bc

The Tongue of Death (Filipino/Tagalog)

book_age16+
69
FOLLOW
1K
READ
billionaire
self-improved
CEO
bxg
female lead
campus
enimies to lovers
self discover
slice of life
spiritual
like
intro-logo
Blurb

[Free to read]

Jemima Clarize is the ruthless and shameless landowner. Boys hate her and girls loathe her. Students fear her and her neighbors love to gossip about her. She loves it when she pick a fight.

Her life meet a turning point when she is force to sell her land to Jaxx Archangel. Jemima starts again from scratch and her enemies rejoice at how fast she fall down from the top. However, Jemima make it to the top again and it is time for her to charge those who made her suffer, and that includes herself.

Based on James 3:8 "But no human being can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison."

The Tongue of Death (Revival Series Book 3)

Aranew 2020

All glory to God.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isang ordinaryong araw ng Oktubre. Walang ulap sa kalangitan at masakit sa balat ang sinag ng tirik na araw. Nag-iingay naman ang gahaman kong tiyan. Kakamatay lang ng matandang Teresita. Binurol ngayon sa bahay. Naniniwala sa pamahiin si Darina kaya papunta ako do'n dala ang paborito kong sisiw na kinuha ko pa sa manukan. Ilalagay niya raw sa kabaong ni Teresita. Tanong ko naman sa kaniya, pwede ko bang ihawin ang sisiw pagkatapos maglaro sa ibabaw ng kabaong? Hinampas nalang ako bigla ng sandok ni Darina. "Tutunganga ka lang diyan?" Naningkit ang mga mata ko sa babaeng kanina pa yata gustong magpasapak. "Akina pera mo!" "J-Jemima." Aba. Ang tigas pala ng babaeng 'to. Tiningnan ko ang yakap-yakap niyang malaki-laking wallet. "Kung bi-bisikleta ka, tumingin ka naman sa daan! Muntik mo na 'kong masagasaan, a! Li*tek ka! Kung ayaw mo akong mag-reklamo, ibigay mo sa 'kin ang pera mo!" Yumuko siya at humingi na naman ng tawad. Tapos tumakbo palayo ang walang 'ya. Huminga ako nang malalim sa inis. Hindi ko na hinabol kasi may sisiw pa akong dapat ihatid at kumakalam na rin ang sikmura ko. Tirik pa ang araw na nakakadagdag sa sakit sa ulo. "Wag ka nang magpakita sa 'kin hay*p ka!" sigaw ko sabay sipa sa gulong ng bisikleta niya. Nakakainis. Kaninang umaga lang din, muntik na akong masagasaan ng isang malaking pick-up. Ni hindi man lang huminto ang drayber para humingi ng pasensya, o kaya binigyan man lang ako ng pera para manahimik. Lint*k talaga. Mayaman yata ang isang 'yon dahil galante sa pananamit. Plate number lang ang nasaulo ko sa hay*p na kotseng 'yon. Kapag talaga nakita ko ulit ang kotseng 'yon, titirisin ko 'yong may-ari! Busangot akong nagpatuloy sa pag-abante. Sa katunayan, ayaw kong pumunta sa burol ni Teresita pero baka palayasin ako ni Darina't Nicanor nang hindi oras kung hindi ako sisipot. Hindi ko pa nalilimutan ang walang pakundangan nilang pagtatanong sa akin kung bakit namatay si Teresita. Aba, malay ko! Hindi ako eksperto para hingan nila ng autopsy report! Si Nicanor naman, ako 'yong unang pinagbintangan sa kamatayan ni Teresita. Kung bakit daw ako naging suwail na bata at palaging ginagalit ang matanda. Aba, hindi ko kasalanan na mabilis kumulo ang dugo ng matandang Teresita sa akin. Simula nang nagkamuwang ako, hindi ko man lang nakitang ngumiti si Teresita sa akin. Wala naman akong pakialam kung hindi ako ang paborito niyang apo. Sa ayaw o gusto ng matandang Teresita, ako lang ang nag-iisa niyang apo. Kaya wala rin akong karibal sa oras at pangaral niya. Ayos sana kung pangaral, pero may kasama lagi 'yong panlalait at pangangalipusta sa pagkatao ko. Kaya mas ginusto ko na lang na lumayo sa kanila. Ayaw kong makihalubilo at maging plastik sa harap ng mga taong nagpalaki sa akin. Hindi ako sanay sa pagiging plastik kasi hindi naman naging plastik ang turing sa akin ni Teresita. Liban sa nakakabatang kapatid niyang si Felipa. 'Yang si Felipa ang nag-iisang plastik na kadugo ko. Alam kong siya lagi ang nagpapakalat ng tsismis tungkol sa akin kaya hindi na ako magtataka kung pagpasok ko sa bukas na pinto ng bahay ay maririnig ko ang samu't saring bulungan ng mga tsismosa kong kapitbahay. "Siya raw pumatay sa lola niya," bulong ng isang kapitbahay. "Masamang apo si Jemima. Siya ang pumatay sa lola niya." Umismid ako sa narinig. Halos buong porsiyento sa populasyon dito sa Sitio ay mga tsismosa. Mapa-babae man o lalaki, walang pinipili ang sakit na 'yan. Hindi nga mahinto sa pagbukas-sara ang bibig kaya naman mas lalong kumulo ang dugo ko. Ako ang pinaghihinalaan ng lahat dahil daw ako ang huling nakasama ni Teresita. Mga hindi nag-iisip. Wala ngang murder weapon at lumabas sa autopsy na cardiac arrest ang kinamatay ni Teresita. Pero sadyang walang magawa ang mga kapitbahay at ako ang laging laman ng tsismis sa buong baranggay. Pinagdidiinan nilang ako ang pumatay kay Teresita! Naririndi na nga ako. Kung pwede lang isa-isa kong ibalibag palabas ang mga tsismosa, e ginawa ko na! Kaso dagdag tsismis na naman. Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin sa mga lint*k na chismosa. Para silang mga bubuyog na aali-aligid! Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa harap. Nakita ko ro'n si Felipa. Nakadungaw siya sa kabaong ni Teresita. Lihim naman akong napaismid. Alam kong siya ang nagpakalat sa tsismis, e. Lint*k talaga. "Teresita..." iyak niya. "Mahal kong kapatid, bakit kay aga mong lumisan? Hindi mo pa nakikita ang apo mo sa tuhod." Napapikit ako sa inis. Naglapat ang mga ngipin ko bago ako dahan-dahang humakbang palapit sa kabaong. Umikhim ako. "Tabi sandali. May ilalagay ako sa kabaong," matabang kong sambit. Tumayo nang maayos ang matanda at lumingon sa akin. Nakita ko ang palihim niyang pag-irap. Napaismid ako. Alam kong dahil sa mga bisita kaya hindi pa niya ningungudngod ang mukha ko sa kabaong. "Nandito na ang apo mong walang galang. Hindi marunong rumespito sa matanda," gigil niyang sambit. "Kung hindi dahil sa 'yo, noon ko pa 'to pinalayas." "Sabihan niyo na muna si Papa, 'La. Baka hindi siya papayag," biro ko na dinaan ko sa ismid. Napahinga siya nang malalim dahil sa sagot ko. Humakbang siya palampas sa akin, pero naramdaman kong inapakan niya ang paa ko. Ewan ko ba kung bakit isip-bata ang kapatid ni Teresita. Hindi ko na pinatolan pa dahil dagdag na naman sa tsismis. Alam ko namang mas malinaw pa sa CCTV ang mga mata ng tsismosa, at mas malakas pa ang pandinig nila kaysa sa aso naming matagal nang natigok. Kung pwede lang silang gawing asong tagabantay sa bahay, baka may magawa pa silang silbi sa lipunan. Nilabas ko ang sisiw mula sa bulsa ng varsity jacket ko. Narinig ko ang iyak ng mga sisiw at hindi ko maiwasang manggigil sa mga 'yon. Napangisi ako. Hinawakan ko ang isang sisiw at inalis ang isang balahibo sa may pakpak. Mas lalong lumakas ang iyak ng sisiw kaya bahagya akong natawa. "Jemima, akin na 'yan," sita ng boses ni Darina. Napakislot naman ako sa gulat. Hindi ko napansin ang paglapit niya. "Nandito na 'yong mga sisiw." "Kita ko," sabi niya. Nilagyan niya ng ilang mais ang paanan ng mga sisiw. Tumahimik ang sisiw kanina at tumuka. Tingnan mo nga naman, basta pagkain, tatahan na 'yong mga sisiw. "Jemima, dalhan mo ng inumin ang Tito Baras mo sa labas." "Yong nag-to-tong its?" Nangunot ang noo ni Darina. "Rumespito ka sa tito mo. Ninong mo 'yon." "Ninong ko pala 'yon?" "Jemima." Natawa ako. "Oo na." Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng isang bote ng beer. Nagmartsa ako palabas at nakita ko ang grupo ng ninong ko kuno sa tapat ng bahay, doon sa lilim ng malaking puno ng gemelina. Mga tatlo sila. Kapwa may hawak na barahan at maya-maya pa'y ngumingisi. "Alas!" sigaw ng lalaking nakaupo sa gitna. Sa tingin ko, siya ang Ninong ko kuno pero hindi ako sigurado. Hindi ko kasi kabisado ang mukha dahil minsan ko lang nakikita. Nagtatago pa tuwing pasko kaya hindi ko na gaanong maalala kung anong hitsura. Lumapit ako sa kanila at nilagay ang bote ng beer sa gitna ng mesa. Nag-angat ng tingin ang lalaki sa gitna, 'yong may malaking katawan saka ngumisi. "Jemima!" bati niya. Umismid ako. "Bote, 'nong." Nagtaka nalang ako nang tumawa siya. Nangunot ang noo ko. "May nakakatawa ba, 'nong?" "Hindi kasi ako ang ninong mo, Jem." Humagikgik siya saka tinuro ang lalaking payat sa kaliwa niya. "Ito, si Baras." Napatingin ako sa lalaking tinuro niya. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin. Patuloy lang siya sa pagtingin sa barahang hawak niya. Aba naman, bakit hindi sinabi ni Darina na namumulubi ang ninong ko? Kaya pala pinagtataguan ako tuwing pasko. "Kain ka nang marami, 'nong," sabi ko saka bumalik sa pananggalingan. Narinig ko pa ang halakhak ng kasamahan niya. Ngumuso ako. Buti nalang hindi ko na siya hinanap no'ng nakaraang pasko. May isa pa naman akong ninong na mayaman kaya 'yon nalang siguro ang huhuthutan ko sa susunod na buwan. Malapit na kasi ang pasko. Napatingin ako sa mga kapitbahay naming sige pa rin sa pagbubulungan. Hindi ko alam kung bakit hindi sinisita ni Darina,e mukha nang bahay ng bubuyog ang lamay dahil sa ingay ng mga bulong. Saka tinatamad akong sumita. Hindi naman nila alam kung ano ang totoo kaya bahala na silang paniwalaan kung anong gusto nilang paniwalaan. Kahit pa makipag-debate pa ako sa tapat ng kabaong ni Teresita, o mag-ingay sa tabi ng kabaong, o kahit pa siguro tumuntong pa ako sa kabaong, mukhang hindi pa rin makikinig ang mga taong 'to. Kilala ko na sila. 'Yang mga chismosa? Sus, hindi 'yan makikinig dahil makikitid ang utak. Gusto lang nilang may matsismis sa kapwa chismosa kaya 'wag na. Hindi na ako mag-aaksaya ng laway. Sa ilang minuto kong pagtulong sa pagbibigay ng matigas na pandesal at malamig na kape sa mga bisita, hindi na rin nakayanan ng tainga ko ang mga bulong. Pabagsak kong binaba ang tray sa harap ng kakarating na bisita at pinandilatan ng mata ang kapitbahay namin. "Mga lint*ek! Magsilayas nga kayo!" bulyaw ko. Natigilan lahat ng tao. Napatingin sa gawi ko ang gulat nilang mga mukha. Nanahimik sila na maski sarili kong paghinga ay naririnig ko na. Mas lalong nagusot ang mukha ko. "Ano? Ayaw niyong lumayas?" "Jemima!" sita ng boses ni Darina. "Pasensya na, sadyang wala pang maayos na tulog itong batang 'to," paumanhin ni Darina sa mga bisita sabay kurot sa tagiliran ko. "Labas na" bulong niya sa tainga ko. Padabog akong nagmartsa palabas ng bahay. Ramdam ko pa ang titig ng mga tao kaya mas lalong humaba ang nguso ko. Nang makalabas ay dumiretso ako sa palabas sa bakod. Pupunta ako sa manukan. Mas masaya pang kausap ang mga alaga ko kaysa sa mga taong daig pa ang puwet ng manok sa kakaputak! "Kainis!" gigil kong sambit at tumakbo. Naupo ako sa lilim ng bayabas nang marating ko ang LLP. Hingal kong pinagmasdan ang may kaliitang manukan sa harap. At nang mabawi ang hininga ay pumasok sa loob. #071620.10.26P #041721.R

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook