Enjoy Reading! Sa takot na may makakita ng card at wedding gown ay lumabas ako ng gate para itapon sa trash can ang mga iyon. Ther’'s no way na ipapakita ko sa kanila ‘yon. Sigurado akong magtataka si Argus kung kanino galing iyon. Napahawak ako sa dibdib ko nang may biglang humawak sa balikat ko. Nang lingunin ko ito ay nakahinga ako ng maluwag nang makita si Hazuki. Nagtaka siya sa itsura ko kaya nilingon niya ang basurahan. “Ano ‘yan? May nangyari ba?” Nag-aalala nitong tanong sa akin. Hindi agad ako nakasagot kaya siya na mismo ang kumuha sa kahon na hindi manlang nagkasya sa maliit na trash can. “What the heck?” Naiinis nitong usal at padabog na binato ang box sa basurahan. Wala siyang pakialam kahit natumba na ang trash can sa lakas ng kaniyang p

