Enjoy Reading! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangangatog na rin ang tuhod ko pero mas pinili kong tatagan ang loob ko. Hindi pa nga nagsisimula ay natatakot na ako. Pinaghawak ko ang namamawis kong mga kamay at tumingala. “Woohh! Kaya mo ‘yan, Sayel,” pagpapakatatag ko sa sarili ko. “Ang ganda naman talaga ng kaibigan namin,” pang-aasar ni Irene habang inaayos ang buhok ko. Pabiro ko siyang inirapan at tinawanan na lang ang kaniyang sinabi. Nginitian ko sila Gusha nang makita ko sila sa repleksiyon ng salamin. Pare-parehas silang excited at ganoon din ako. Pero hindi ko maiwasang matakot. Nawala na ang isang tao na importante nang dahil sa akin. Hindi ko na kakayaning may mawala pa kaya susundin ko na lang ang utos ni mama. Kung ka

