Episode 7 Bagong Kaibigan

1516 Words
"Paano naman ang mga magulang ko? Si Ate Elaine? Ganoon na lang ba mananahimik na lang ako habang panahon habang nagdurusa ako. Hindi niyo alam ang nadarama ko, nakikita niyong maayos ako pero sa nakalipas na panahon ang puso ko dumudugo sa bawat araw na lumilipas. Gabi-gabi umiiyak ako naalala ko ang sinapit ng pamilya ko, halos isipin kong galit ba samin ang Diyos kaya hinayaan niyang mapasakamay kami ng mga demonyong iyun. Nasasaktan ako sa kawalang hustisya na sinapit ng pamilya ko. Ako nagdurusa samantalang yun mga hayop na yun nagpapakasaya sa tagumpay na nakamit nila gawa ng kayamanan nakuha nila sa pamilya ko." "Anak Erin nauunawaan kita alam kong gabi gabi na umiiyak ka pinakikinggan kita sa likod ng pinto ng kuwarto mo. Ang aking lang ay ano ang mangyayari sayo kapag ipinilit mo ang gusto mo." Nag umpisa nang lumuha si Nanay Selma at ganoon din ako. "Sabihin na natin kung magtagumpay ka paano na ka? Kakayanin mo bang mabuhay sa kulungan? Paano ang Ate Elaine mo? Anong mangyayari sa kanya kapag napariwara ka? Kaya pakiusap Erin ang isipin mo yun kapakanan mo pagkatapos ng mga pinaplano mong paghihiganti." "Pasensya na po kailangan kong ulit lumabas nahihirapan po akong huminga. Kailangan kong sumagap ng hangin." Alam ko sa sarili ko na matigas ang kaluoban ko pero napag isip isip ko na may rason din si Nanay Selma. Paano nga si Ate Elaine kahit hindi ko isipin ang sasapitin ko. Pagkalabas ko ng pinto dumeretso ako palabas ng gate. Gusto kong magliwaliw, gusto kong sandali ay mawala lahat ang mga alalahanin ko sa isip ko. Naglakad lakad ako sa kalsada bawat bahay na madaanan ko ay binabati ako ng mga kakilala ko. Bahagya ko lamang silang nginigitian hanggan sa mapadaan ako sa bahay ng mangliligaw kong si Anthony. Gaya ng dati pag ganitong hapon ay nakatambay siya labas nabuburyong sa pagbabantay ng maliit na grocery at gym nila. "Erin my loves saan ka pupunta?" Sigaw niya habang papalapit sakin. Huminto naman ako para abutan niya ko. Bagamat gusto kong magliwaliw at wala sq mood pero pagdating sa kanya ay hinahayaan ko lang siyang kausapin niya ako. Siya lang naman kasi yun nakikinig sakin sa mga problema ko, alam niya lahat. Pogi naman si Anthony malaki katawan dahil madalas siyang magbuhat ng bakal. Pero kahit anong pagpapaganda ng katawan niya at pang aakit sakin wala talaga. Dahil ang isip ko nakatuon sa paghahanap ng trabaho at makaganti sa Montefalco. "Smile ka na lagi ka na lang nakasimangot. Badtrip ka naman ata." Wika niya. "Sort of. Same old issue." Maikling sagot ko. "You need shoulder to cry on?" Wika ni Anthony na nag eenganyong yakapin ko siya. Semi kalbo, medyo moreno si Anthony at dahil nagttry ito glutha kaya pumupusyaw siya. Manipis ang mga labi na matangos ang ilong. Matanda lang siya sakin ng ilang taon pero hindi ko masasabing bet na bet ko siya. "Bakit Mister Sando boy? Naligo ka na ba? Baka naman kagagaling mo lang sa pagbubuhat." Paniniguro ko. "Kakatapos ko lang." "Okay Good, samahan mo ko gusto ko maglakad lakad." Sabi ko. Habang naglalakad kami ay napahinto kami ni Anthony sa dating bakanteng lote na ginawang food park. "Anthony!" Sigaw ng isang lalaki sa loob sabay taas ng baso. Tumingin muna sakin si Anthony tila nanghihingi ng permiso kung pupuntahan ba niya sa loob ang lalaking umaaya sa kanya ng inom. "Okay lang." Agaran kong sagot na pinapayagan ko siyang pumunta doon at iwan na ko. "Dont mind me." Nang mapansin kong nakatingin pa rin siya sakin. "Tara lets go inside mababait yan mga tropa ko kasama din nila yun mga kaibigan at girlfriend nila. "Hmmm sige ikaw bahala sakin ah pag nalasing ako." "Ihahatid pa kita ng kotse ko sa inyo." Garantiyang sagot niya. "Baliw wala pa ngang 500 steps yun lakad ko magmula dun sa bahay." "Alam mo kaya gusto kita eh iba nga lang yun talino mo Erin." Paghanga niya. "Baliw ang dami mo pang sinasabi diyan halika ka na nga." Ako pa ang kumaladkad kay Anthony papasok sa loob. "Thats my girl! Hindi killjoy." Pagpasok namin sa harang ay pinuntahan namin ang mga nagiinuman sa lamesa. Ipinakilala ako ni Anthony sa mga kaibigan niya. They were all smiling habang nakikipagkamay ako sa kanila. "Ang ganda naman ng girlfriend mo Anthony may foreign blood ka ba?" Tanong ng isang lalaki na halos hagudin na ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Sasagot na sana si Anthony nang sumabat ako ng "Soon." I saw Anthony's eyes sparkled na halatang ikinatuwa niya ang sinagot ko. Hindi niya mapigilan mapangiti