“Tang-ina…” Naputol ang sasabihin ko nang mamilipit ako sa sakit. Tinuhod nila ang sikmura ko at feeling ko ay maluluwa ko na ang lahat ng kinain ko. Pumikit ako nang mariin ng hampasin ng kung sino ang tuhod ko kaya napaluhod ako sa kalsada. Hawak nila ang balikat ko at naramdaman kong may humatak ng dalawang kamay papunta sa aking likod. Mahigpit nilang tinali ‘yon at naramdaman ko pa ang init nang mas diinan nila ang pagkakatali. “Putang-ina kayo! Kapag nakawala ako rito ay hindi ko hahayang makikita niyo pa ang mundo,” namamaos ang boses ko nang magsalita ako. Hindi ‘yon nakakasindak sa pandinig ko at maski sa kanila dahil tinawanan nila ako. Kinaltukan pa ako ng isa kaya muntik na akong masubsob kung hindi lang nila ako hawak. “Tawagan niyo na si boss,” nari

