Enjoy Reading! LUMABAS ako saglit para manigarilyo. Hindi ko matagalan ang mga malalagkit na tingin ng mga lalaking umu-order kay Cyhael. Gusto ko silang saktan pero wala naman akong magawa dahil mga costumer sila. Bumuntong hininga ako at tinapon ang yosi sa lapag. Tinapakan ko ‘yon bago pumasok sa loob para lamang makita na wala na ang babae sa pwesto nito kanina. Naglakad ako papunta sa locker room ng mga babae at narinig ko doon ang boses ni Leah. May kausap siya sa cellphone pero hindi ko na naintindihan ‘yon kaya umalis na lang ako. Nanatilli lang ako sa loob ng kotse ko at hinintay na makalabas si Leah. Pinatong ko ang siko ko sa pintuan ng kotse at hinawakan ang labi habang pinapanood si Leah na maglakad papunta sa kaniyang kotse. Nang magsimula siyan

