Enjoy Reading! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Paulit-ulit ko pa ring naririnig ang sinabi ni Noah kanina kahit wala na sila sa kwarto ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko at masamang tumingin sa pinto. “I think she’s pregnant?” Imposible ‘yon! Tang-ina naman! Wala na bang magsasabi sa akin ng totoo ngayon? Mababaliw na ako sa ginagawa nila sa akin. Gusto ko na lang mawala! Bigla ay naalala ko ang tatlong anak ni Cyhael. Paano kung may tatay naman talaga iyong mga batang ‘yon? Paano kung sinabi niya lang ‘yon para hindi na ako makialam pa? Alam ko kung saan ako lulugar. Kung sinabi niya lang na may tatay naman talaga ang mga batang ‘yon ay kusa akong lalayo. “Kung may kinakasama siya bakit hindi ko man lang ‘yon napansin?” SA nagdaang

