"Chaise palagi ko kayo poprotektahan ng Ate mo. Lagi mong tatandaan yan."
Hinawi ni Kuya Wade ang buhok ko at inipit sa tenga ko. Hindi ko pinansin ang ginawang iyon ng katabi ko dahil abala kasi ako sa pagtitipon ng mga bulaklak na pinitas ko at inilalagay ko sa basket. Nagsilbi itong palamuti sa inuupuan namin sapin. Kasalukuyan kaming nagpipicnic ni Kuya Wade sa damuhan malapit sa bangin kung saan Kitang kita ang napakagandang view. Makapigil hininga ang kagandahan ng kabundukan at ng kalangitan. Mistulang binalutan ng telang kulay green ang kabundukan dahil sagana sa puno ang mga bundok hanggang sa kapatagan ay may kalat kalat na mga puno. Ang langit naman ay kulay asul na nilalakbayan ng mga mapuputing ulap.
"Hihintayin ko paglaki mo Chaise, paglaki mo liligawan kita at papakasalan sa lahat ng simbahan." Sabi ni Kuya Wade.
Tiningnan ko lamang si Kuya Wade at hindi ko masyadong inintindi ang sinasabi niya. Pero napansin kong nangigislap ang kulay brown niyang mga mata habang hinahawi ng hangin ang buhok niya. Napapikit siya ng sumagi ang bangs niya sa kanyang mga mata. Binigyan ko lamang siya ng matamis na ngiti. Habang nagtitinginan kaming dalawa ay magulantang ako sa putok ng baril. Bumulagta sa harapan ko si Kuya Wade at pagkatapos nun ay kitang kita ko na dumaloy ang dugo niya sa sapin.
"Kuya Wade, Kuya Wade!"
Sigaw ko habang hindi ko malaman kung paano ko hahawakan ang katawan ni Kuya Wade na duguan.
"Bakit niyo siya binaril?!" Singhal sa mga tatlong taong anino lamang ang nakikita ko kahit maliwanag ang sikat ng araw itong hapon.
"Akala niyo ba ay hindi namin kayo matatagpuan, pwes nagkakamali kayo. Mamatay kayong parehas!" Wika ng mga lalaking anino lamang nila ang nakikita ko.
Pilit na bumangon si Kuya Wade na naliligo sa sarili niyang dugo. Humarap siya sakin sabay sabing...
"Tumakas ka na Chaise, pipigilan ko sila hanggat kaya ko kaya tumakbo ka na!" Nanghihina at nanginginig ang katawan ni Kuya Wade habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.
Lumapit pa ang tatlong lalaki at kalaunan ay nakikilala ko na. Sila ang tatlong magkakapatid na Montefalco.
"Auf Wiedersehen!" Wika ni Josh ang panganay sa tatlong magkakapatid
Na ang ibig sabihin ay salitang aleman ay paalam.
Itinutok sakin ni Josh ang baril, napapikit na lamang ako ng kalabitin niya ang gatilyo ng baril.
Alarm clock ringing.....
Napabalikwas ako bigla ng bangon at salamat sa pagtunog ng alarm clock ay nagising ako.
Ipinahid ko ang dalawang palad ko sa mukha ko sabay hugot ng malalim na paghinga.
Panaginip lang pala akala ko totoong nagaganap. Napakalinaw kasi ng panaginip ko, ramdam na ramdam ng katawan ko ang nagaganap sa panaginip ko. Ang paghawak sa buhok ko ni Kuya Wade, ang pagkagimbal ko ay parang totoong totoo ang panaginip ko.
"Erin, Anak gising sabi mo kagabi aalis ka ng maaga. Gising na mag aala sais na ng umaga."
"Opo Nanay Selma, gising na ko bababa na rin ako maya-maya."
"O siya sige nakaluto na ko ng almusal, kumain ka na habang mainit pa."
Naisip ko sanang bumaba agad pero minabuti kong tingnan ang sobre ng bayad sakin ni Ginoong A.Tatlong araw na ang nakalipas hindi ko pa binubuksan ang sobre para bilangin man lang. Naupo ako sa maliit na lamesa ko kung saan may malaking salamin. Narito na lahat sa lamesa ko ang mga gamit ko sa make up, mga sketchpad ko ng mga drawing at design ng mga alahas.
Ito ang pansamantalang pinagkakakitaan ko gumuguhit ako ng mga alahas at ibinebenta ko sa maliliit na jewelry shop.
Paghawak ko ng sobre ay napatigil ako sandali. Masyado naman atang makapal ang sobre sa halagang sampung libong piso. Tama ang hinala ko hindi sampung libo piso ang binayad sakin ni Ginoong A sa pagpapanggap ko.
"Ten"
"Eleven"
"Twelve"
"Thirteen"
Inilipag ko ang lahat ng pera at inisa isa ko, dalawampung libong piso ang ibinayad sakin ni Ginoong A.
Isang magandang dahilan ito para umpisahan ang araw. Palagi na lamang kasi sa araw-araw na pag aapply ko ay hindi ako natatanggap. Sa kabila nang maaga kong natapos ang Nursing sa edad na labing pito dahil ilang beses ako naaccelerate nun elementary at graduate pa with honors ng pagka c*m laude ay hindi ako tinatanggap sa mga inaaplyan kong hospital at mga company sa Golden City. Believe me ang dahilan kung bakit hindi ako natatanggap ay dahil taga Copper City ako.
Ganito ang trato saming mga nakatira sa Copper City. Mababa ang tingin at may diskriminasyon sa aming mga taga Copper City kahit sa anong aspeto. Ang mga taga Golden City lamang ang may pribilehiyo na makapasok sa mga respetadong unibersidad, priority ng mga Multinational Companies ang mga nakatira sa Golden City. Masuwerte ka kapag may kaya ang iyong pamilya na nakatira sa siyudad na sakop ng mga mayayamang pulitiko at makapangyarihang sindikato. Samantalang dito sa Copper City kukunti na nga lang ang opportunidad para sa mga nakatira dito, tambakan pa ng basura o waste material ang ibang bahagi ng squatter area ng Copper City mabuti na lamang at nakatira kami sa lugar kung saan below minimum wage earners ang mga kapitbahay namin.
Pangarap kong makapagtrabaho sa Golden City na maihahalintulad sa Las Vegas o Singapore na maunlad na maunlad. Sino nga ba ang ayaw makakuha ng trabaho na doble ang kita sa isang araw. Pero yun nga lang sa resume pa lang na kapag nakita ang address mo na taga Copper City ka sa manpower agency ang bagsak mo.
Bumaba na ko para mainitan muna ang sikmura ko bago ako mag gayak. Naaabutan ko pang paalis na si Ana para pumasok sa school. Education ang kinukuha niyang kurso. Isang taon na lang at makakapagtapos na siya.
"Papasok na ko baka nga pala gabihin ako mamaya kasi may group project kami ng mga kaklase ko." Paalam samin ni Ana.
Hinalikan ako sa ulo ni Ana at pagkatapos ay hinalikan naman niya sa pisngi si Nanay Selma. Ganito na ang turing sakin ni Ana na parang kapatid at anak ang turing sakin ni Nanay Selma simula noon kupkopin nila ako. Naalala ko pa rin palagi ang malagim na gabing iyon kung saan kasamang naabo ang mga magulang ko at kayamanan, kabuhayan naming lahat. Malaki ang pasasalamat ko at hindi iba ang turing nila sakin.
"Mag iingat ka Ana i-text mo kami kapag gagabihin ka ng sobra para masundo ka namin."
Inilapag ni Nanay Selma ang isang mangkok ng mami na niluto niya.
"Opo Mama." Sigaw ni Ana na kasalukuyan nagsusuot ng sapatos sa may bandang pintuan.
"O Anak kumain ka na para busog ka na lalakad, alam ko kasi na buong araw kang may lakad, araw din ng dalaw mo sa Ate Elaine mo di ba."
"Salamat po Nanay Selma."
Hinalo halo ko muna ang mami at saka ko humigop ng kunting sabaw sa kutsara.
"Bagong kulo yan baka mapaso ka anak." Paalala ni Nanay Selma.
"Oo nga po eh, hmmm ang sarap po nitong mami."
"Magandang umaga!" Isang malakas na tinig ng lalaki ang nagpatigil saming usapan ni Nanay Selma.
"Magandang umaga din po Tito Roger." Bati ko sa itinuring ko ng tiyuhin.
Pitong taon na siya sa serbisyo bilang pulis. Si Tito Roger ang pinaka maswerte sa lahat ng mga taga dito sa aming baranggay. Isang insidente ang nagdala sa kanya ng suwerte kaya nakapasok siya pagkapulis. Patapos na siya sa kursong criminology nang may tulungan siyang isang pulitiko na ni rub out ng mga sindikato. Naging daan yun para maipasok siya sa pulisya.
"Erin may bago akong baril oh."
Ipinakita sakin ni Tito Roger ang nakasukbit niyang baril.
"Caliber pistol po yan di ba Tito Roger?" Tanong ko.
"Oo pero ibang model ito mabigat ng kunti kumpara sa luma pero mas malakas ang putok at malayo ang range nito. Gusto mo kapag may practice sa shooting range sumama ka?" Paanyaya sakin ni Tito Roger.
"Sige po Tito Roger." Mas lalong nabuhay ang dugo ko dahil sa narinig kong may practice na shooting range sila Tito.
"Ano ba Roger! Imbis na makalimutan na ni Erin ang mga Montefalco ikaw pa yun nagpapaalala sa kanya." Sita ni Nanay Selma.
"Alam mo ate hindi basta-basta makakalimutan ni Chaise."
"Erin po Tito Roger matagal ko na pong hindi ginagamit ang pangalan at apelido ko." Pagpapaalala ko.
"Natin yun nangyari habang buhay na sa memorya natin ang kawalang hiyaang ginawa satin ng mga Montefalco. Nang dahil sa kanila nawala nagbago ang buhay ni Erin maski ang lupang naipangako satin ng mga magulang ni Erin."
"Kahit na puwede bang mamuhay na lamang tayo nga tahimik at payapa ang kalooban. May bagong buhay na tayo ngayon kaya huwag na natin pang balikan ang nakaraan." Giit ni Nanay Selma.
"Nanay Selma tama naman po si Tito Roger kahit kailan ay hindi nabura sa pusot isipan ko ang mga nangyari sa buhay ko. Walang dahilan para hindi ko paghigantihan ang mga Montefalco."
"Anak Erin huwag mo nang pagtuunan pa ng pansin ang mga Montefalco. ipapahamak mo lang sarili mo sa nais mong makaganti sa kanila! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo."
"Nanay Erin ayaw ko nang pagtalunan pa natin ang mga bagay na ito. Walang sino ang makakagpabago ng pasya ko."
"Hay naku Erin naman makinig ka naman sakin puwede. Kasalanan mo ito Roger!" Sabay turo ng sandok ni Nanay Selma kay Tito Roger.
"O nga po pala Nanay Selma heto po oh budget natin muntik ko nang makalimutan." Sabay abot ko ng limang libong piso kay Nanay Selma.
"Anak may pera pa naman ako mas kailangan mo yan pera para sa ate mo."
"May ipong pera pa naman po ako at raket kaya para po sa inyo talaga ang pera na yan."
Binilisan ko ang pagkain ng mami at humigop ng maraming sabaw.
"Busog na po ako sige po mag gagayak na po ako."
Umakyat na ko sa hagdanan para pumanhik sa kuwarto.
"Kasalanan mo to eh nawalan tuloy ng gana kumain ang anak ko." Dinig kong sabi ni Nanay Selma.
Tuluyan na kong pumasok sa kuwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko inayos muna ang higaan ko bago maligo.
Golden City "City of Dreams"
Nagmamadali ako sa paglalakad upang makahabol sa itinakdang meeting. Kakatagpuin ko ang suki kong tsino na bumibili ng mga design ng mga alahas na iginuhit ko. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil siya na lang ang huling pag-asa ko para maging pera itong mga iginuhit ko.
Ito kasi disadvantage ng pagiging taga Copper City hindi ako binibigyan ng contract ng mga jewelry store na pinagbebentahan ko ng gawa ko. Kaya heto wala nang akong pakialam kung masagi ko ang mga taong nasasalubong ko makarating lang sa appointment ko.
Pagpasok ko sa dati nang restaurant kung saan madalas kaming magtagpo ni Mr. Lao. Hinagilap ko nang tingin kung nasaan siya nakaupo.
Hayun nasa dulo siya ng mga couch na nakaupo. Papalapit pa lang ako kay Mr. Lao nang harangin ako ng isang Foreigner at isang half half sa tingin ko dahil obvious sa itsura ng ikalawang lalaki na may foreign blood ito.
"How much is your service?" Mabagal na sabi at tonong Latino ang accent niya.
Tama ba ang narinig ko? Pinagkamalan niya akong prostitute kaya tinatanong niya kung magkano ang serbisyo ko.
Saglit akong napatigil at binalikan ang mga unggoy na iyon kahit na nakalampas na ko ng tatlong hakbang. Unggoy ang naisip ko dahil tulad ng dati na hate na hate ko talaga ang mga balbas sarado. Kahit anong guwapo ng isang lalaki mapa pinoy man o foreigner basta balbas sarado hindi ko maiwasan isipin na mga demonyo sila katulad ng mga magkakapatid n Montefalco. Bakit ba uso sa kanila ang balbas sarado.
Pangiti ngiti pa ang dalawang mokong na ito nabago ang reaction nang magsalubong ang kilay at nagumpisang manggigil ang aking mga ngipin.
"Pervert!" Isang malakas na suntok amg pinakawalan ko at pinatamaan ko ang sikmura ng foreigner.
Namilipit ito sa sakit habang iwiniwisik wisik ko ang kanang kamay ko dahil nakaramdam din ako ng matinding sakit. Napataas pa ang mga kamay ng half half ng magtama ang aming mga mata.
"That will teach you a lesson!" Sabay hakbang palayo ko sa kanila.
Nagpalakpakan naman ang ibang mga customer at staff ng reastaurant dahil sa ginawa kong iyon.
"Im really sorry Mr. Lao for keeping you waiting." Bungad ko sa tsinong bibili ng mga design ko.
"Dont mind it. I was enjoying here seeing you teaching some lesson on pervert men. Your a tough lady." Mabagal na pagsasalita ng tsino.
May katandaan na din kasi si Mr. Lao kulubot at puro pekas na ang balat niya samahan pa ng mapapanot at kunting buhok na puti sa kanyang ulo. Mabait si Mr. Lao never itong hagudin ako ng tingin sa buo kong katawan. Eye to contact palagi kapag idinidiscuss ko sa kanya ang mga adornments sa mga pendant o yun maliliit na detalye na labor labor sa pendant.
"Your so Talented Ms. Sarmiento i hope you could find a new client that will surely like your works." Wika nito habang mabagal na tinitingnan isa isa ang sketchpad na may larawan guhit ko ng mga alahas.
"Mr. Lao what do you mean by that?"
Nagtatakang tanong ko.
"Me and my wife will be going back to my homeland China. Im too old to stay here in this country. I wanna see my relatives before I die." paliwanang matandang tsino.
Nasa 90 years old na kasi ang suki kong tsino kaya nalungkot ako ngayon na nagpapaalam na siya lilisanin na ang pinas.
"Dont be sad pretty young lady, I will refer you to my friends in Binondo. Im sure they will love also your designs."
Sa tingin ko ay maramin rin katulad niyang tsino ang may ari ng jewely store sa Binondo.
Bagamat maga na ang mga mata ng tsino na kausap ko mababanaag pa rin sa masaya ang tsino habang kausap ko.
Pagkaabot niya ng perang bayad na nakalagay sa sobre ay binigyan niya din ako ng mga tatlong good luck charm.
"This is for prosperity, good health and love life." Wika ni Mr. Lao habang isa isa niya ipinapakita sakin.
"Puwede bang wala nang love life kasi hindi ko naman kailangan yun." Wala sa isip kong nasabi yun.
Pero wala naman talaga ako balak magkaroon ng jowa dahil sakit lang sa ulo ang mga lalaki.
"No your wrong young lady. Love conquers all and the reason why the world is revolving is because of Love." Kontra niya sa sinabi ko.
Nakakaintidi palq ng tagalog ang intsik na ito jusme patawarin.
"I have to go. I hope you will not forget me my young lady." Wika ni Mr. Lao.
"Wait Mr. Lao i wil give you this ring as a souvenir."
Akma ko sanang huhugotin ang aking sinsing ngunit pinigilan ako ni Mr. Lao.
"No need I know its fake."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi sakin ni Mr. Lao hindi ko akalain na fancy o fake pala itong singsing na suot ko.
Kinawayan niya ang isang lalaking tulad niya ay intsik din upang akayin siya palabas. Nagmagandang loob naman ako na tulungan akayin din si Mr. Lao palabas ng restaurant.
Kumaway ako kay Mr. Lao bago umalis ang van na sinakyan niya.
Naiwan akong mag isa sa gilid ng kalasada kung saan busyng busy ang lugar na ito ang kapitolyo ng Golden City. Nagtataasan ang mga nakakalulang at pambihirang disenyo ng mga building na kagaya ng structures sa dubai, Hongkong at US. Napakarami din mga magagarang sasakyan na kung saan sana nagpupunta at nagmumula. Ang mga tao naman dito sa Golden City ay akala mong may clock timer na nakasuot sa kanilang leeg nagmamadali ang lahat ng mga taong naglalakad sa kanilang pupuntahan. High Class o High heels society ang mga tao ditong nakikita ko. Kanyang kanya dala ng briefcase at ipad na ginagamit sa pakikipagtransaction sa mga ka-business nila. Nang ilibot ko ang aking paningin kitang kita ko sa mga salamin ng mga establishment gaya restaurant at coffee shop na busy ang lahat na nakikipagdeliberation sa mga ka transact nila.
Patawid na sana ako ng pedestrian nang masagi ko ang ang isang matangkad na lalaking mestiso, very attractive sa suot niyang coat na tila executive sa isang kumpany. Napaawang ang bibig ko nang makita kong sumabit ang singsing ko sa manggas ng suot niyang suit.
Akma sana akong hahakbang ngunit naalarma ang guwapong lalaki na nakasuot pa ng mamahaling shades.
"Dont move!" Mariing sabi niya.
Nang pagmasdan ko ang mukha niya halatang iritable ito sa ayos namin.
Desperada na ko na makahiwalay sa kanya dahil nagdidikit na ang mga daliri namin. Iwinasiwas ko ang kamay ko na lalong ikinagalit ng lalaking nasa harapan ko. We were tied up by a thread. Just a single thread na naging dahilan para magkaroon ng giyera sa pagitan namin ng very sophisticated na lalaki.