Jerald PoV;
Tsskk!! ba't kasi pinapunta pa ng mokong na iyon si Aya sa library.
Nung nalaman ko kasing tapos na ang laro nila agad na akong bumili ng pagkain niya for lunch. At inaantay ko siya dito sa classroom kasi alam ko na dito na siya didiretso dahil oras na ng lesson namin, ngunit wala paring Aya na dumating. Kaya kino contact ko na din siya ngunit di sumasagot.
"Ang tagal naman ng pangit na'yon" inip na sabi ko at tumingin pa ako sa orasan namin
"Aiiyst!! anong oras na, di pa siya kumakain"
"Yong pinsan mo ba ang inaantay mo nasa library siya ngayon pinapunta ko siya doon"
Napalingon ako sa nagsalita yong bago namin classmate lang pala busy sa pagbabasa ng libro
Napakunot noo ako
"At bakit mo naman siya pinapunta doon?"
Hindi sumagot sa halip nakatuon lang ito sa librong hawak niya.
Di na ako nag antay pa ng sagot niya kaya agad na akong nag tungo sa library
"Tsss! may pagka astig din talaga ang kulugo na iyon"
Malapit naku sa library sakto naman na kakalabas niya din
"Insan?!" tawag ko sa kaniya
Bigla naman bumusangot ang mukha
"Bakit?" tanong nito at sumambakol na naman
"Naka sambakol na naman ang mukha ng pangit na'to" sa isip
Nang makalapit na ako sa kanya napansin ko kaagad ang mga braso niya. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang mga pasa sa braso niya
Kawawa naman ang pinsan ko puros pasa na lang kakalaro ng volleyball. Kahit ako ayoko din sana na naglalaro siya ng volleyball dahil malapit parin sa disgrasya syempre ayoko din na nakikitang umiinda sa sakit tong pinsan ko dahil minsan nagkaka injury siya. kaya ayokong manood ng mga laban nila pero kapag nalitan ko naman na may nangyari sa kanya halos lumipat naku patungo sa kanya sa pag aalala. Ako agad ang nenerbyos dahil bukod sa sakit na iniinda niya malalagot pa ako kay tito kabilin bilinan kasi ni tito na bantayan ko daw ang anak niyang pasaway. Ayon nga pasaway nga sobrang tigas ng ulo kaya minsan dinadaan ko na lang sa pang aasar ko para makabawi bawi man lang sa pagiging pasaway niya kila tito. Naiintindahan ko naman din sila tito nag aalala din naman sila kay Aya syempre nag iisang anak na nga lang eh. Kaya nasobrahan ata sa spoiled kaya ganyan kapasaway.
"Hoy! wala ka nang imik diyan! bakit nga?!!"
"Iyang mga pasa mo lagot ka na naman kila tito"
"Aiiyss!! iyan lang pala sasabihin mo sa akin, kala ko naman kung ano" inirapan niya pa ako at nagpatuloy nang mag lakad
"Ohh'' inabot ko sa kanya yong supot na laman pagkain
Aba' agad naman nag kislapan ang mga mata bruha na'to sabay kinuha niya naman agad
"Woow!! Thank you da best ka talaga insan"
"Tssk! wag mo na akong utuin, nga pala doon kana kumain sa room natin wala tayong lesson kay Maam Esme kaya free tayo gang 3pm"
"Oh?' talaga hmm' sige gutom na din talaga ako ehh"
"Kaya kumain kana"
"Thank you ulit dito" palambing na sabi ko
"Thank u ka diyan may bayad iyan no"
"Aaytt!" ngumuso pa nga pa cute lang
"Tigilan mo iyan di ka cute" pang aasar ko bigla naman sumeryoso
"Kain kana lang' may pupuntahan lang ako"
"Opo, saan ka na naman lalandi?"
"Manahimik ka na lang kung ayaw mong bawiin ko iyang pagkain hawak mo" banta ko na agad alam ko na naman kasing mapupunta na naman sa asaran ang usapan namin na'to
Nag zip mouth naman siya at saka umalis
Ayalyn POV;
Habang papalakad naku patungo sa classroom namin tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na
"1pm na pala kaya pala nag aalburoto na tong tiyan ko"
Lagot ako nito kay Sir Alvin, kaya din ata diko na siya naabutan sa library kasi 1pm na at may klase na din. Di bale pupuntahan ko na lang siya sa office niya kakain na muna ako
Wala din ang mga classmate namin nagsiligawan siguro.
Busy na ako sa pag nguya ko ng pagkain ng biglang may narinig ako 'hoy'
"Hoy!?!"
"Hoy! pangit" ulit nito
Kaya napalingon na ako Si transferre lang pala.
Hindi ko to napansin na pumasok ah may pagka maligno ata to eh..
Pero sino naman kaya tinatawag nitong pangit
Lumingat ako sa paligid
Ehh ako lang naman at siya tao dito sa classroom
Tsaka hindi naman ako pangit
Naningkit mga mata ko inaantay ko kasing magsalita ulit dahil sa akin na naka tingin
"Hoy!"
Napangiwi ako at napataas ng kilay, aba't ako nga talaga ang tinatawag niya maka hoy ah wagas at saka ano daw 'pangit' tsskk felling close
Di ko siya pinansin sa halip nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko
"Hoy!" may inis na tawag ulit nito
"Bakit ba?" may inis na tanong ko dito
"Pinsan mo ba si Yna Monroe?"
Napangisi ako alam ko na to eh
"Bakit?"
"Kung pinsan mo nga?"
"Hindi magkaiba apelyido namin eh Lopez ako siya Monroe" sarkastikang sagot ko
Nanahimik siya pero nanatiling naka titig lang sa akin kaya nakipagtitigan din ako sa kanya kaya napansin kong may pagka kulay brown ang mata niya.
Nakakailang kaya ako ang umunang umiwas ng tingin sa kanya.
"Sabi kasi nila mag pinsan daw kayo ni Yna pero mukhang di ata kayo magkasundo magpinsan "
"Bakit ba kasi?"
"Magpapatulong sana ako sayo manligaw sa pinsan mo pero mukhang di ata kayo magkasundo eh"
Sabi na ehh
"Oo nga, kaya wag mo na ako idamay diyan, tsaka pwedi mo naman siya ligawan na wala kang sidekick"
"Takot ako pumunta sa barangay niyong walang kasamang taga doon"
"Oh?' di yong ibang taga doon na lang ang istorbohin mo wag ak-"
"Ikaw ang gusto ko" seryosong sabi nito na nakatitig pa sa akin
"Ayoko! nag-
"Libre na ang LUNCH mo":
"Ayoko pa din"
"Pati meryenda and snacks"
"Ako na din ang maghahatid sundo sayo sa school, bahay saan mo man gusto pumunta" dugtong nito
Nanlaki ang mga mata ko
"Seryoso ka!! kaloka ka! pinsan ko ba talaga ang nililigawan mo oh ako?" pabirong sabi ko
"Ang pinsan mo, WAY ka lang para maka porma ako sa pinsan mo kaya need kita"
"TSSK!"
"Deal na, kaya mamaya hahatid na kita sa inyo" lalabas na sana ito ngunit pinigilan ko siya kaya agad kung hinawakan ang braso niya
"A-no , Te-teka saglit nga uyy hindi pa nga ako-"
"You already said yes, right?'
Aba't may pa english english pa ang mukong na ito batukan kita diyan eh!
"Aba't Hoy!"
"Ano na daw?"
"Sila na ba ni Cap?"
"Parang sila nga' may MU pa ata"
"Pero parang bago lang yong guy dito"
Narinig kong sabi ng mga marites na studyante kaya napalaki naman ang mata ko nang makita ko din na hawak hawak ko pa ang braso niya kaya bigla ko itong binitawan, na napa ngisi naman ito sabay alis
"Itong antipatiko na'to" sa isip ko
Hinayaan ko na lang siyang umalis baka kasi ano pa talaga ang isipin ng mga tsesmoso na'to kaya humarap ulit ako sa kanila
"Kayo na po ba cap-"
"Uyy! hindi ah! mali kayo ng iniisip, ano kasi m-may hinihiram kasi sa akin di nagpapalam o-oo y-on nga" teka ba't ba ako nauutal bwesit kasi impakto na'yon
eh
"Ahh' yon naman pala eh" halos sabay sabay naman na sabi ng mga to'
Diko na sila pinansin sa halip pumasok na ako sa room para tapusin yong lunch ko
Bahala siya'