pero ang purpose ko lang talaga ang maglagay ng boundaries sa mga lalaking naroon. Loner kasi akong tao at ang mga ganitong happenings na party, jamming iniiwasan ko magkaroon ng suitors. Saka ko na lang poproblemahin si Anthony kasi sa tantiya ko I caught all the attention ng mga kalalakihan dito. "Actually German ang lahi niya pero dito na siya lumaki." Mabilis na sagot ni Anthony. "So Erin ano mas gusto mo German o Pinoy?" Tanong ng isa pang lalaki na may kalakihan ang katawan, mukhang nagbubuhat din ng bakal. "Siyempre pinoy." Sagot ng lalaking wagas makatingin. Halatang masama ang tama sakin ng lalaking ito. "Gusto ko yun matino." Pambasag kong sagot sa kanila. Sa tingin ko naman eh wala nang mangangahas na magkainterest sakin. Natahimik ang iba at ang iba obvious na sinadyang magpatikhim. Mukhang nagtatagal na kami ni Anthony sa pagkakatayo sa mga nakaupong tropa ni anthony, kaya binulungan ko si Anthony na kung maari ay doon ako maupo sa mga kaibigan nilang mga babae. Kaagad na ipinakilala ako ni Anthony sa grupo ng mga babae kaagad ko naman nakagaanan ng loob sila Liezel, Antoinette, Cheska , Maribel maliban lang kay Ana na parating nakataas ang kilay. Kaagad ako binigyan ng drinks at naging sentro ng usapan namin ang kahirapan maghanap ng trabaho sa Golden City. Lahat sila ay kagaya kong nakapagtapos ng pag aaral maliban lay Ana. Nalaman ko ang iba sa kanila ay sales lady lang ang nakuhang trabaho at nagnenegosyo na lang sa pag gawa ng lipstick, liptint, at nasa real estate. Masaya ang paksa ng usapan sa grupo naming mga babae lalo pang sumigla ang gabi ng buksan na ang ilaw dito sa food park. "Ang ganda naman pala dito." Sambit ko. Ayon sa kanila sila daw ang gumawa nitong food park na alam kong dati itong bakanteng lote. Ang pasimuno daw nitong food park ay yun lalaking mataba na kalbo na tumawag kay Anthony. Mula sa mga ilaw na mga lantern sa hawaii, mga christmas light na gumapang sa dingding at mga halaman at pinaganda ang bar. Umalis ang iba at naiwan kaming dalawa ni Ana sa lamesa. Humaba pa ang inuman at chikahan namin hanggang sa nagiging maingay na at emotional si Ana. Sa hindi inaasahan ay inamin niya saking isa siyang prostitute. Umiiyak siya habang kinukuwento niya sakin ang mga paghihirap niya. Nakadama din ako ng lungkot dahil tulad niya ay mag isa lang siya dito sa Copper City. Nasa Palawan daw ang pamilya niya at matagal tagal na din niyang gustong umuwi. "Mas mainam pa nga ang kalagayan mo,ikaw may pamilya ka pang naghihintay sayo samantalang ako ang nagiisang buhay na kamag anak ko ayun nasa mental hospital." wika ko. "Ha bakit anong nangyari sa pamilya mo?" Naluluhang tanong niya. "Namatay silang nasusunog kasama ng lahat ng kabuhayan namin ng mga taong pinagkatiwalaan namin." Sagot ko kay Ana sabay inom ng alak. Buong tapang kong ikinuwento ang tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Pinigilan kong magbreakdown o maiyak kasi napakaraming tao dito sa food park. Humanga si Ana sa lakas ng loob at katapangan ko napagtanto niyang mas mahirap ang kalagayan ko kumpara sa kanya. Niyakap ako ni Ana na dapat sana ako ang magpamper kanina sa kanyang nagdradrama siya. Pero ako idinaan ko lang sa pag inom ng alak ang pagbabalik tanaw ko sa buhay ko. Napatingin pa samin si Anthony halatang nag aalala siya samin ni Ana habang nasa kabilang lamesa siya. Sumenyas lang ako ng okay lang kami ni Ana. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng malapit na kaibigan sa katauhan ni Ana. Kung kanina ay nagdadrama kami ngayon ay puro tawanan na ang maririnig samin dalawa. "Close na kayong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Maribel. "Oo nga parang ang bilis niyo atang naging click sa isat isa, kanina eh hindi pa kayo nagpapansinan." Saad ni Antoinette. "Well birds at the same feather..." putol na sabi ni Ana. "Maganda together." Naatatawa kong sabi. "Korek ka diyan Mars basta kaming dalawa ni Erin masaya kami ngayon." Sabay toast namin ng baso ni Ana. "May nangyari ba dito nang mawala kami?" Tanong ni Liezel Matapos namin magtinginan ni Ana ay muling nagtawanan kami. Wala naman silang nagawa kung di maki ride on sa kakulitan at kalasingan namin. Bago pa kami maghiwalay hiwalay ay niyakap ako ni Ana. Sa sobrang lasing ni Ana ay paulit ulit niyang pinagbibilinan si Anthony na ingatan ako. Masaya naman ako ng gabing iyon dahil nakatagpo ng isang kaibigan na matutulungan ako sa paghihiganti sa mga Montefalco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD