Chapter five:Friend

1354 Words
Ayalyn Pov; "Time to uwian na" bigkas ko at uminat inat pa ako,.pagkatapos kong uminat inayos ko na ang mga gamit ko "Ba-bye Insan?" paalam ng pinsan kong mabait sabay gulo ng buhok ko, nagmamadali na din lumabas, di halatang nagmamadali ah "Bye din" sigaw ko na lang Kumaway na lang din ito Malapit na ako sa may gate exit ng campus namin ng makita ko si transferee nakatayo na sa may tabi ng big bike, parang isang modelo ang datingan niya. " Hanep!.,ang angas niya talaga, teka sa kaniya ba iyan, may inaantay ba siya., mukhang may inaantay ata." Napalaki bigla ang mga mata ko nang makita kong naka tingin na din pala ito sa akin At napatakip ako ng bibig,.saka ko lang naalala yong pag uusap namin kanina "Ihahatid kita mamaya" parang nag echo sa pandinig ko yong sinabi niya iyon kanina. Para tuloy akong nababaliw, nag e echo boses ng tipaklong na yan' Nagtakip ako ng teynga ko "Hindi pwide!! ayoko nga!!" Mukhang pinapanood niya ako, umiwas na lang ako ng tingin sa halip nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas ng campus. Maya't maya lang di pa ako nakakalayo sa may gate exit namin ng may biglang humintong big bike sa harap ko. Siya!! "Luh!! seryoso nga talaga siya" Nagulat na lang din ako nang bigla niyang ihagis sa akin ang helmet "Bilisan mo unggoy" "ha?! a- ano daw u-unggoy? a-ako?" nabinge binge ata ako don "Dika ba marunong sumuot ng helmet?" may pa inis pang tuno sabi nito "Hoy! ako ba yong tinawag mong unggoy-" Napahinto na lang ako sa sasabihin ko nang bigla itong bumaba at lumapit sa harapan ko at kunti na lang ang pagitan sa amin at kinuha yong helmet at sinuot sa akin Di na ako makagalaw ano nangyayari sa akin ba't parang biglang nanigas ang katawan ko sa ginawa niya. "Bubuhatin pa ba kita para sumakay?" Mukang freeze na freeze na talaga ng bunggang bungga ang katawan ko lalo na sa sinabi niya Teka bubuhatin ba kamo Naramdaman ko na lang na lalo siyang lumapit at akmang hahawakan na ang magkabilang baywang ko "Ahhaayy! wag mong susubukan' lokong to" pinag krus ko agad ang dalawang braso ko sa may dibdib ko "Babagal bagal ka pa kasi bilisan mo na at gagabihin na tayo sa daan" sabi nito at sumakay na "Tssk! dahan dahan lang ang pag patakbo ha gusto ko pang mabuhay" sabi ko habang pa angkas na din ako "Pahawak sa braso ha" paalam ko Di naman sumagot **** "Ayan na ang bahay namin" turo ko sa kanya "Dito mo na lang ako ibaba" sabi ko Ngunit di ako pinakinggan sa halip sa tapat pa ng bahay namin niya hininto. "Hoy!! sabi ko wag na sa tapat ng bahay namin ehh!" "Dapat pala diko na lang tinuro yong bahay namin, nakalimutan kong baluga nga pala itong kasama ko'' bulong ko "Ano sabi mo?" "Wala! kako kung nakikita mo ba yong malaking bahay na yon?" "Hindi ako bulag" sarkastikong sagot nito "Tsskk' batukan ko kaya to' ayon ang bahay ng crush mong pangit" Di ito umimik sa halip bumababa din at nag tanggal ng helmet Aba't ano na naman kaya ang balak nito kumag na'to "Tao po?" Biglang nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig niya "Uuyy!! nababaliw kana ba??!! ano bang ginagawa mo!! umuwi kana sa inyo! di ka pweding makita nila tatay dito , baka anong isipin nila sa'tin,.malalagot na ako niyan sa pinaggagawa mo ehh!" nagmaktol na ako "Why? gusto ko lang naman magpakilala sa parents mo as your friend" "No need na ako na magsasabi sa kanila., tsaka hindi naman tayo ganon.,, kaya please alis na!" taboy ko sa kanya "Paano kong ayoko" "Naku naman' hindi ka lang pala may pagka arogante matigas din pala bungo mo.Tara punta na lang muna tayo kila Yna parang awa mo na malalagot talaga ako kapag--" "Ayalyn?" Paglingon ko Lagot si itay nasa may labas ng gate na din pala at napatiim bagang pa at naningkit nang makita niyang hawak hawak ko ang braso ni William Pagtingin ko naman sa kaniya nakangiti na naman ng nakakaloko "Tssk mukhang joker" pabulong kong sabi "May kasama ka pala anak" tunong may matigas sa dulo na parang nanunusok sa teynga ko Lagot na talaga bwesit kasi tong tipaklong na'to., tumingin ulit ako sa kanya "Hello po' ako po si William, kaibigan po ni Ayalyn " Tumikhim na lang si itay at pinagmamasdan kaming dalawa Tapos naka ngiti lang itong isa na'to habang ako parang kulang na lang ilalagay ako sa sako ni itay at itapon sa ilog kung tumingin sa akin "Pasok na kayo para makapag meryenda iyang kaibigan mo Ayalyn" si inay "Ahhm., a-ano po kasi.,, pauwi na din naman po si William inay..Diba!??" Tumingin pa ako sa kanya at suminyas na tumanggi siya, ngunit di ako pinansin Aba't mukang wala talagang balak umuwi tong isa na'to "Pasok na daw tayo" sabi niya pa at nauna pa ngang pumasok "Aba't feel at home na feel at home ahh" parinig ko "Whatever" narinig ko sa kanya "Aba't tong bwesit na kutong lupa na'to" "May sinasabi ka ba Ayalyn?" tanung ni inay "Wa-wala po inay" Tinulungan kong maghanda ng meryenda si inay at tong mokong na ito.,, pag lingon ko sa kanya walang kaimik imik na naka upo sa may sala habang ako nag iisip kung paanong paliwanag ang sasabihin ko kila itay. "Tssk Presko talaga" "Ano binubulong bulong mo diyan Aya?" tanong ni inay "Ahm' wala po inay" "Yong kasama mo-?" Naku po.,, ayan na nga magtatanung na ang inay...,, isip.., isip.., "Nku inay nagpapasama po sa akin na manligaw kay Yna natatakot daw po kasing pumunta ditong walang kasamang taga dito kaya ayan po ako ang kinukulit" mabilis kong sabi "Ahh ganun ba' pero di naman ako nagtatanong, tawagin mo na sana para mag meryenda na kayong dalawa" napangisi pa nga ang inay Parang may biglang may uwak akong naririnig, pahiya ba Ayalyn "Ahh' heheh sige po" Nagtungo ako sa sala kung san nandon ang tipaklong aba't setting pretty pa ang loko "Hoy! mag meryenda kana daw" Agad naman itong tumayo Di man lang nagpapakita ng kunti hiya tong loko na'to mukang iniwan ata niya sa knilang bahay "Pagkatapos mo kumain umuwi kana sa inyo ha" "Depende" "A-ano s-sabi mo!?" "Pag pinauwi ako ng parents mo saka ako uuwi" Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko nga pala kanina naglaro ako kanina baka isumbong ako ng isang to'. "Uyy nga pala, hhmm ano kasi-" paano ko ba sasabihin "Bakit?" "Si itay kasi pinapagalitan ako kapag nalalaman naglaro ako ng volleyball" "Tapos?" "Huwag mo sana akong isusumbong na naglaro kami-ako kanina" Di sumagot sa halip tinuloy lang ang pagsubo at pag nguya ng pagakin "Sarap na sarap ang loko ah" sabi ko naman dito, ngunit di naman ito umimik. "Hoy! hinay hinay nga lang sa pagnguya mo, di halatang sarap na sarap ka sa luto ng nanay ko ah." Di parin ito umimik. Tssk nice talking talaga eh' "Buti naman Ayalyn nagdala ka dito ng mukang TAONG kaibigan at nagsasawa na kami sa mga pag mumukha ng mga kaibigan mo lagi puros sila jerald pumupunta dito" si itay Grabi naman itong itay ko, ganyan lang talaga siya sa pinsan ko pero pinakapaborito niyang pamangkin si Jerald.. Pero tuwing marinig ko ang boses ni itay ngayon mas lumalakas lalo ang kaba ko Itay wag ka na lang po mag salita kapag nag sasalita ka parang lalabas puso ko sayo sa kaba kakaiba iyang tuno mo eh.,, sa isip ko naman "Tay! hindi naman mukhang tao iyan eh mukha ngang tipaklong ehh;" pang inis na sabi ko at tumingin sa kanya umismid lang ito Tsskk!! "Nga po pala tito kanina si Ayalyn nagla-" "Naku! kumain kapa Liam ito pa ohh' diba masarap luto ni inay." Narinig ko pa ang pag ngisi niya "Ano bang ginagawa mo, nababaliw kana ba??!" inis na tanong ko sa kanya "Susumbong kita sa kanila awayin mo pa ako." "Tsskk! para kana naman bata." "Im not' you are!" sabi naman nito Pinandilatan ko na lang ito ng mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD