Chapter 6

536 Words
Kinabukasan, inanunsyo ni Alferes na ni-revoke niya ang pribiliheyong binigay niya sa mga fraternity. Ibig sabihin lang no'n ay hindi na legal ang fraternity sa loob ng community college, kaya naman naging tahimik ang campus sa araw na 'yon. Hindi maintindihan ng ibang frat kung bakit bigla silang nawalan ng pribiliheyong magpulong sa loob ng community college, pero nang makasalubong ko ang lider kuno ng Garma Kapha at siya ring sumapak at sumampal sa akin, bigla na lang siyang nanakbo palayo. Natawa ako. Alam na siguro niya kung bakit nawalan sila ng pribiliheyo. Kung sasabihin ko sa ibang frat kung bakit nagdesisyon ang SSG President nang gano'n, hah, gulo ang aabutin ng Garma Kapha. Hindi lingid sa kaalaman ko na importante para sa mga frat ang pagpupulong sa loob ng community college. Dito kasi sila nakakahanap ng bagong miyembro, kaya malaking kawalan ang desisyon ni Alferes. May maliit na bulletin pa nga na para lang sa recruitment ng bawat frat ang nilagay sa gilid ng main bulletin. Pero nang madaan ako ro'n kanina, nawala na ang maliit na bulletin para sa kanila. "Galit si Jaron," rinig kong bulong ng isang babae sa kasamahan nila nang makasalubong ko sila. "Mukhang hindi na matutuloy ang anniversary party ng Alpha Nixus Frat." Alpha Nixus Frat? Napangisi ako. Mukhang ang frat na 'yon ang pinakamalaking frat sa loob ng community college. Pero wala na akong pakialam sa mga frat. Kahit na sila ang naghahari kuno sa loob ng community college, bumabahag pa rin ang buntot nila pagdating sa SSG. Kayang-kaya silang patumbahin ng SSG sa isang pirma lang. Pumasok ako sa classroom at napangisi ulit ako nang makitang wala pa ang Professor. Mabuti naman. Ayaw ko munang makipagbangayan sa mga Professor kasi kumikirot pa rin ang pisngi ko. Namumula pa rin kasi kaya nilagyan ko nang concealer kanina. Kaso hindi pa ako nakakaupo nang may humahangos na pumasok sa loob ng classroom. Ang babaeng class president. Buhaghag ang buhok niya habang nililibot ang tingin sa kaklase namin, at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya nang pagkalaki-laki. "Jemima!" tawag niya. Tinakbo niya ang distansya naming dalawa saka hingal na huminto sa harap ko. "P-Pinatawag ka ng director. Nasa opisina siya. Urgent daw!" Kinunot ko ang noo saka inirapan siya. "Ang aga pa pero amoy araw ka na," sabi ko saka sinukbit ang backpack sa likod. Lumabas ako ng classroom at kunot-noong humakbang tungo sa campus director's office. Kahit na hindi ko gustong magpakita kay Nicanor, pero baka totoo ngang urgent. Sino ba naman ang magpapatakbo sa class president nang gano'n? Para siyang sumali sa marathon. Alas-nuebe pa lang ng umaga. Maraming estudyante pa rin ang nasa hallway. Tumatambay. Siguro mamayang alas-diyes pa ang klase o hindi kaya'y nahuli na sa klase kaya lumiban na lang sa first subject. Nakita ko pa ang isa sa kasamahan ng babaeng pinakain ko ng hipon kahapon. Nang magtama ang tingin naming dalawa, inirapan niya ako at iniwas ang tingin. Hindi na siya umimik kaya natawa ako. Siguro alam na nila kung sino ang binabangga nila. Napailing ako. Kaya ko naman sila, e. Kaso pakialamero si Alferes at gumawa pa ng hakbang para maipakita ang bigat ng posisyon niya sa community college na 'yon. Pasalamat siya at hindi ako nanalo ng posisyon sa SSG. Napailing ako. Hindi talaga ako mananalo sa botohan dahil walang boboto sa akin. Takot lang silang maging presidente ang katulad kong walang sinasanto. Eh. Hindi ko naman sila tinatakot. Talagang bahag ang buntot nilang lahat. Narating ko na rin sa wakas ang opisina ni Nicanor. Nakasara 'yon kaya kailangan ko pang buksan. At nang mabuksan ko ay nakita ko agad si Nicanor. Nakaupo siya sa likod ng malaking mesa, at nakaupo sa visito's lair ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Nangunot ang noo ko. Humakbang ako papasok. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Nicanor at sa lalaki. Ano na namang kalokohan ang pinaplano niya? "Jemima," bati ni Nicanor. Minuwestra niya akong maupo sa katapat na upuan ng estrangherong lalaki. "Si Mr. Ruld. Mr. Ruld, si Jemima. Siya ang may-ari." May-ari? Mas lumalim ang kunot sa noo ko at naupo sa upuan. Tinitigan ko ang Mr. Ruld na sinasabi ni Nicanor. Mga nasa mid-20s pa yata ang lalaking nakatitig sa akin. "It's nice to meet you, Miss Jemima," sabi ng lalaki at nilahad ang kamay sa harap ko. Tinitigan ko ang kamay niya at binilik ang tingin kay Nicanor. "Ito ba 'yong urgent?" tanong ko saka umismid. Narinig ko ang pag-ikhim ng lalaking estranghero at nakita ko sa gilid ng mata ang pagbawi niya sa nakalahad na palad. Nangunot ang noo ni Nicanor. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pambabalewala ko sa pakikipagkamay ng estranghero. "Nandito si Mr. Ruld dahil may sasabihin siya sa 'yo, Jemima." "Tapos pinatakbo mo ang class president ko dahil lang sa lalaking 'to?" tanong ko ulit at tinuro ang lalaki. Bumaling ako sa lalaki at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Kumurap pa siya bago nahihiyang ngumiti sa akin. "Miss Jemima, I am Nico Ruld. Isa akong agent ng Archangel Real Estate Empire," pakilala ng lalaki saka tinitigan ang hintuturo kong nakaturo pa rin sa kaniya. "Nakita kong malawak at magandang lokasyon ang Lanling Land Property para patayuan ng condominum building. Gusto sana naming bilhin ang Lanling Land Property, at bukas kami para sa negosasyon ukol sa presyo." Ilang segundo kong pinroseso ang sinabi ng nagpakilalang Nico. Maya-maya pa'y hilaw siyang natawa saka nagsalita ulit, "Ah, Miss Jemima, kung pwede mo sanang ibaba ang hintuturo mo..." Doon ko napagtantong nakaturo pa rin ang hintuturo ko sa kaniya kaya tumaas ang kilay ko. "Hindi ko pinagbibili ang Lanling ko. Sinong maysabing ipagbibili ko 'yon, ha? Ikaw ba ang may-ari at nasasabi mong pwedeng ipagbili ang Lanling?" Para namang nataranta ang estranghero. "It's not what I meant, Miss Jemima." May pawis na namuo sa noo niya. "Magandang lokasyon ang Lanling Land Property para patayuan ng negosyo. Kaya handa kaming magbigay ng malaking presyo para sa lupang 'yon." Pinaningkitan ko siya ng mga mata at binaba ang hintuturo. "Bagong recruit ka ba?" Lumunok ang lalaki at hilaw na namang ngumiti sa akin. "Gano'n na nga, Miss Jemima. Magiging unang cliyente kita kung sasang-ayon ka sa negosasyon natin. Sana ay makatrabaho kita. Ito na ang huling pagkakataon ko para patunayan sa boss ko na nagtatrabaho ako nang maayos." Ngumisi ako sa kaniya. "Kung gano'n, magpaalam ka na sa trabaho mo. Pinal ang desisyon ko. Hindi ko ipagbibili ang LLP," sabi ko saka padabog na tumayo. Humakbang ako paalis ng opisinang 'yon. Hindi ako lumingon kay Nico kahit pa rinig ko ang hagulgol niya. Hah. Kalalaking tao, iyak nang iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD