Episode 6 Sharp Shooter

1001 Words
Gaya ng ipinangako ni Tito Roger isinama niya ako sa practice ng shooting range. Sa tantiya ko ay mga sampu silang kasama ni Tito sa Police Station. Gaya ng bilin niya na kapag may nagtanong sakin na mga kasamahan niya, ang sabihin ko daw ay hindi ako menor de edad. Ang sabihin ko ay nasa labing siyam na taong gulang na ako. Malapit ang loob ko kay Tito Roger gaya ni Nanay Selma itinuturing na din niya akong anak o pamangkin. Noon bata pa lamang ako ay tinuruan niya ako lumaban o ipagtanggol ang sarili ko. Willing naman ako matuto dahil nun bata pa ko ay iniisip kong magagamit ko ito kapag nag krus na ang mga landas namin ng mga Montefalco. Tinuruan din niya akong mag boxing kaya walang nangangahas na mga lalaking mangbastos sakin magmula sa village namin hanggan sa mga squatter sa labasan, dahil tiyak na manghihiram sila ng mukha sa aso. Bugbog sarado ang aabutin nila kapag pinangtangkaan nila ako. Bukod sa ear and eye protection may nakapasak din sakin na foam ear plug kaya kahit anong putukan ay hindi ako mabibingi. Sunod-sunod ang mga putok ng baril sa mga target at nang matapos sila ay tinawag ako ni Tito Roger. Alam ko kung bakit niya ako tinawag yun ay upang pakitaan ko ng galing. Nakatitig sila sakin at naghihintay sa gagawin kong pag asinta sa target. Napawow sila sa unang putok na pinakawalan ko bulls eye na headshot yun kaya tuwang tuwa ang mga pulis sakin. "Pambihira Pare may pamangkin ka palang sharpshooter!" Wika ng isang pulis na hindi maitago sa mukha ang pagka amazed niya sakin. "Kanino pa ba magmamana yan edi sa Tito niyang magaling, aba bata pa lang tinuruan ko na yan umasinta ng baril." Sagot ni Tito na very proud sakin. "Di ba Roger siya yun isinama mo last year?" Sabi ng isang pulis na nasa likuran ko. Nang lingunin ko at ngitian ay natatandaan kong lagi siyang bumibisita sa bahay. "Siya nga Alfred, Erin pakitaan mo pa nga ang tropa natin." Utos sakin ni Tito Roger. Muli kong ikinasa ang baril na hawak ko. Itinaas ni Tito Roger ang kamay niya bilang hudyat na ihanda ang next target ko. Pagkababa ng kamay ni Tito ay umangat ang target na may litrato ng isang gunman. Mabilis kong pinaputukan ng tatlong bala ang target. Magkakasunod ang pinakawalan kong mga bala. "Pucha Roger sharpshooter itong bata natin. Ang galing walang mintis!" "Ibang klase pinatamaan mo muna yun kamay dahil may hawak na baril tapos saka pinaputukan ng headshot at isa sa dibdib lahat fatal shot yun." "Nakakabilib!" Wika ng isa na hindi mapigilan humanga sakin. Tuwang tuwa sila sa nakita nilang galing ko sa pamamaril. May mga nagkumbinsi sakin na mag-aral ng criminology at katulad ni Tito ay magpulis din. Pabirong sabi ni Tito ay tinitrain niya ako bilang assasin mapagkakakitaan daw ng malaking pera ang talento ko. Nagtagal pa kami ng isang oras sa firing range pero nang matapos na ay nauna na kong umuwi dahil may pupuntahan pa sila. Sa totoo lang kada pagbaril ko kanina ang nasa isip ko ang tatlong magkakapatid na Montefalco. Maisasagawa ko din ang paghihiganti ko bibili ako ng baril at susubukan makalapit sa mga Montefalco. Mag aaply akong secretary, katulong o kahit ano pa basta makapasok lang ako sa mga pugad ng mga demonyong iyon. Nasa tapat pa lang ako ng gate ay nakita ko na si Nanay Selma ang dati kong yaya na nakabusangot ang mukha. Nakatayo sa pintuan ng aming bahay at nakabusangot, mukhang may bagyo akong sasagupain. Napabuntong hininga na lamang ako sapagkat wala talaga akong maitatago kay Nanay Selma kung pasok siya sa Intelligence Unit. "Pumasok ka sa loob." Halata sa tinig ni Nanay Selma na galit siya. Pagpasok namin ay inutusan niya akong maupo. Para akong bata na may kasalanan na may paluang magaganap. Pagkaupo ko ay inilagay ko ang bag ko sa may kalumaang sofa. "Napaka tigas talaga ng ulo mo Erin! Hindi ka titigil hanggat hindi ka napapahamak sa ninanais mong makaganti sa mga Montefalco." Alam kong galit na galit si Nanay Selma pero pilit niyang pinapakalma ang sarili. Inilayo ko na lamang ang mga mata ko sa kanya at ibinaling sa picture frame namin lahat na parang isang pamilya. Dahil doon ay naalala ko sila Mama at Papa pati na rin si Ate Elaine nakahanap ako ng maikakatwiran kay Nanay Selma. "Paano naman ang mga magulang ko? Si Ate Elaine? Ganoon na lang ba mananahimik na lang ako habang panahon habang nagdurusa ako. Hindi niyo alam ang nadarama ko, nakikita niyong maayos ako pero sa nakalipas na panahon ang puso ko dumudugo sa bawat araw na lumilipas. Gabi-gabi umiiyak ako naalala ko ang sinapit ng pamilya ko, halos isipin kong galit ba samin ang Diyos kaya hinayaan niyang mapasakamay kami ng mga demonyong iyun. Nasasaktan ako sa kawalang hustisya na sinapit ng pamilya ko. Ako nagdurusa samantalang yun mga hayop na yun nagpapakasaya sa tagumpay na nakamit nila gawa ng kayamanan nakuha nila sa pamilya ko." "Anak Erin nauunawaan kita alam kong gabi gabi na umiiyak ka pinakikinggan kita sa likod ng pinto ng kuwarto mo. Ang aking lang ay ano ang mangyayari sayo kapag ipinilit mo ang gusto mo." Nag umpisa nang lumuha si Nanay Selma at ganoon din ako. "Sabihin na natin kung magtagumpay ka paano na ka? Kakayanin mo bang mabuhay sa kulungan? Paano ang Ate Elaine mo? Anong mangyayari sa kanya kapag napariwara ka? Kaya pakiusap Erin ang isipin mo yun kapakanan mo pagkatapos ng mga pinaplano mong paghihiganti." "Pasensya na po kailangan kong ulit lumabas nahihirapan po akong huminga. Kailangan kong sumagap ng hangin." Alam ko sa sarili ko na matigas ang kaluoban ko pero napag isip isip ko na may rason din si Nanay Selma. Paano nga si Ate Elaine kahit hindi ko isipin ang sasapitin ko. Pagkalabas ko ng pinto dumeretso ako palabas ng gate. Gusto kong magliwaliw, gusto kong sandali ay mawala lahat ang mga alalahanin ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD