"Anong dont move! Ano to forever na lang tayong ganito? magkakabit?!" Napataas na tonong sabi ko dahil pinagsusungitan na ko ng lalaking hindi ko pa nakikilala.
"Dont you dare ruin my overcoat! Do you know how much this luxurious brand made of its $4,000 ang halaga niyan!"
"Wala ko pakialam kung mamahalin yang suot. Alam mo wala akong balak magtagal na kasama ka!" Tugon ko sa lalaking napakaselan dahil ayaw nitong natatas ang manggas na suot niya.
"So do i!" Wika niya na habang tinitingnan ang ang manggas niya.
Lalong nakakabwisit dahil hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ng mayabang na lalaking ito.
"Kasalanan mo ito hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo kamay ko." Sisi ko sa kanya.
"Excuse me it is you ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo?" Giit ng lalaking nakasuot ng shades.
Nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"At ako pa talaga ang may kasalanan bulag ka ba? Ikaw yun kala mo namamasyal sa buwan habang tumatawid ka sa crosswalk at hindi mo tinitingnan makakasalubong mo."
Bahagyang napangiti ang lalaki sa sinabi ko. Mukhang nalagay pa ko sa alanganin dahil sa sinabi ko nun huli.
"So the truth came out...kaya pala nasagi mo ako dahil kanina mo pala ko tinititigan!" Pagkasabi niya at sabay napangiwi ang bibig nito.
Mukhang nalagay pa ko sa alanganin dahil sa sinabi ko nun huli.
Natawa ito bigla, sabay lapit sakin ng maigi.
"Bakit nga pala hindi ko naisip agad maybe you did this dahil paraan mo ito to catch my attention at para makahanap ka ng customer mo?" Wika niya.
Ano daw?? Anong sinasabi niya hindi ko mainitindihan para ang layo na nang nailihis sa usapan naming dalawa.
Ginagaya ko ang sinabi niya sabay make face na nakakainis para makaganti lang sa pambwibwisit niya sakin. Balewala sa kanya ang ginawa kong yun.
"Magkano ka ba Miss? At anong maiooffer mong package kapag kinuha kita?" Malalim at mapang akit ang boses niyang bumubulong sakin.
Nanlaki ang mga mata ko isang mabilis na amba ng sampal ang iginawad ko sa lalaking ngayon ay nambabastos sakin.
"Bastos! Hindi ako pokpok o prostitute para bastusin mo ko ng ganyan!"
Baba lang niya ang tinamaan ng palad ko dahil sa mabilis na pag iwas niya.
"Dont act Miss as if hindi mo alam ang sinasabi ko. We're in Midway Street kung saan nagkalat ang mga prostitute dito sa lugar na ito."
Natahimik ako sa sinabi niya, sinubukan kong lumingon sa paligid ko. Nun una ay napansin ko ngang pogresibo o maunlad ang bahaging ito ng Golden City at aakalain mong mfa nasa alta sa siyudad ang mga naririto ngunit hindi ko alam na may kalakaran din pala ng prostistution ang lugar na ito. Nakakita nga ako ng ibat ibang klase ng mga babae mapa disente, mahalay manamit at yun iba pa nga ay hindi mapagkakamalang prostitute dahil mga naka business attire pa ang iba.
"See the ladies around here, well parang ngayon lang kita nakita dito." Mapang akit at mapang asar na sabi niya sakin.
"Dahil mali ang iniisip mo sakin narito ako dahil may ka-meet akong buyer ng mga designs ko. Stupido!"
"And you call me stupid, so paniniwalain mo na naman ako ngayon sa alibi mo. We can have a wonderful day kung gugustuhin ko pero im busy for the whole day kaya sumama ka sakin ngayon."
Bigla na lamang niya ko hinawakan ng mahigpit sa braso ay pilit na iginigiya niya ko sa kung saan.
"Ano ba saan mo ko dadalhin!" Wika ko habang nagpupumiglas sa lalaking tangan-tangan ako.
"Hindi nga ako prostitute bakit ayaw mo bang maniwala sakin bwisit ka!" Singhal ko.
"Huwag kang gumawa ng eskandalo babae ka! Dadalhin kita sa store ng pinagbilhan ko nito ng damit para magawan nila ng paraan na hindi masira ang damit ko."
"Huh bakit pa mayroon naman akong gunting dito, gupitin ko na lang yan sinulit na nakakapit sa singsing ko!"
Dinuro ako ng lalaking kanina pang sumsira ng araw ko.
"Dont you dare!" Babala niya sakin.
Natakot ako sa ipinakita niyang reaksiyon ng kanyang mukha kahit nakasuot siya ng shades. Matalim na ang mga tingin niya sakin ngayon kung kanina ay napaka playful niya. Wala na ko nagawa kundi kusang lumakad kung saan kami pupunta dahil mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok kami sa store ng louis vuiton. Kaagad na nilagyan ng signage na closed ang store na aking ipinagtaka.
VIP customer ang taong ito?! Hindi nga siya nagsisinungaling na mamahalin nga ang damit na suot niya
"Good Morning Sir, Mamimili po ba kayo ng bagong damit? Marami po kaming bagong deliver galing ng France." Magiliw na sabi ng Manager habang nakabuntot ang dalawamg sales lady.
"Can you fix this?" Saad niya sabay pakita niya ng mga kamay namin.
Nanlaki ang mga mata ng empleyado nitong store at mukhang nabahala sila ng makitang natatastas na ang manggas ng mahabang coat na suot nitong lalaki.
Binigyan agad kami ng mga sales lady ng mauupuan habang ang manager ng store ay pumasok sa isang pinto. Bahagyang nagtagal ang manager kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan muli ang mayamang lalaki.
Tinanggal nito ang auot niyang shades kaya nakita ko ang kabuuan ng mukha ng lalaking kinaiinisan ko.
Hindi!! Si Peter Montefalco ang lalaking katabi ko. Ang pangalawa sa kinamumuhian kong magkakapatid. Hindi ako nagkakamali na siya nga itong lalaking kausap ko magmula pa kanina. Ang pinagtataka ko kung bakit tila may nagbago sa itsura niya. Kahit na sampung taon na ang nakakaraan matatandaan ko pa ring ang pagmumukha ng demonyong ito. Nanginginig ako sa galit habang nakakapit ng mahigpit ang kanang kamay ko sa kinauupuan ko. Kailan lang nun makita ko siya sa kasal ni ng kuya niya pero malayo kasi ang kinatatayuan nila ni Kieron
Nagparetoke pa ata ang hayop na to kaya medyo nagbago ng kaunti ang mukha niya. Mayroon na siyang dimples na noon ay wala at lumalim ang guhit na nagmula sa pagitan ng kanyang ilong at cheekbone na gumapang sa kanyang gilid ng mga labi at hanggan sa ibabang bahagi ng kanyang baba. Kung tutuusin lalo niyang ikinaguwapo iyon kahulma na ng mukha niya ang perpektong mukha ni Superman.
"Thank you for the mess!" Sambit niya sakin.
Pinakalma ko ang sarili ko ayaw kong makilala niya kaya ang ginawa ko ay hindi na ko humaharap o tumitingin sa kanya ng direkta.
Paglabas ng Manager may kasama itong lalaki na may dalang kakaibang gunting.
"A...ano gagawin niyo?" Sabay naming tanong ni Peter.
"Sir, Maam gugupirin na lang po natin yung....."
Napalapit ang mukha namin ni Peter sa sa lalaking may hawak ng gunting inaasahan kong guguntingin na lamang ang hibla ng manggas. Ngunit nang tingnan niya ang singsing ko na may may nabuhol na hibla ng coat ni Peter.
"Kailangan po natin tanggalin ang tampok ng singsing niyo Ma'am." Sabi ng empleyadong lalaki.
"Ha bakit ang singsing ko, hindi ba dapat yan sinulid na yan nakakawit sa singsing ko ang dapat ninyong gupitin." protesta ko.
"Ma'am hindi po kasi puwede gupitin yun sinulid na natastas kapag ginawa ko po yun masisira na po damit ni Sir, pangalawa wala po kaming katulad na sinulid gaya ng ginamit sa suot ni Sir."
"Puwede ba Miss pumayag ka na dahil fake naman yan singsing mo!"
Umakyat sa bunbunan ko ang init ng ulo at di ko na mapigilan ang galit ko. Kanina pa ko nangtitimpi kung may baril lang ako ay malamang binaril ko ang hayop na Peter Montefalco na to.
Napatayo ako kinuupuan ko kasabay ng paghawak ko sa braso ni Peter ay pinatid ko sinulid o hibla ng kanyang damit.
Parang huminto ang oras sa ginawa kong iyon nanlaki ang mga mata ng mga empleyado ng store na yun lalong lalo na si Peter. Matagumpay kong naputol ang sinulid at pagkatapos ay nagdudumali akong lumabas ng branch store.
Umiiyak ako habang tumatakbo naglalaro sa isip ko sana inagaw ko gunting at pinagsasaksak ko na lang si Peter para nakaganti na ko sa sinapit ng pamilya ko at ng buhay ko.
Pero hindi sapat iyon na si Peter lamang ang magbabayad ng mga kasalanan nilang magkakapatid. Nararapat na silang tatlong magkakapatid at ang kanilang ama ang pagdudusahin ko sa gagawin kong paghihiganti at parusa sa kanila. Mga hayop sila! Kung hindi sila dumating sa buhay namin malamang ay masaya akong kasama ang buong pamilya ko. Buhay pa sana ang mga magulang ko at si Ate ay hindi siya mababaliw.
Napahinto ako sa isang eskinita. Napakapit ako sa pader ng isang eskwelahan iyon ang tanging naging sandalan ko ng mga oras na iyon. Ibinuhos ko dun ang mga luha ko na sa sobrang tagal na panahon ay ngayon lang parang sasabog na bulkan ang galit ko.
"Isinusumpa ko pagsisihan ninyong mga Montefalco kung bakit pa kayo isinilang dito sa mundong ito!!!"
꧁༺~~~~~~~༺꧂
"Binawasan na namin ang dosage ng mga gamot niya under my observation she's getting well. Wala na kaming nairecord na panic attacks o wild reaction sa mga ibinibigay namin activities sa kanya. Pero kasi Ms. Roche ganoon pa rin ang pasyente hindi pa rin siya responsive sa mga gingawa namin understudy sa kanya. Hindi pa rin siya umiimik, nakatulala pa rin siya na parang walang nakikita o naririnig kahit na pag galaw ng mga mata niya ay wala talaga." Paliwang ng duktor habang naglalakad kami dito sa pasilyo ng mental institution.
"Doc sampung taon nang ganyan ang kapatid ko hindi ba before ang sabi ninyo sakin na gagaling din ang kapatid ko. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa din siya bumabalik sa normal." Tanong ko sa duktor na tumitingin kay Ate Elaine.
"Nag iimprove naman ang pasyente ang kaso mismo ang pasyente ang pumipigil sa sarili niyang magamot ang sarili."
"What do you mean by that Doc?"
Naguluhan ako sa sagot ng duktor sakin kaya huminga ito ng malalim ng makita niya ang reaction ko sa sinabi niya.
"We have what we call anosognosia."
"A-no-sognosia?" Sambit ko.
"Ano po ang anosognosia?" Tanong ko.
"It is a lack of ability to perceive the realities of one’s own condition. It’s a person’s inability to accept that they have a condition that matches up with their symptoms or a formal diagnosis. It is a result of changes to the brain. It’s not just stubbornness or outright denial, which is a defense mechanism some people use when they receive a difficult diagnosis to cope with. In fact, anosognosia is central in conditions like schizophrenia or bipolar disorder. Mismo ang pasyente ayaw niyang tumuloy sa panibagong yugto ng buhay niya. It just like na nasa cocoon siya ayaw niyang lumabas dahil pinoprotektahan niya sarili niya sa mga inaakala niyang hindi pa tapos ang mga masasamang nangyari sinapit noon."
May ganoon pa rin palang iniisip ang ate ko. Nakakaawa naman ang ate ko. Kahit na wala siya sa katinuan ay dala pa rin niya ang hirap mula sa sinapit namin noon. Kawawa naman ang ate ko.
"Dont lose hope Ms. Rosche. We will find some solution on her condition sa tingin ko after ng six more months, kung hindi na magbabago ang behavior niya maari niyo siyang iuwi. Show her your love and support para marealize niya na tapos na ang bagyo sa buhay." Ani ng duktor.
Sana nga Doc tapos na ang bagyo sa buhay namin pero mukhang hindi pa. Matatahimik lang kami kapag nasa libingan na ang mga magkakapatid.
"Doc," sambit ko nang makita ko na si Ate Elaine na nakaupo sa wheel chair tulak-tulak ng babaeng nurse.
"Go ahead Ms. Rosche ang madalas na pakikipagusap sa kanya ang magpapagaling sa condition niya."
"Thanks po Doc."
Kaagad kong nilapitan si Ate Elaine. Tumayo muna ako para pagmasdan siya physically maayos siya. Tumaba at mamula mula na siya ngayon kumpara ng dati ko siyang nakita.
"Ate Elaine...."
Pumatak ang luha ko sa kanang pisngi ko.
"Ate Elaine, kamusta ka na?" Wika ko habang nakaluhod ako sa kanya.
Hinihimas ng mga kamay ko ang palad niya. Hindi pa rin tumitigil ang pagdaloy ng mga luha ko saking mga pisngi.
"Ate Elaine namimiss na kita, matagal nang panahon na hindi tayo nagkakasama. Magbalik ka na ate sa dati pakiusap."
Ganoong pa rin si Ate Elaine ayon sa sinabi ng doktor. Tulala at walang reaksiyon sa mga nangyayari sa paligid niya. Parang gusto ko nang sumuko dahil hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin kami ng kapatid ko.