Enjoy Reading! “Gago, nagmukha naman akong tanga no’n? Bantay ako nang bantay wala naman pa sila ro’n,” reklamo ni Benjamin ang bumungad sa amin nang makarating kami sa mansion. “Anong ibig mong sabihin, brad?” “Tangeks, akala ko talaga isa sa kanila ‘yong anino ng babae na nasa bintana. Umiwas pa nga ako ng tingin kasi naghuhubad. Ayoko pang patayin niyo ko ‘no,” umiling-iling pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Pwede bang tapusin mo muna ‘yang kinukwento mo bago ka lumamon,” naiirita ko siyang binatukan kaya nailuwa niya ang kinakain niya. “Ang baboy mo naman, Argus! Teka lang ah. Kanina pa kasi ako nagugutom,” sarkastiko nitong saad at sumubo ng panibagong pagkain. Inantay na lang namin siyang matapos kumain dahil hindi niya talaga tinigilan ang sumub

