali dali akong lumabas ng kuwarto dahil unang sumagi sa isip ko ay may nangyayaring gulo. Pagbukas ko mg pinto ay sinalubong ako ng maitim na usok at nagliliyab na apoy sa ibat ibang bahagi ng mansyon. Tinutupok ng apoy ang bawat mamahaling kagamitan na naipundar ng aking mga magulang. "Mama, Papa!" Sigaw ko sa takot. Paulit ulit akong sumisigaw. Takot na na takot na ko dahil nilalamon na ng apoy ang buong mansyon. "Ate, Ate Elaine!" Sigaw ko nang makita kong pasan pasan si Ate ng lalaking hubad baro. Napansin kong binalutan ng kumot si Ate habang inilalabas sa pinto. Ate Elaine, Ate! Saan mo dadalhin ang ate ko! Kahit anong sigaw ko ay hindi ako nililingon ng lalaking may buhat kay Ate. Matapang na sinuong ng lalaki ang nagalalagablab na sa apoy sa hagdanan. Matagumpay silang nakalabas ng mansyon habang ako ay naiwan dito sa loob. Ramdam ko na ang nakakapasong init na dindilaan ng apoy ang bawat kagamitan, sahig at dingding dito sa second floor. Wala na ko nagawa kundi tahakin ang hagdanan pababa para iwasan ang apoy. "Mama,Papa! Nasaan kayo?" Patuloy pa rin ako sa pagsigaw umaasang naroroon ang aking mga magulang. Naisip ko na baka hindi pa nakakabalik ang aking mga magulang kaya nagtuloy tuloy na ko sa pagbaba sa hagdan. Nagimbal ako ng isa isang bumabagsak na ang bahagi ng kisame at ilang maliit na chandelier sa sahig. Napasigaw ako sa takot. Humahapdi na ang mata ko dahil sa maitim na usok. Napuno na kasi ng usok ang buong kisame ng mansyon namin.  "Anak Chaise iligtas mo ang sarili mo." sigaw ni Papa. Hinanap ko ang boses ni Papa pero sa tindi at itim ng usok ay hindi ko siya makita. "Anak humingi ka ng tulong!" sigaw ni Mama. "Papa! Mama nasaan kayo!" Sigaw ko.  "Anak nandito kami sa ikatlong palapag!" sigaw ni Papa.  Naisip kong kunin ang sapin sa maliit na lamesa namin para ipang takip sa ilong ko. Nalalanghap ko na kasi ang usok at pakiramdam koy ilang minuto pa ay mapupuno na ng usok ang baga ko.  "Papa iligtas niyo ang sarili niyo, tumalon na kayo!" sigaw ko.  Malabo nang magawa pang tumalon ng aking magulang mula sa thirf floor dahil nasusunog na din ang mga ilang kagamitan sa sala gaya ng mga sofa, cabinet maski ang malaki at makapal naming carpet ay natutupok na ng apoy. "Anak wala na kaming pag-asa makalabas pa ng buhay dito. Makinig ka sa amin...."  Hindi pa naman tapos magsalita si Papa at tinutulan ko na ang sinabi niya.  "No Papa iligtas niyo po ang sarili niyo. Susubukan ko kayong iligtas." May isa pang sofa ang hindi pa nakakapitan ng apoy. Naisip kong itulak yun para doon lumundag sila Papa at Mama at makaligtas. Sa sobrang bigat ay hindi ko magawang maitulak man  lang ang sofa. "Anak! Huli na ang lahat para sa amin kaya makinig kang mabuti." "Papa!" nag umpisa na kong mapangiwi habang kagat ko ang aking labi. Tumutulo na ang mga luha ko saking mga mata. Sa tana ng buhay ko ay hindi ko inakalang magaganap sakin ang pangyayaring ito. Kahit sino ay mapapahagulgol na maririnig nagbibigay ng huling habilin ang iyong mga magulang. "Anak Chaise makinig kang maigi itago mong mabuti ang attache case na ito. Balang araw ay mapapakinabangan mo ito narito lahat ng dokumento ng mga ari arian natin at kayamanan. Kaya ingatan mong mabuti ito." "Papa ano ba yan sinasabi ninyo iligtas niyo po ang sarili ninyo." "Wala na kaming pag asa makaligtas pa anak." Nakalulunos na sa sabi ni Mama habang humahagulgol. "Mama ko!" Nagumpisa na akong mangiyak nang tuluyan. Umaagos ang mga luha ko nang pulutin ko sa sahig ang inihagis na attache case ni Papa. "Anak tandaan mo mahal na mahal ko kayong magkapatid."  wika ni Mama. "Mama, Papa." Buong hinagpis akong lumuluha habang yakap ko ang attache case. Kapwa lumuluha na rin sila Mama at Papa habang sila'y nagpapaalam sakin. Halos sasabog na ang dibdib ko sa bigat na nadarama ko. Ang pamamaalam nilang yun ay huling beses na at kahit kailang ay hindi na kaming magkikita kita ulit. "Anak umiwas ka!" Sigaw ni Papa. Nataranta ko sa sinabing iyong nagpalinga linga ako sa paligid upang tingnan ang sinasabi nila Mama at Papa na dapat kong iwasan. Huli na nang tumingala ako, ang sinasabi pala nilang dapat kong iwasan ay ang pagbagsak ng napakalaking chandelier. Sa hindi inaasahang pangayari isang tao ang tumulak sakin upang hindi ako mabagsakan ng malaking chandelier. Nanakit ang kaliwang siko dahil hindi maganda ang pagkakabagsak ko sa sahig. Napahawak pa ko sa siko kong nanakit. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng binatilyong sinusubukan tumayo mula sa pagkadapa. Tulad ko din siguroy hindi rin maganda ang pagbagsak niya sa sahig. "Chaise." Sambit ng binatilyong nakasuot ng pajama at white tshirt na  pang ibabaw. "Kuya Wade niligtas mo ko." Bulalas ko nang maiangat niya mukha niya para tingnan ako. "Pakiusap ilayo mo na anak ko dito sa sunog. Iligtas mo ang anak nakikiusap ako." Sigaw ni Papa. Pagkatango ni Kuya Wade ay kaagad siyang kumilos. Kinuha niya attache case at kinabig ang kanang kamay ko. "Hindi puwede kailangan makaalis din ang magulang ko sa sunog. Iligtas mo rin sila pakiusap Kuya Wade." pakiusap ko. "Oo pero magtungo muna tayo sa ligtas na lugar!" Napalakas pa ang boses ni Kuya Wade dahil sa tensyon na nararamdaman niya at nanganganib ang buhay namin kapag hindi pa kami lumabas. "Pakiusap iho iligtas mo anak namin si Chaise! Umalis na kayo dito sa mansion." Nakalulunos na sigaw ni Papa. "Sige na anak iligtas niyo na ang inyong sarili basta lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin." Humahagulgol si naman si Mama habang nagsasalita. Nakatanaw ako sa third floor kung saan naroon ang mga magulang ko. Hahakbang pa sana ako nang sapilitan akong buhatin ni Kuya Wade palabas ng mansyon. Hindi matigil ang pagpalahaw ko sa iyak habang kitang kita kong umaatras sila Mama at Papa upang iwasan ang nagngangalit na apoy. Huminto kami sa gitna ng malawak na garden kung nasaan naroroon ang ibang kasambahay. Nandoon din si Ana, Yaya Selma at si Ramil ang nakababatang kapatid ng yaya ko. Wala akong tigil sa pag iyak. Nagpupumiglas ako sa mula pagkakahawak sakin ni Yaya Selma at ng kapatid niyang lalaki. "Kayo na po bahala sa kanya, titingnan ko kung maisasalba ko pa sila Ginoong at Ginang Rosche." Saad ni Kuya Wade. "Ang Mama Papa ko." Ramdam kong mainit ang mga luha umaagos sakin pisngi ngunit mas mainit ang hangin na nanggagaling sa nasusunog na Mansyon namin. "Pangako ililigtas ko sila." Pagkasabi nun ni Kuya Wade ay tumakbo siya pabalik ng Mansyon. Nahirapan na siyang pumasok dahil maski ang malaking pintuan ay nasusunog na din. Sobrang itim na rin ang usok na lumalabas sa mansyon. "Mama, Papa ko." Wala na, wala nang pag-asang mailigtas pa ang mga magulang ko. Lalo pang tumindi ang pag iyak ko. "Wala na tayong magagawa pa anak, kung pipilitin natin manganganib naman ang buhay natin." Paliwanag ni Yaya Selma habang yakap yakap ako at inaalo. "Umalis na tayo dito!" Sigaw ng kapatid ni Yaya Selma. Mula sa liwanag na nililikha ng nasusunog na mansyon. Nakakita kami ng ilang mga kalalakihan na armado. Nahintakutan lahat ang mga kasambahay at mga trabahador kaya nagsipagkulasan sila at tumakbo palayo. Hatak-hatak ako ni Yaya Selma ngunit mas lalo akong nagpupumiglas nang kunin si Kuya Wade ng mga armadong kalalakihan. Binuhat din ako ng kapatid ni Yaya Selma upang mapabilis ang paglayo namin sa mga delikadong tao. Takbo kami ng takbo hanggang sa marating namin ang lugar kung saan nakahilera ang aming magagarang sasakyan. "Wala tayong susi para mabuksan ang mga sasakyan." Wika ni Yaya Selma. "Ate yun karitela." Wika ng kapatid ni Yaya Selma. Dali dali kaming nagtungo sa karitela upang doon isakay. Kinuha ng isang tagapangalaga ng kabayo ang isang kabayo at mabilis na ikinabit sa karitela. Minsan ang karitelang ito ang ginagamit sa pagdala ng mga inaning palay at minsan ay sinasakyan ng mga trabahador papuntang bukid. "Ate!" Sambit ko nang makita kong buhat buhat siya ng ilang trabahador kasama ang ilang kasambahay. Gaya ng una kong makita si Ate nababalutan ang buong katawan niya ng makapal na kumot. "Ate, Ate anong nangyari sayo!" Nanatiling nakatulala si Ate Elaine at hindi sumasagot sakin. "Tara umalis na tayo baka abutan pa tayo." Wika ng mga umaangkas mga trabahador at kasambahay. Habang mabilis na pinatatakbo ang kabayo wala akong tigil sa pag usisa sa ate kong tulala. Napansin kong mqy bahid ng dugo ang kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ni Ate Elaine. "Ate!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD